CHAPTER 12

1.1K 83 2
                                    


Maayos kaming nakadaan sa bayan ng Parsalah nang walang aberyang nangyari.

Kasalukuyan kaming papasok sa bayan Serevo, sinalubong kami ng grupo ng kalalakihan na may dala dalang sandata ngunit walang anumang  suot na baluti o kalasag, tanging sandata lang na luma pa kung titignan.

"Pagbati para sa Mahal na Prinsesa ng kaharian!" Pagbati nila at sabay sabay na yumuko,  sa mga nakarinig ay dali dali din silang yumuko para magbigay galang.

Tumingin ako kay Levan na nasa aking likuran, sinenyasan ko siya na lumapit sa akin.

Pagkalapit niya ay hinawakan ko ang kamay niya at tumingin sa mga mamayan ng Serevo na nakatingin sa amin, "Hindi lang ako ang maharlika na narito na tutulong sa inyo." Sabi ko sa kanilang lahat bakas naman ang pagtataka sa kanilang mukha.

Ngumiti na muna ako kay Levan bago tumingin muli sa mga tao, "Pinapakilala ko nga pala sa inyong lahat si Prinsipe Levan Zair Cutillar, ang una kong anak na lalaki." Anunsyo ko sa kanila.

Sandali namayani ang katahimikan ngunit sabay silang yumuko, "Pagbati para sa Munting Prinsipe."

"Aasahan namin ang kooperasyon ninyong lahat sa pag-unlad ng bayan na ito." Sabi ko sa kanila may humakbang sa harap amin na isang mamayan ng Serevo na may paggalang.

"Para sa ikakaunlad ng aming bayan, asahan niyo ang aming buong kooperasyon sa pag-unlad at ang aming buong katapatan sa inyo!" Sigaw ng isang lalaki na mukhang nasa  50's o 60's na.

"Maraming salamat, maaari na kayong bumalik sa inyong ginagawa. Sa mga may katungkulan sa bayan na ito, kailangan ko ang presensya nin'yo mamaya para sa isang pagpupulong." Saad ko sa kanila.

"Masusunod." Sabi ng iilan, nagbigay galang na muna sila bago lumisan at bumalik sa kanilang tahanan at ginagawa.

Napatingin naman ako kay Taiya at Captain Louis na lumapit sa akin, "Hain, may nakahanda ng isang bahay tuluyan para sa atin." Sabi ni Taiya.

Aalis na sana kami para magtungo sa bahay na aming pansamantalang tutuloyan habang nandito kami sa Serevo.

Napatigil kami ng biglang humarang sa Captain Louis sa aming harapan habang naka luhod ang kanang tuhod niya at nakalagay sa dibdib niya ang kaliwang kamay niya.

"Hindi ko alam kung bakit kinilala niyo bilang anak at bilang Prinsipe ang batang niligtas natin mula sa bayan ng Kuarayi ngunit hindi ko na aalamin dahil batid kong mabuti ang iyong puso mahal na Prinsesa at hindi kayo nagkakamali sa pagkilatis ng isang tao....... Kaya naman sana pagbigyan niyo ang aking kahilingan Mahal na Prinsesa. "Mahabang salaysay niya.

Napatingin naman ako kay Levan na nakatingin lamang kay Captain Louis.

"Ano ang iyong kahilingan, Captain Louis? "Tanong ko sa kaniya, isa siya sa mga magigiting na kawal ng Boriyan kasamahan nila Alen at Varin.

"Bukod sayo Mahal na Prinsesa, nais kong ibigay kay Prinsipe Levan ang aking katapatan at maging isa sa kaniyang sandata." Sagot niya, pinagmasdan ko siya ng mabuti wala akong ibang nakikita sa kaniya kundi ang sinseridad at lakas ng loob.

"Tamang tama, bata pa ang aking Prinsipe hindi sa lahat ng oras ay matutukan ko siya kaya naman kinakailangan na may titingin at gagabayan sa kaniya hanggang sa maging handa na siya sa kaniyang magiging tungkulin. "Sambit ko habang nakatingin kay Levan na nakatingin sa akin na may makikitang pagtataka tila walang alam sa nangyayari.

Napatingin ako sa gawi ni Captain Louis na naghihintay ng aking sagot sa kaniyang kahilingan, " Captain Louis,  isa sa sampung may mataas na posisyon at malalakas na kapitan ng Boriyan simula sa araw na ito ikaw ay magiging personal Knight ni Prinsipe Levan Zair Cutillar. "

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now