CHAPTER 49

671 41 6
                                    



THIRD PERSON POV.

Habang nakikipag-usapan si Hain sa mga pinunong inatasan niya sa bawat district ng serevo, pinagmamasdan niya rin ang patapos ng pader at mga estrukturang tinatayo.

Inuulat sa kaniya ng mga ito ang mga nagawa, natapos at sinimulan na sila.

"Kamahalan, sinimulan na rin namin gawin palasyo niyo sa South District." Pagbibigay alam sa kaniya ni Fabiya, ang leader ng First East District, Edelion.

"Pa'no naman ang mga District niyo? Nasisimulan niyo na rin ba?" Tanong sa kaniya ni Princess Hain.

"Opo Kamahalan, nasimulan na rin po namin dahil sa malaking bilang ng mga taga boriyan na tutulong sa amin, mas napadali po ang gawain namin." Ulat ni Payro sa kaniya, ang leader naman ng  Second West District, Lecaniel.

"Mabuti, mas uunahin dapat tapusin ang pader para naman dito nalang sa loob ng bayan natin ang aayusin at para na rin walang tao na basta basta makakapasok dito." Saad ni Hain sa kanila.

"Balak po sana namin na ihinto na muna ang pag-aayos sa dalawang district at yung mga gumagawa doon ay tumulong sa paggawa ng pader para mabilis at matapos na ang pader." Pagbabahagi ni Fabiya sa kanilang nais gawin.

"Kung yun ang iyong nais, sige gawin nin'yo para matapos kaagad ang pader." Pagpayag ni Princess Hain sa kanilang kagustuhan.

"Salamat po, Kamahalan. Sabihan ko lang po sila." Sabi ni Fabiya at nagpaalam ng umalis para isagawa ang plano nila.

"Kamahalan, natapos na po pala na—" Hindi natapos ang sasabihin ni Payro nang may biglang dumating.

"Princess Hain." Tawag ng isang Captain ng boriyan na tila kakarating lang.

"Pagbati sayo Mahal na Prinsesa, kinagagalak kong makita kang muli." Pagbibigay galang nito kay Princess Hain.

"Ano't na pa rito ka Captain Yenari?" Tanong ni Princess Hain kay Captain Yenari.

"Inatasan po ako ni Head Captain Bea na pumarito upang maging personal mong knight, Kamahalan. Napag-alaman niyang walang knight na nagpo-protekta sa'yo." Sagot nito sa tanong ni Princess Hain sa kaniya.

"Oo nga pala, nakalimutan ko magsabi, nawala sa isip ko ang bagay na ito may mga kailangan kasi ako unahin." Sabi ni Princess Hain sa kaniya.

"Kaya narito po ako para bantayan po kayo, Kamahalan." Sabi ni Captain Yenari kay Princess Hain.

May inabot na isang sobre si Captain Yenari kay Princess Hain na pinagtaka naman nito, "Ito po ang tugon na hinihintay niyo mula kay Princess Zahari, Kamahalan."

Kaagad namang kinuha ni Princess Hain ang sobre dahil napaka importante nito sa kaniya.

Binasa niya ito para malaman kaagad ang nilalaman ng sobre at malaman ang naging tugon sa kaniya ni Princess Zahari.

"Nais nilang sila na pupunta sa bayan na 'to para makusapin ako?" Tanong ni Princess Hain habang binabasa ang tugon ni Princess Zahari sa kaniya.

"Ayaw ko silang papuntahin dito, lalo na't ginagawa palang ang lahat baka matuklasan nila ang pamamaraan natin." An'ya at tumingin kay Captain Yenari.

"Yenari, nais kong magtungo ka kay Princess Zahari at sabihing sa palasyo na lamang mag-uusap. Iparating mo na hindi ko nais na magtungo sila rito." Utos ni Princess Hain kay Captain Yenari.

"Masusunod po, Master." Magalang na sambit nito kay Princess Hain.

"At para na rin makasigurado, magtungo ka na rin sa palasyo at sabihin mo rin sa kaniya ang nais kong iparating kay Princess Zahari." Bilin pa ni Princess Hain kay Captain Yenari.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now