CHAPTER 22

844 73 7
                                    




"Pagpabati sa Mahal na Prinsesa at sa Mahal na Prinsipe." Bati nina Taiya at Linus sa aming dalawa ni Levan.

Babati sana ang mga taga boriyan na bagong dating ngunit pinigilan ko sila.

"Hindi niyo na kailangan batiin ako." Sabi ko sa kanila.

"Master, sino po ang batang karga niyo?" Tanong sa akin ng isang matandang babae kung hindi ako nagkakamali isa siya sa malapit na tao kay Hain.

"Anak ko po Nay Alida, si Levan Zair Cutillar." Pakilala ko kay Levan sa kaniya.

Gulat naman siyang napatingin sa akin, "Hindi ko nabalitaang nagbuntis ka." Sabi niya sa akin.

Napangiti naman ako sa kaniya, "i kwento ko nalang po sa inyo kapag magkaroon po tayo ng oras sa isa't-isa." Sabi ko sa kaniya.

"Master! Prinsipe Levan!" Rinig naming pagtawag sa amin.

"Kuya Tomas!" Balik namang tawag ni Levan, dahil karga karga ko siya madali nalang sa kaniya na makita kung sino tumawag sa amin.

Nang makalapit na sa amin si Tomas, "Magandang umaga sa inyo, Master, at Prinsipe Levan." Nakangiting niyang bati sa amin.

"Magandang umaga rin sayo, Kuya Tomas."

"Magandang umaga sayo, Tomas." Bati naming dalawa ni Levan sa kaniya pabalik.

"Master, nais ko pong ipagpaalam sa inyo si Prinsipe Levan. Mag-eensayo po kami kasama si Kuya Captain Louis." Sabi niya sa akin.

Binaba ko si Levan dahil sa sinabi niya sa akin, "Mag-iingat kayong dalawa." Sabi ko sa kanila.

"Opo!" Sagot nilang dalawa sa akin.

"Alis na po kami, Mama." Paalam ni Levan sa akin.

Tumango naman ako sa kaniya, "Sige."

"Tara na, Kuya Tomas." Sabi ni Levan kay Tomas at hinala pa niya ito paalis kaya naman napatawa ako sandali.

"Parang mas masaya ka na ngayon, kakaiba ang iyong ngiti at sigla ng iyong mukha't mata dahil ba sa may anak ka na?" Tanong sa akin ni Nay Alida.

"Tama ka po." Sagot ko sa kaniya habang nakatingin na nakangiti sa dinaanan nila Levan.

Nang hindi ko na matanaw sila Levan at Tomas, tumingin ako ulit sa pwesto nila Taiya.

"Kakarating niyo palang dito kaya magpahinga po muna kayong lahat bago tumulong sa mga gagawin dito." Sabi ko sa kanila.

"Kamahalan, ano ang ginagawa ng ka bayan namin bakit sa pagpasok namin dito sa bayan ay abala sila." Tanong sa akin ni Linus.

"Pader." Kaagad kong sagot sa kaniya.

"Pader? Para saan?" Tanong niya.

"Pader? Katulad po sa bayan namin, Master?" Tanong sa akin ng isang binatang lalaki na may dala dalang malaking bag sa likod niya.

"Oo, para sa seguridad ng bayan nito kaya pinagawa ko rin sila ng pader." Sabi ko.

"Hindi lamang ka bayan mo ang gumagawa ng pader, Linus. Sa tulong ng kakayahan at paraan ng taga boriyan makakasabay ang bayan niyo sa paggawa." Pagtatama ko kay Linus.

Kumpara sa Serevo mas may alam sa paggawa ang mga taga boriyan dahil kilala sa buong kaharian ang bayan ng boriyan bilang magaling na baya ng mga manggagawa.

Napayuko naman siya dahil sa aking sinabi, "Huwag mo sana masamain ang aking sinabi, alam naman nating lahat na kilalang kilala ang bayan ng boriyan sa buong kaharian." Sabi ko sa kaniya, hindi ko alam ngunit may katangian ako na marunong makiramdam na kung nagtitiwala o hindi sayo ang isang tao.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now