EPILOGUE

767 55 5
                                    




Lahat ng Captain's, Commander's at ang dalawang iniwan ni Princess Hain na maging pansamantalang pinuno ng boriyan habang wala siya, lahat sila ay magkakasama na sa isang tent at ang hinihintay nalang nila ay si Princess Hain.

"Lahat kumpleto na si Master nalang wala." Ani ni Captain Louis nung makita niyang kumpleto na silang lahat sa loob.

"Sinabihan mo na ba si Master, Zuran?" Tanong ni Head Captain Bea kay Captain Zuran dahil siya ang inutusan ni Princess Hain na tawagin silang lahat.

"Sinabihan ko na siya." Sagot nito sa kaniya.

"Pinatawag niya tayong lahat, ibigsabihin lang nito ay talagang importante ang sasabihin sa atin ni Master." Sabi naman ni Captain Romano.

"Baka may ipapagawa siya sa ating lahat." Sabi ni Captain Alen.

"Hindi natin alam, mas mabuti kung hintayin nalang si Master kesa mag-isip tayo ng kahit ano kung bakit niya tayo pinagtawag lahat." Sabi ni Head Captain Bea sa kanila kaya natahimik naman ang mga ito.

"Kamusta naman ang pagbabantay sa Young Master natin, Captain Louis?" Tanong ni Head Captain Bea para ibahin ang usapan.

"Maayos naman, hindi naman mahirap bantayan si Young Master Levan dahil mahigpit din ang bantay sa palasyo ng Revilloza Empire." Sagot ni Captain Louis sa kaniya.

"Ang alam ko dalawa kayong personal knight ni Young Master, sino ang isa?" Tanong ni Captain Yenari.

"Si Sieya."

"Taga Revilloza Empire ba yun?"

Umiling naman si Captain Louis sa sunod na tanong ni Captain Yenari, "Taga Serevo siya."

"Kaya pala nandito ka dahil may maiiwan naman pala para magbantay kay Young Master Levan." Ani ni Commander Cedi.

"Kahit naman na dalawa kaming ipadala ni Sieya dito marami paring magbabantay sa Young Master natin dahil may inutusan din si Haring Kirus na magbantay sa kaniya at laging nasa tabi ni Haring Kirus si Young Master Levan."

"Mas maganda pa pala na nadoon si Young Master Levan." Usal ni Commander Varin.

"Balak ni Haring Kirus na pag-aralin si Young Master para maging taga pagmana ng trono niya." Sabi ni Captain Louis na kina bigla ng lahat.

"Bakit si Young Master? Hindi ba't may dalawang anak si Haring Kirus?" Gulat na tanong ni Captain Hazyar.

"Ayaw ng dalawang prinsesa na maging Emperor kaya naman pinilit nilang ilipat kay Young Master Levan ang karapatan sa trono." Sagot ni Captain Louis

"Apat na araw maingay ang palasyo dahil sa hindi pagpayag ng dalawa prinsesa, sumakit pa nga ulo ni Haring Kirus sa kanila kaya naman kinausap niya sila ng mabuti." Dugtong ni Captain Louis.

"Baka yan pa ang magiging dahilan ng pag-aagawan nila sa trono ah."

"Malabong mangyari yan dahil ang bawat isa sa kanila ay may kaniya kaniyang gusto maging ano sila sa kanilang paglaki."

"Ma—" Hindi natapos ang sasabihin ni Captain Hazyar ng makita nila na pumasok na si Princess Hain.

Lahat sila ay sabay-sabay na tumayo at, "Master." Sabay na nagbigay galang kay Princess Hain.

Ngumiti sa kanila si Princess Hain, "Magsiupo na kayo." Utos niya sa kanila at pumunta sa kaniyang uupuan.

Sinunod naman nila ang utos ni Princess Hain at hinintay ng mga ito ang sasabihin niya sa kanilang lahat.

"Pasensya na kung pinatawag ko kayo na dapat ay nagpapahinga kayo dahil alam kong napagod kayo sa labanan kanina." Sabi ni Princess Hain sa kanila.

"Ayos lang po Master, nagkapagpahinga naman po kami dito habang hinihintay ka namin." Sabi ni Head Captain Bea

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now