CHAPTER 16

1K 76 5
                                    



"Kamahalan, nakatala na po lahat sa mga papel na ito ang lahat sa pinapagawa niyo sa amin bilang pinuno ng bawat distrito." Panimula ni Mang Elgo dahil narito silang upang mag-ulat.

Tinignan ko naman ang nakasulat sa papel, detelyado na detelyado ang binigay nila sa akin.

"200 lahat ng mga tao sa distrito ng Portades, 132 ang sa Edelion, 204 naman ang sa Sionomio, sa Grefaldo naman ay nasa 357 at 198 sa distrito ng Lacaniel." Dagdag ni Mang Elgo.

"Nakasulat din diyan kung ilan ang bilang ng mga bata at pamilya ng bawat distrito, Kamahalan." Sabi naman ni Fabiya.

Para sa isang bayan na malaki tila maliit ang kanilang populasyon kumpara sa populasyon na mayroon ang centro.

"Kay liit ng inyong populasyon." Usal ko habang binabasa ang ulat na kanilang binigay.

Hindi man lang umaabot ng isang daan ang bilang ng mga bata sa bawat distrito.

"Yun ay dahil kinokontrol namin ang pagdami ng tao dito sa Serevo, Kamahalan." Rinig kong tugon ni Mang Elgo kung kaya't napatingin ako sa kaniya—kanila.

"Kinokontrol?" Taka kong tanong.

"Opo, Kamahalan. Sa kadahilanang mahirap ang aming bayan kaya nagbibigay kami ng babala sa bawat pamilya na kung maari ay nasa isa o dalawa lamang ang kanilang magiging anak dahil sa kalagayan ng aming bayan." Paliwanag niya sa akin.

"Hindi niyo na kailangan yan, malaya ang lahat na gawin ang kanilang nais basta nasa wasto at kayang panindigan. Isang makasalanan ang sino mang mag-aabandona sa kanilang mga anak, iparating mo ito sa kanila." Bilin ko sa kaniya.

Tumango siya sa akin, " Masusunod Kamahalan, maraming salamat."

"At hindi niyo na kailangan mabahala sa anumang pangangailangan niyo dahil ibibigay ko yun sa tulong ng kooperasyon niyong lahat." Dagdag ko

"Huwag kayong mag-alala Kamahalan, asahan niyo ang aming kooperasyon para sa inyo at sa bayan na ito." Saad ni Mang Elgo na siya namang sinang-ayunan ng iba.

"Kung ganun, may ipapagawa ako sa inyo." Sabi ko sa kanila at tumayo ako muna sa pagkakaupo upang pumunta sa kanilang harapan.

"Ano yun, Kamahalan?" Tanong nila sa akin.

"Gumawa kayo ng simbolo o sagisag na magiging palatandaan nin'yo sa inyong distrito na pinamumunuan, yun ang ilalagay nin'yo sa bungad ng inyong mga distrito upang malaman ng iba kung saang bahagi sila ng Serevo kabilang at kanilang pinupuntahan." Pagbigay ko ng gawain sa kanila.

"Masusunod, Kamahalan."

"At gusto kong ipaalam sa inyo na ako ang mamumuno sa huling bahaging lupain ng Serevo, ayos lang ba?" Pagbigay alam ko sa kanila tungkol sa nais kong pamunuan ang lupain na aming pinuntahan.

"Ayos lang, Kamahalan. Sa inyo na po ang lupain na iyon bilang kabayaran sa pagtulong sa amin." Sabi ni Mang Elgo kaya na pa ngiti ako sa kaniya.

"Maraming salamat, makakaasa kayong pangangalagaan ko ang lupain na iyon." Masayang usal ko sa kanila.

"Yun lamang ba ang ipapagawa niyo sa amin, Kamahalan?" Tanong sa akin ni Mang Elgo.

"Ah nga pala may idadagdag ako." Pahabol ko

"Ano yun?"

"Bawat okasyon o ganapan sa pag-anunsyo ng bawat distrito ay ganito.....North District, Portades, First East District, Edelion, Second East District, Sionomio, First West District, Grefaldo, Second West District, Lecaniel at ang panghuli ay South District, Cutillar." Sabi ko sa kanila sa paraan ng pagtawag sa bawat distrito kung may ganapan o okasyon na mangyayari.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now