CHAPTER 23

867 66 5
                                    


TAIYA POV.

pagkatapos ng nangyari kanina sa pagitan namin nila Linus, umalis si Linus kaya kami nalang dalawa ni Sieya ang nangunguna sa paglalakad para ihatid ang mga kasama namin.

Pagkadating namin sa bahay na pansamantalang tutuloyan ng mga kasama namin, naabutan namin si Lolo Elgo sa lumabas sa bahay na pansamantalang tutuloyan ng mga taga boriyan.

Nang makita niya kami, huminto siya at ngumiti sa amin kaya ngumiti ako sa kaniya pabalik.

"Lolo Elgo!" Tawag ko sa kaniya, mabilis akong lumapit sa kaniya at yumakap.

"Taiya, apo ko. Buti maayos kayong nakarating." Ani 'ya at kumalas sa pagkakayakap sa akin.

"Opo Lolo, hindi naman po naging mahirap ang paglalakbay namin papunta dito sa bayan natin eh." Nakangiting sabi ko sa kaniya.

Napatingin siya sa mga taong kasama namin, "Sila ba ang taga boriyan din na kasama niyo?" Tanong niya sa akin.

Sasagot sana ako ngunit naunahan ako ni Sieya, "Tama ka, Tandang Elgo." Sagot ni Sieya sa kaniya na wala man lang ka ekpresyon ekpresyon ang mukha niya.

"Oh, Sieya? Bakit nandito ka? 'di ba bantay ka ng Prinsesa?" Tanong sa kaniya ni Lolo kung bakit namin siya kasama.

Teka? Bantay?

Bantay ni Hain si Sieya? Wala silang nasasabi tungkol dito.

"Lolo? Bantay po ni Princess Hain si Sieya?" Tanong ko kay Lolo.

Hindi ko pwedeng tawaging Hain si Princess Hain kapag kasama ko si Lolo dahil papagalitan niya ako kesyo hindi ko daw ginagalang ang Prinsesa.

"Oo, simula nung puntahan ng Prinsesa ang abandonadong lupain ng bayan natin naging katuwang niya si Sieya. Kumbaga siya ang pumalit sayo habang nasa centro ka pa." Paliwanag sa akin ni Lolo.

Napatingin naman ako kay Sieya pero seryoso lang ang mukha nito na nakatingin sa akin.

"Kung ganun, ikaw ang kaliwang kamay ni Princess Hain?" Tanong ko sa kaniya.

"Parang ganun na nga." Sagot niya sa akin.

"Edi makakasama na kitang pagsilbihan ang Prinsesa sa kaniyang tabi." Sabi ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin.

"Tanda, sabi ng Prinsesa. Pagpahingahin daw ang mga kasama ni Taiya." Sabi niya kay Lolo at umalis na.

Tignan mo yun, kung hindi ko lang siya kilala at kabisado ugali niya, magiging negatibo ang tingin ko sa kaniya.

Hindi ba naman ako pinansin at umalis kaagad.

Hinarap naman ni Lolo ang mga kasama ko, "Hali po kayo, sumunod po kayo sa akin para makapag pahinga kayo." Magalang na sabi ni Lolo sa kanila.

Tumango naman sila kay Lolo at sinundan nila siya papasok sa loob.

Hindi ako magpapahinga ngayon, kailangan kong puntahan si Hain para tulongan siya sa mga plano niyang gagawin.






THIRD PERSON POV.

"Anong klaseng impormasyon 'to ha?" Galit na tanong ng Hari nang isang maliit na kaharian.

Kaharian ng Algunas.

"Hindi ko kailangan ang mga ito! Ang kailangan ko ay impormasyon na wala na ang pangalawang anak na babae ni Edward!" Sigaw nito sa kaniyang personal na butler at hinagis ang papel na naglalaman ng impormasyong patungkol kay Princess Hain Deveo Cutillar.

"Ngunit kasama ng Princess na yun ang Duke."

"Wala akong paki kung sino ang kasama ng anak ni Edward, gusto kong patahimikin niyo siya! Ang laki laki ng binigay kong salapi para patahimikin ang babae na yun pero hindi niyo magawa!" Nanggagalaiting sigaw niya sa kaniya utusan.

"Mga walang kwenta!"

"Patawad pinuno, siguraduhin kong mangyayari ang iyong nais." Magalang na wika ng kaniyang butler bago ito lumabas ng opisina.

Pagkalabas niya naabutan niya ang isa sa binigyan niya ng salapi para iligpit ang Prinsesa.

"Galit na galit si Haring Arturo ah, gusto niya talaga patahimikin ang anak ng mortal niyang kaaway." Sarkastikong usal ng isang membro ng Dorpeza na nakatakas at pumatay sa kasama nito.

"Kung naging magtagumpay ka lang sana, hindi sana magkakaganito ang Hari." Pagalit na sabi niya.

"Kulang kulang naman kasi ang impormasyon na binigay niyo sa amin, hindi nilagay dun na kakampi pala ng Prinsesa na yun ang Duke." Tugon naman ng Dorpeza sa kaniya habang nilalaro niya ang punyal sa kaniyang kamay.

"Gawin mo ng maayos ang pinapagawa ko sayo." Sabi ng Butler ng Hari at aalis na sana kaso pinigilan siya.

"Teka, paano ko gagawin kung wala ka pa ulit binibigay na salapi sa akin? Namatay ang kasama ko sa kapabayaan niyo rin. Dapat lang na magbayad pa kayo ulit, double sa binayad niyo."

Nagpipigil naman sa inis ang butler bago niya ito hinarap muli, "Ibibigay ko mamaya."

"Ngayon na, hindi ako kikilos hangga't wala ang salapi."

"Gahaman sa pera." Ani ng butler na nagpatawa sa isang dorpeza.

"Pare-parehas lang tayong gahaman dito."

"Hintayin mo 'ko dito, kukuha lang ako ng salapi." Sabi ng butler bago umalis para kumuha ng pangbayad sa inutusan nilang membro ng dorpeza

"Tumanggap ako ng sobra, hahaha." Pabirong wika ng dorpeza sa papalayong butler.


"Ano naman kaya meron sa Prinsesa na yun? Atat na atat silang manahimik siya."









SIEYA POV.

Pagkatapos kong gawin ang inutos ng Prinsesa, kaagad akong bumalik sa kaniya.

Nakita siya sa kung saan namin siya iniwan habang pinagmamasdan ang mga tao na abalang abala sa kanilang ginawagawa.

"Nagawa ko na po ang pinagawa niyo, Kamahalan." Sabi ko, pagkalapit ko sa kaniya.

Napatingin naman siya, "May nais ako na gawin mo, Sieya." Sabi niya sa akin.

"Ano po yun, Kamahalan?" Tanong ko sa kaniya.

"Nais kong maging bantay ka ni Levan." Sagot niya sa akin.

"Ngunit bantay na ng Prinsipe si Captain Louis, Kamahalan."

"Mas mapapanatag ako kung dalawa kayo maging bantay niya para masigurado ko ang kaligtasan ng anak ko, Sieya." Seryosong pagkakasabi niya sa akin.

"Ngunit, paano ka Kamahalan? Walang magbabantay sa 'yo." Hindi sa, hindi ko nais bantayan ang Prinsipe ngunit paano siya kung gusto niya maging bantay din ako ng Prinsipe.

"Kaya ko ang aking sarili, higit pa ako sa pagkakakilala niyo sa akin." Sabi niya at ngumiti sa akin.

"Ano bang pinag-aalala mo Sieya? Nagawa niya ngang patayin ang mga taong nais patayin ang Duke noon eh." Sabi ko sa aking isipan.

"Mas inaalala ko si Levan lalo na't napaka pa niya." Dugtong niya na may pag-aalala.

Napaka swerte ng Prinsipe.

Yumuko ako sa kaniya, tanda ng paggalang ko sa kaniya, "Tinanggap ko po ang maging isa sa bantay ng Prinsipe, Mahal na Prinsesa."

"Maraming salamat, Sieya." Pasalamat niya sa akin kaya inayos ko na ang aking sarili.

"Nagsasanay siya ngayon kasama si Tomas at si Captain Louis, puntahan mo sila." Utos niya sa akin, tumango ako sa kaniya at yumuko ng panandalian bago umalis.



















Maraming salamat po sa pagbabasa at ingat po kayong lahat ^^

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now