CHAPTER 2

1.4K 85 0
                                    

Hindi ako makatulog kaya dahan dahan akong umalis sa higaan para hindi ko magising si Leary ang himbing pa naman ng tulog niya.

Lumapit ako sa mini table ni Hain kung saan naka lagay ang iba't ibang libro at mga dokumento,  binuksan ko ang isang drawer niya sa kanang bahagi na nasa itaas pagkabukas ko ay tumambad sa akin ang iba't ibang liham.

Kinuha ko naman ang lahat ng liham at nilagay sa lamesa, kumuha ako ng isa at nabasa ko ang liham na naka pangalan na Taiya.

Nang mabasa ko ang pangalan sa liham, pumasok sa isip ko ang wangis at boses ni Taiya pati na ang naging pag-uusap nila ni Hain. Napag alaman ko na may negosyong binuo yun ay ang Eveo Boutique na kilala sa buong kaharian, may shop na ring naipatayo sa ibang kaharian dahil sa lalong paglago na ito.

"Hindi ko akalain na mayaman ka pala Hain kahit walang tulong galing sa Amang Hari at Inang Reyna." Manghang wika ko sa aking isipan.

Binuklat ko naman ang iba na puro update lang tungkol sa Eveo Boutique natapos ng ipatayo ang isang shop sa ibang kaharian.

Agaw naman pansin ko ang isang ulat na tungkol sa isang bahay.

"Ms. Eve natapos na ang bahay na pinapatayo mo dito malapit sa boutique maaari na kayong lumipat kasama ang iyong kapatid dahil maayos na ang lahat, titirhan niyo nalang." Basa ko sa liham.

"Bahay? May pinatayong bahay si Hain malapit sa boutique shop niya?" Tanong ko sa aking isipan.

Tinignan ko naman ang ibang liham hanggang sa dumapo ang paningin ko sa isang libro na may nakasingit na papel kaya kinuha ko ito at kinuha kung saan nakasingit ang papel.

"Eligarco Empire Law." Basa ko sa isang pahinga,  teka ito ang empire law ng kaharian nila Hain.

Pinagpatuloy ko naman ang pagbabasa kaya hindi nakaligtas sa akin ang, "Princesses Eligarco Empire Law." Basa ko kaya minabuti ko basahin kung anong nakapaloob sa batas na iyon.

Habang binabasa ang law para sa mga Prinsesa nagpipigil naman ako sa galit, "Bakit ganito ang batas sa mga Prinsesa? "Tanong ko sa aking isipan.

"Walang resposibilidad ang Hari, Reyna maski na ang mga Prinsipe sa kanila?wala silang karapatan sa mga magiging anak nila na babae?" Hindi makapaniwalang sambit ko sa aking isipan.

"Ha! Ano yun nanganak at gumagawa gawa sila ng anak, hindi man lang nila magawang maging Ama at Ina?"

Kinuha ko naman ang papel na nakasingit sa libro at binasa ito.

Hindi ko na namalayan na lumuluha na pala ako habang binabasa ang sulat sa papel na sulat kamay mismo ni Hain.

"Wala man akong kakayahan gaya ng kalalakihan ngunit may taglay naman akong angking katalinuhan na magiging daan sa maunlad na pamumuhay, gamit ito sisikapin kong maging mayaman ng sa gayun ay hindi ko na kailangan magmakaawa pa sa kung sino man sa aking pamilya na tuluyan na kaming binalewala. Gamit ito magagawa kong makaalis sa palasyong mas masahol pa sa empyerno at magawa kong putulin ang anumang ugnayan ko sa kanila, magawang ibalik ang kanilang walang halagang mga salapi. Kaya kong tumayo ng mag-isa habang pinoprotektahan ang aking mga minamahal na kapatid." Lumuluhang basa ko sa huling bahagi ng sulat.

"Ako ang magpapatuloy ng mga sinimulan mo Hain, ako ng bahala." Nakapikit na wika ko.

Tumayo ako at lumapit sa isang kabinet na katabi ng small library ni Hain sa kwarto,  binuksan ko ang unang buksanan nito at tumambad sa akin ang bundok bundok na silver coins na binibigay sa kaniya. Gold and silver coins ang uri ng pera nila dito katumbas ng isang Gold coins ang one million silver coins.

Buwan buwan may nakakarating na pera kay Hain, 100 silver coins sa isang buwan na hindi naman sasapat ngunit hindi na ginalaw ni Hain ang mga pera na dumating at pinalitan niya ang mga naunang nagastos niya.

Binuksan ko naman ang pangalawa na panghuli na sa kabinet, nakita ko ang mga kasuotan na pangmahirap na medyo may butas at sira sira na o punit na.

Sinarado ko ito at tinignan si Leary na mahimbing na natutulog, "gusto mong makaalis dito Hain? Pwess aalis kami dito dahil natapos na ang bahay na pinapagawa mo, ako ng bahala humarap sa pamilya mo. Ipapakita ko sa kanila ang sinayang nila." Determinado kong sambit.

Dahil hindi pa rin ako dinadalaw ng antok lalo na sa mga nabasa at nadiskrobe ko, naisipan kong lumabas ng kwarto pagkalabas ko nakasalubong ko si Bree.

"Oh Bree, bakit gising ka pa?" Tanong ko sa kaniya.

"Eh kasi Hain, may dumating." May pag-aalinlangan na sabi ni Bree.

"May dumating? Nang ganitong oras?" Tanong ko sa kaniya, tumango naman siya sa akin at saka yumuko.

Naglakad naman ako pababa ng second floor para malaman kong sinong dumating, habang bumababa nagkaideya naman ako kung sino ang posible na dumadating ng ganitong oras.

Pagkababa ko nakita ko ang nakaupong isang tao sa isang upuan kaya nilapitan ko ito.

"Anong ginagawa mo dito Prinsipe Easton Lachlan Cutillar? "Ang ikawalang prinsipe,  nakakatandang kapatid na lalaki nila Hain.

Napatayo naman siya ng marinig niya ako, "Hanggang ngayon tinatawag mo pa rin ako sa buong pangalan ko Dev." Ani ya.

"Hain, hindi tayo malapit sa isa't-isa kaya wala kang karapatan na tawagin ako ng Dev, kamahalan." Blangko kong wika sa kaniya.

Gulat naman siyang napatingin sa akin ngunit maya maya ay bumalik na siya sa kaniyang sarili,  "Patawad."

Hindi ko naman pinansin ang sinabi niya at umupo nalang sa upuan na kaharap niya.

"Anong kailangan mo ng ganito oras? Alam mo bang tulog na dapat ang mga nakatira dito ng ganito oras?" Tanong ko sa kaniya.

"Gusto ko lang mangamusta." Sabi niya

"Nang ganito oras? "Taas kilay na agad kong tanong sa kaniya.

Magsasalita sana pero pinangunahan ko siya, "as you can see your highness,  I'm still alive and peacefully breathing in the air." Sabi ko sa kaniya,  kunwaring pumikit at humihinga.

"P-Paanong natuto kang magwika ng Ingles? " Gulat niyang tanong.

Confident naman akong ngumiti sa kaniya, "Bakit? Nasa batas ba na ang Hari, Reyna at mga Prinsipe lang ang dapat marunong magsalita ng wikang Ingles your highness?" Tanong ko sa kaniya

"H-Hindi  na-"

"Hindi naman pala eh, edi gagamitin ko ang wikang Ingles sa anumang oras ko gustuhin." Pagputol ko sa kaniya, bastos na bastos pero kahit na si Hain mismo ang humarap sa kaniya panigurado na kanina pa ito nakaalis.

Sariwa sa alaala ni Hain kung paano siya balewalain ni Easton nung mga panahon na naghihirap si Hain sa kamay ng matandang demonyitang headmaid na yun.

Nanonood lang si Easton sa kaniya habang pinapahirapan siya ng Headmaid na iyon, wala siyang ginawa kahit ano para tulongan si Hain kaya kinamumuhian niya si Easton.

Tumayo naman ako mula sa pagkakaupo, "kung wala ka naman palang importanteng pakay dito, dapat hindi ka na pumunta pa dahil napaka laki mong abala." Sabi ko sa kaniya at umakyat na paitaas.

"Sa...Sandali Hain." Pagpigil niya sa akin kaya tumigil ako sa paghakbang sa hagdanan at walang emosyon ko siyang tinignan.

"Huwag kang papansin Prinsipe Easton Lachlan Cutillar dahil kahit anong gawin mo walang magbabago kaya umalis ka na." Sabi ko sa kaniya at tuloyan ng umakyat pabalik sa kwarto.

Habang pabalik ako sa kwarto naramdaman ko naman ang pagkirot ng dibdib ko.

"Tsk, medyo malambot ka Hain." Sabi ko at pumasok na sa kwarto, umupo ako sa ulit sa harap ng mini table ni Hain at binuksan ko ang gitnang drawer niya nakita ko naman ang mga papel na may mga desenyo damit kaya kinuha ko ang mga ito.

Dahil sa hindi pa nga ako dinadalaw ng antok naisipan kong magdrawing na din ng mga alam kong kasuotan na hindi lalayo sa mga gawa ng totoong Hain.

Lumipas ang ilang minuto habang nagguguhit ako nakaramdam na ako ng antok kaya tinigil ko na ang pagguhit at binalik lahat ng kinuha ko sa mga drawer ni Hain.

Pagkatapos ay tumayo na ako para bumalik na kama at matulog na.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now