CHAPTER 7

1.1K 70 0
                                    



THIRD PERSON POV.

Pagkaalis naman ng pagkaalis ni Hain sa loob ng throne room hindi naman makapaniwala ang ilang royalties na nagmula sa ibang kaharian na kaanib ng kaharian nila Hain, gulat silang makakita ng isang prinsesa na malakas ang loob na sigawan ang isang hari at wala man lang katakot takot.

"Pangalawang prinsesa huh, hindi ko akalain na may iba pa palang anak na prinsesa ang hari ng Eligarco Empire. "Sabi nga isa sa kanila.

"Interesting. "Ani 'ya pa at ngumiti.

"Tahimik Alistair, hindi tayo nagpunta tayo para magkaroon ng interest sa isang babae." Suway sa kaniya ng kaniyang katabi.

Inis naman siyang tinignan ni Alistair,  "ikaw ang manahamik lagi ka nalang kontra sa akin, Kuya." Ani 'ya

"Pasensya na sa nangyari, sa susunod na lamang pag-usapan ang tungkol sa boriyan village." Sabi ng Hari sa mga panauhin na sa loob ng throne room.

"Ang mga Prinsipe at Hari na narito mula sa ibang kaharian sa guest room muna tayo mag-usap usap." Huling banggit ng bago bago lumisan.

Isa isa namang umalis ang mga nobles maliban sa ilang Hari at mga Prinsipe na ginabayan ng crown prince.

Kasunod ng Hari sa paglalakad patungo sa kaniyang opisina ang Reyna, si Easton at ang iba pang Prinsipe.

"Easton." Tawag ng Hari sa ikalawang Prinsipe.

"Ano yun Ama." Tanong ni Easton sa kaniya.

"Dalhin mo ang Headmaid sa opisina ko." Utos ng Hari sa kaniya bago pumasok sa loob ng kaniyang opisina kasama ang Reyna at ang iba pang Prinsipe.

Stress na stress na umupo ang Hari sa kaniyang upuan, maski ang Reyna at ilang Prinsipe dahil ang iba sa kanila ay bata pa.

"Aurora ano ba itong nangyayari ha? Ang sabi mo maayos ang pamumuhay ng mga Prinsesa sa kabilang mansyon?!" Pasigaw na tanong ng Hari sa Reyna.

Nataranta naman ang Reyna na tumingin sa kaniya, "Yun din ang alam ko dahil yun ang nirereport sa akin ng Headmaid, siya ang pinang iwanan ko sa kanila." Kabadong paliwanag ng Reyna sa Hari.

"Kung maayos ang buhay ng mga anak natin sa kabilang mansyon hindi ako susumbatan ng anak natin Aurora! " Sigaw muli sa kaniya ng Hari.

"Hindi, hindi ko alam dahil hindi ko naman sila naaalalagaan dahil ang Headmaid na mismo ang nagsabi sa akin na siya ng bahala sa mga Anak natin. "Paiyak ng wika ng Reyna sa Hari.

"Hindi ba't responsibilidad mo sila bilang Reyna , Aurora? "Galit na usal ng Hari sa kaniya samantala ang mga Prinsipe naman ay nakayuko nalang habang pinapakinggan ang pagtatalo ng kanilang Ina at Ama.

"Alam ko,  Sa pag-aakala ko na maayos sila sa pangangalaga ng Headmaid ay naging kampanti ako."

Hindi naman makapaniwala ang Hari sa sinabi ng kaniyang asawa ngunit kung ang asawa niya ay naging pabaya ano pa kaya siya na naging isa din sa dahilan para maghirap ang mga anak niyang babae, hindi niya akalain na hahantong sa ganito.




HARING EDWARD DAVID CUTILLAR  POV.


Hindi ko inakalang makita ko ang anak kong babae na si Hain sa ikatlong pagkakataon dahil plano kong ipakilala siya sa publiko kapag nasa tamang edad na siya.

Huli kong kita sa kaniya ay yung araw na umiiyak siyang tumatakbo palapit sa akin ngunit pinigilan siya ng Headmaid,  ang araw na iyon ay ang araw na kinakailangan kong umalis para sa isang digmaan sa akala ko magiging maayos kapag inalayo ko sila sa palasyo para sa kaligtasan niya, nila ngunit nagkakamali ako.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now