CHAPTER 1

1.8K 89 1
                                    

Medyo magdidilim na kami nakarating ng South Mansion.

Pagpasok namin sa gate ng South Mansion sumalubong sa akin na isang bata, mabilis siyang tumakbo palapit sa akin at yumakap sa beywang ko.

Princess Hale Leary Cutillar,  ang batang kapatid ng totoong Hain.

"Ate, pinag-alala mo ako akala ko iiwan mo 'ko." Ani 'ya habang nakasubsob ang mukha niya sa tiyan.

Napangiti naman ako sa sinabi niya kaya hinawakan ko ang ulo niya, "Patawad kung pinag-alala kita, nagpapahangin lang naman ako sa tabi tabi Leary." Sabi ko siya kaya inangat niya ang kaniyang ulo at tumingin sa akin.

"Talaga ate? "Tanong niya

Tumango naman ako sa kaniya na nakangiti kaya kita ko sa mukha niya ang saya.

"Princess Hain at Princess Hale, pasok na po kayo sa loob." Sabi ng maid na kasama ko na si Bree

Nagulat naman ako ng bigla akong hinila ni Leary at tumakbo hindi na ako nagreklamo lalo na't masaya siyang hila hila ako papasok sa loob.

"Princess Hale, dahan dahan lang po." Sabi ni Bree sa kaniya ngunit hindi niya ito pinansin hanggang sa nakapasok na nga kami sa loob ng South Mansion.

"Ate dito po ako ulit ah, tabi po tayong matulog mamaya." Sabi niya sa akin

"Ayaw ko pong bumalik sa West Mansion. " Malungkot nitong dugtong, pumasok naman sa isip ko ang isang impormasyon na hindi sanay na mag-isa si Leary lagi itong gumagawa ng paraan para manatili sa South Mansion para makasama ang kaniyang Ate na si Hain.

"Kung gusto mo dito ka na sa South Mansion. "Sabi ko sa kaniya, hindi naman siya makapaniwala na tumingin sa akin.

Kasama niya sa West Mansion ang nakakatandang Prinsesa na bubod ng kayabangan sa katawan, kaya mas gusto ni Leary na manatili dito sa South Mansion.

Mag-isa lang dito sa South Mansion pero ayun sa mga alaala niya na nasa akin, limang araw mula ngayon darating ang batang kambal na prinsesa na nasa apat na taong gulang palang.

"S-Sigurado ka Ate?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

"Oo naman." Nakangiting sagot ko sa kaniya.

"Ibigsabihin dito na ako titira? "Tanong niya ulit.

"Oo, marami namang bakanteng kwarto dito at saka para hindi ka na mapagod na pabalik balik sa West at South Mansion. "Ani ko sa kaniya.

Nataranta naman ako ng makita ko siyang umiyak.

"Anong problema Leary? Ayaw mo ba?" Nag-aalala kong tanong sa kaniya.

Umiling iling naman siya sa akin at pinunasan ang mukha niya, "Masaya po ako Ate dahil ayaw ko po dun sa West Mansion, pinapahirapan po ako ni Ate Amara doon, ginagawa niya po akong katulong."

Napayukom naman ako ng kamay dahil sa galit, "Bakit ngayon mo lang sinabi?" Tanong ko sa kaniya dahil wala sa memorya ni Hain na ganito pala tratuhin ang kapatid niya.

"Nilihim ko po dahil sabi ni Ate Amara na sasaktan ka po niya kapag magsusumbong ako." Sagot niya sa akin.

Pumantay ako sa kaniya at niyakap siya, sobrang laki ng lugar sa puso ko ang mga inosenteng bata lalo na kapatid sila ni Hain at kapatid ko na rin dahil ako na si Hain.

"Hindi mo na kailangan bumalik sa West Mansion kung hindi mo gusto, at mula ngayong araw dapat wala ka ng sinisekreto kay ate ha?" Sabi ko sa kaniya bago ako kumalas sa pagkakayakap sa kaniya at tinignan siya.

"Pangako Ate Deve. " Sabi niya sa akin at ngumiti.

Tumayo ako at tinignan si Bree na umiiyak habang may panyo sa kaniyang mukha.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now