CHAPTER 42

618 51 0
                                    


"Yan lang ba dadalhin mo?" Tanong ni Duke sa akin.

"Oo ito lang,  may mga gamit naman ako sa Serevo." Sagot ko sa kaniya.

"Tara na." Sabi niya at binigyan ako ng daan sa karwahe kaya naglakad na papasok sa loob.

Pagkapasok ko sa loob hindi ko nakita si Marko na siyang pinagtaka ko.

"Nasaan si Marko? Akala ko ba sasama siya sa atin?" Tanong ko sa kaniya pagkapasok niya rin sa loob ng karwahe.

"Pinauna ko siya kasama ang ilang kawal namin sa sakahan ng mga magsasaka para tulongan sila." Sagot niya.

"Maraming salamat." Pasalamat ko sa kaniya.

"Bibilhin mo na ba talaga ang lupain nila? Dahil pumayag ka ng isama sila sa atin pabalik ng Serevo." Tanong niya sa akin.

"Hindi ko alam, nanghihinayang ako sa kabuhayan na meron sila." Sagot ko sa kaniya.

"Pero mukhang buo na ang kanilang desisyon na ibenta sayo ang kanilang lupain, ano ba sinabi ni Lola sa inyo?" Tanong niya.

"Nais niya talaga ibenta ang lupain nila para sa kaligtasan ng lahat, binigay niya rin sa akin ang mga dokumento." Sabi ko sa kaniya.

"bumabagbag sayo ang kabuhayan na maiiwan nila?" Tanong niya ulit sa akin.

"Oo, kapag nabili ko ang lupa na yun sa kanila mawawala ang mga tinanim nila dun para magawa yung plano ko." Sagot ko sa kaniya at sinandal ang sarili ko sa karwahe.

"May balak ka na kaagad sa lupain na yun."

"Matagal na ang plano ko na 'to kaya naman malaking oportunidad sa akin kapag bilhin ko talaga ang lupa nila."

Mas maganda talaga kung makausap ko sila ng mabuti tungkol dito, mas mabuti na rin kung ibabahagi ko sa kanila ang plano kung sakali na bilhin ko lupa nila.

Gusto kong madagdagan ang paaralan na pinatayo ni Hain, tutuparin ko yung gusto niya dito sa Eligarco Empire.







THIRD PERSON POV.

Habang patungo sila Hain sa lupain ng mga magsasaka kasama ang Duke.

Masaya namang naglilibot ang mga bata sa unibersidad ng Eve University kasama ang Hari at Reyna.

"Woah, ang laki po nito Papa." Manghang manghang bigkas ni Princess Symphony.

"Lolo, ang ganda ng mga suot nila." Masayang wika ni Prinsipe Levan sa Hari.

"Mama, mukhang iba iba po kulay ng suot nang iba." Sabi ni Princess Seraphina habang pinagmasdan ang mga nakatingin sa kanila na estudyante ng Eve University.

"Dahil may nakatalagang kulay sa bawat departamento, anak." Tugon naman ng Reyna kay Princess Seraphina.

"Ah, kaya po pala iba iba ang kulay ng kanilang suot." Sabi naman ni Princess Leary.

"Uniporme ang tawag sa kanilang kasuotan, yan ang kanilang kailangan suotin kapag papasok sila dito." Sabi ng Reyna kay Princess Leary.

Napatingin naman ng matagal ang Reyna kay Princess Leary na titig na titig sa mga estudyante, nakikitaan niya ito ng inggit at pagnanais sa kaniyang mukha.

Napangiti naman ang Reyna, "Nais mo bang mag-aral?" Tanong niya kay Princess Leary, gulat namang napatingin si Princess Leary sa kaniya.

"Gusto ko po, ang kaso siyam palang po ako, Mama." Malungkot na sagot ni Princess Leary sa Reyna.

Hinawakan ng Reyna ang kaniyang magkabiglang pisnge, "Tinatanggap na dito ang walong taong gulang pataas kaya maaari kang mag-aral dito." Nakangiting usal ng Reyna sa kaniya.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now