CHAPTER 45

641 45 2
                                    






Pagkatapos ng pangyayari kanina sa pinagsasanayan ng mga knights dito sa unibersidad, bumalik na ako kila Mama at Papa kasama sina Yna, Jeo at Zav.

Pinakilala ko na rin silang tatlo sa kanilang lahat.

"Nakakatuwa naman na may kilala ka na dito, Leary." Sabi ni Mama sa akin habang may saya sa kaniyang mukha.

"Hindi ko na kailangan mag-alala na baka mahirapan ka sa pakikisalamuha mo dito dahil may mga kaibigan ka na." Sabi naman ni Papa sa akin na nakangiti pang nakatingin sa tatlong sinama ko dito.

"Huwag po kayong mag-alala Mahal na Hari at Mahal na Reyna, kami pong bahala sa kaniya." Nakangiti namang wika ni Yna kay Papa.

"T-Tama po si Yna, Kamahalan. Hindi po namin pababayaan si Princess Leary dito sa university." Nautal pang sabi ni Zav kay Papa.

"Maraming salamat sa inyo." Pasalamat ni Papa sa kanila.

"Alam mo na ba ang pipiliin mong pasukan dito, anak?" Tanong sa akin ni Papa.

"Opo, Papa." Sagot ko.

"Ano naman ang inyong napiling pasukan?"

"Nais ko po sana sa departamento ng mga knights." Sagot ko sa kaniya, nabigla naman ako sa kaniya nung bigla siyang nasamid sa kaniyang iniinom na tsaa.

"Papa! Ayos ka lang po?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya.

"Hahahaha, ayos lang yang Papa mo, sadyang hindi niya lang inakala na knights ang nais mong kunin." Natatawang sabi ni Mama sa akin.

"Sigurado ka ba sa inyong nais? Mahirap ang knights, hindi sa minamaliit kita ngunit Leary mahirap ang maging isang knights." Sabi ni Papa sa akin na may pag-aalala.

"Alam ko naman po yun Papa, pero gusto ko pa talaga maging isang knight."

Napabuntong-hininga naman si Papa.

"Hayaan mo na siya, yun ang gusto ng bata eh." Sabi ni Mama kay Papa.

"Siguraduhin mo lang na magiging maayos ka para hindi kami masyadong mag-alala ng Mama mo." Bilin sa akin ni Papa.

Masaya naman akong tumango sa kaniya, "Opo, Papa!"

"Mabuti naman nagkakaunawaan kayong mag-ama." Sabi ni Mama at nakangiti pang tinignan kami ni Papa bago huminto ang tingin nito sa akin.

"Kung sa tingin mo nasobrahan kami sa pagiging mahigpit sayo at may hindi ka gusto, huwag kang mahiyang magsabi sa amin handa kami ni Papa mo na pakinggan ka." Sabi ni Mama sa akin na punong puno ng pagmamahal ang nakikita ko sa kaniya, ang boses niya na nagbibigay ng kakaibang init at saya sa akin.

Ganito pala talaga ang pakiramdam na may pamilya, hindi ko 'to naranasan sa totoo naming pamilya.

Ang swerte ko, napaka swerte ko.

Pinakita ko kay Mama at Papa ang matamis kong ngiti, "Naiintindihan ko po ang lahat, huwag din po kayong mag-alala dahil taos puso ko pong susundiin ang mga bilin niyo dahil—kayo na ang magulang ko." Sabi ko sa kanilang.

"Kung ganun, buo na talaga ang desisyon mo na maging isang knight." Sabi ni Papa.

Tumango naman ako sa kaniya.

Gusto ko maging knight para may lakas akong protektahan sila Ate

"Magpapasama ako na magbabantay sa inyo habang nag-aaral kayo para matiyak ko na maayos at ligtas kayo." Sabi ni Papa sa akin.

"Sige po." Pagsang-ayon ko sa gusto niya na magkaroon kami ng bantay.

"Bibigyan ko rin ng kaniya-kaniyang personal knights ang mga kapatid mo, dadagdag ko lang yung bantay na inutusan ng Ate mo." Sabi ni Papa sa akin at nakatingin sa mga knights na nagbabantay sa mga kapatid ko ngayon na masayang naglalaro.

"Si Ate po ang nag-utos sa kanila? Akala ko knights niyo po sila." Tanong ko.

"Ang Ate Hain mo ang nag-utos sa kanila at tauhan sila ng ate mo, sumunod sila dito nung malaman nila sumama kayo sa amin mukhang sinabihan sila nang mga knights na pinasama sa amin ng ate mo." Sagot ni Papa sa tanong ko.

"Ang higpit po pala talaga ng Prinsesa Eve." Kumento ni Yna.

"Pagdating sa kaniyang pamilya at nasasakupan, tama ka mahigpit siya dahil nais niyang mapanatiling maayos at ligtas ang lahat." Nakangiti tugon ni Papa kay Yna.

"Kaya hindi na po nakakapagtaka kamahalan kung maging isang maunlad na Empire ang pamumunuan ni Prinsesa Eve, sakali na mayroon siyang sariling sa kaniya." Masiglang pagkakabanggit ni Yna kay Papa.

"Sakali? Bakit 'di natin totohanin?" Tanong ni Papa na nagpagulo sa amin.

Anong ibig niyang sabihin?

"Ano pong ibig niyong sabihin, Mahal na Hari?" Tanong ni Zav

"May t'yansa po na magkaroon ng sariling Empire o Kaharian si Prinsesa Eve?" Tanong naman ni Jeo.





THIRD PERSON POV.

"Hanggang ngayon wala parin akong nababalitaang pinaglalamayan ang anak ni Edward!" Bulyaw ni Haring Arturo sa kaniyang butler.

Ngunit tila sanay na ang butler sa asta ng kanilang haring pinaglilikuran kaya wala lang sa kaniya ang galit ng kanilang hari.

"Napaka impossibleng gawin ang iyong nais, Master."

Nanggagalaiti naman sa galit si Haring Arturo dahil sa sinabi ng kaniyang butler.

"Pa'nong impossible?! Isang babae lamang iyon! Hindi niyo pa magawa ng tama!.......mga unutil!"

Hindi naman nagbago ang ekpresyon ng butler sa kabila ng mga salitang kaniyang naririnig at natatanggap mula sa kanilang hari.

"Ang isang babae lamang na sinasabi niyo ay isa sa mahahalagang anak ni Haring Kirus Nacario, ang Hari ng pinakamataas na Empire sa lahat." Sabi ng butler, bakas sa boses nito ang kaseryosohan at tinig ng nagbabala.

Natigilan naman si Haring Arturo sa kaniyang narinig at tila pinoproseso sa kaniyang isipan ang panibaging impormasyon na kaniyang nalaman mula sa kaniyang butler.

Ngunit tumalim lalo ang tingin ni Haring Arturo sa kaniyang butler, "Ako ba pinagloloko mo? Hindi ba't ikaw na nagsabi na anak siya ni Edward?"

"Tama ang impormasyon na binahagi ko sayo, Master. Tunay ngang anak siya ni Haring Edward subalit kinikilala rin siyang anak ni Haring Kirus kaya naman kilala siyang bilang anak ng dalawang kaharian ang ma impluwensyang Prinsesa sa lahat." Paglilinaw ng butler kay Haring Arturo.

"Kaya naman pala pumalpak kayo." Galit na pagkakasabi ni Haring Arturo.

"Patawad, Master." Panghihingi ng tawad ng butler at yumuko ito.

"Kung hindi ko naman pala malalagasan ang pamilya ni Edward, lalagasan ko nalang ang kaharian nila." Sabi ni Haring Arturo kaya naman napatingin ang kaniyang butler sa kaniya.

"Ano pong ibig niyong sabihin, Master?" Tanong ng butler.

Bahagya naman ng tumawa ang Hari pagtapos ay ngumisi ito na para bang buo na ang kaniyang pasya.

"Paagahin ang digmaan, mangunguna tayo sa lulusob sa kanilang kaharian."

Na alarma naman ang butler sa sinabi ng Hari sa kaniya, " Hindi dapat tayo padalos dalos sa ating hakbang, master....lalo na't may posilibidad na nasa panig nila si Haring Kirus Nacario."

"Hindi basta-bastang mangingielam ang Haring yun dahil pinapanatili niya ang kapayapaan sa kaniyang kaharian kaya naman hindi siya nangigielam sa mga naggaanap sa ibang kaharian." Pagsalungat din ni Haring Arturo sa kaniyang butler.

"Mas mabuti kung bibiglain natin sila." Nakangising dugtong ni Haring Arturo.

"Kung biglaan, mas maraming malalagas."











Maraming salamat po sa pagbabasa, mag-ingat po kayo lahat palagi ^^

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now