CHAPTER 29

842 72 7
                                    

LEARY POV.

"Leary, Leary." Paggigising sa akin ni Ate Bree.

Inaantok akong bumangon sa higaan ko, "Ano yun Ate Bree? Oras na ah, maaga pa tayo bukas." Inaantok kong sabi sa kaniya.

"Nandito ang Ate mo." Sabi niya sa akin na nagpawala ng antok ko.

"Nandiyan si Ate? Umuwi na siya?" Tanong ko sa kaniya.

Ngumiti naman siya sa akin at saka tumango, mabilis akong umalis ng higaan ko at mabilis na tumakbo pababa.

"Leary, dahan dahan lang." Rinig kong sabi ni Ate Bree pero hindi ko siya pinakinggan, dare daretso lang ako tumakbo hanggang sa makababa.

Kaagad kong nakita si Ate Hain kaya mas binilisan ko ang takbo ko palapit sa kaniya.

"Ate!" Masayang tawag ko at yumakap sa kaniya.

"Mabuti hindi ka nadapa Leary." Sabi niya sa akin.

Kumalas ako ng pagkakayakap at ngumiti na tumingin sa kaniya, "Buti umuwi ka na Ate." Masayang ani ko sa kaniya.

Napansin ko naman ang mga hindi ko kilala na kasama niya.

"Umupo ka na muna." Aya niya sa akin na umupo, sinunod ko naman ang sinabi niya habang nakatingin sa mga kasama niya.

"Mama, sino po siya?" Gulat akong napatingin sa bata na nagtanong kay Ate.

Sa laki at liit niya mukhang kaedaran niya lang yung tatlong kambal.

"M-Mama?!" Gulat kong patanong kay Ate Hain.

"Ipapaliwanag ko ang lahat sayo Leary." Kalmadong sabi ni Ate Hain sa akin.

"Siya si Tita Leary mo, nakakabatang kapatid ni Mama." Sagot ni Ate sa batang nasa kandungan niya.

Anak talaga ni Ate ang batang yan? Paano? Hindi ko naman siya nakitang nagbuntis noon ah.

"Leary, Si Levan Zair. Anak ko, inampon ko siya." Pakilala niya sa akin nung bata sa akin.

"At siya naman si Tomas, anak ng kaibigan ko." Sabi niya at tinuro ang isang bata na katabi nung lalaking hindi ko rin kilala.

"At yung isa naman kapatid natin, si Azanch Cutillar ang may kaarawan bukas." Pakilala niya sa akin sa kapatid namin.

Kaarawan bukas?

Napatingin naman ako bigla kay Ate, "Kaarawan mo rin bukas Ate." Sabi ko sa kaniya, gulat naman napatingin sa akin ang batang nasa kandungan niya.

"Kaarawan ni Mama bukas?" Gulat na tanong sa akin ni batang maliit na si Levan.

"Oo, hindi mo ba sinabi sa kanila Ate?" Tanong ko kay Ate Hain.

Napakamot naman ng pisnge si Ate at pilit na ngumiti sa amin, "Nakalimutan ko rin nakaarawan ko bukas, naalala ko lang din kanina." Sabi niya kaya napatampal nalang ako ng noo.

"Kung ganun, pareho po tayo ng kaarawan?" Tanong ng kapatid namin na si Azanch.

"Oo, kung kaarawan mo nga bukas, pareho tayo." Sagot ni Ate sa kaniya na nakangiti.

Anong ginagawa niya dito? Bakit may kasama si Ate na kapatid namin na Prinsipe? At isa pa mukhang mas bata siya sa akin.

Napadako naman ang tingin ko dun sa lalaking hindi ko kilala na kasama nila Ate, "Sino naman siya Ate?" Tanong ko kay Ate at tinuro ang lalaking 'di ko kilala.

"Siya si Duke Marvis Igneo." Sagot ni Ate sa akin.

"Papa ko yan." Sabi ni Levan kaya nanlaki ang mata ko na tumingin kay Ate.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now