CHAPTER 60

851 49 6
                                    


Lahat ng Prinsipe na inatasang magdepensa sa bawat lugar na inutos ni Princess sa kanila ay pareho-parehong hindi makapaniwala na mapapaaga ang paglusob ng kalaban kaya wala silang ibang magawa kundi sumunod sa mga hakbang na sinabi sa kanila ng boriyan para maisahan ang kalaban nila.

"Hindi talaga marunong sumunod sa pinag-usapan ang Zalco at Algunas." Gigil na wika ni Prinsipe Athicus dahil batid niyang hindi pa sila handa lalo na't kakaunti lang ang mahuhusay na knights na meron sila sa kanilang empire.

"Tama nga ang sinabi ni Princess Hain, Kuya. Walang sinusunod ang taong ganid." Sabi naman ni Prinsipe Alistair sa kaniyang nakakatandang kapatid.

"Pasalamat nalang tayo na nandito ang taga boriyan at handang-handa sila para dito." Dugtong nito habang nakatanaw sa labas ng tent nila dahil nakataas ang panakim nito sa harap, kitang kita nila ang mga knights ng boriyan na abala sa kanilang mga ginagawa.

"Kung titignan natin ng mabuti, ang mga knights nila mas angat sila sa mga knights natin, sa dalawang nagpakilala palang sa atin na dalawang Commander's ramdam ko sa  talaga kanila ang kaibihan nila sa atin." Usal ni Prinsipe Alistair habang naka tanaw parin sa mga knights ng boriyan.

"Haha, kahit wala tayo kaya naman nilang lumaban eh. Parang tayo pa ang naging back up sa sitwasyon natin ngayon."

Hindi naman makatugon si Prinsipe Athicus sa kaniyang kapatid dahil tama naman ang mga sinasabi nito.

Napatingin sila sa isang Commander ng boriyan nung pumasok ito sa tent nila.

"Natapos na kami sa paghahanda at may mga bantay na rin naiwan para magbantay sa tatlong binihag namin mula sa camp ng kalaban." Ulat nito sa kanila.

"Gabi na at magpahinga na muna kayo, Commander Rasya. Hayaan niyong magbantay na muna ang mga knights namin habang nagpapahinga kayo." Sabi ni Prinsipe Athicus sa tinatawag nilang Commander Rasya, ang isa sa sampung Commander's ng boriyan.

Pormal namang tumango sa kaniya si Commander Rasya.

"Pwede bang maglaban tayo ng sandali? Parang mag-ensayo lang ng sandali." Alok ni Prinsipe Alistair kay Commander Rasya.

"Alistair." Pabantang tawag ni Prinsipe Athicus sa kaniyang kapatid dahil umiiral na naman ang pagiging pilyo nito.

"Bakit? Sandali lang naman eh."

"Wala pa silang pahinga simula nung dumating sila dito, hayaan mo silang magpahinga na muna para bukas." Sabi naman ni Prinsipe Athicus sa kaniya.

Nawalan naman ng gana si Prinsipe Alistair kaya nakabagsak ang balikat nito.

"Alis na po ako." Magalang na pagpapaalam ni Commander Rasya sa kanila at umalis na.

"Sandali lang eh."  Pabulong na wika ni Prinsipe Alistair na narinig naman ni Prinsipe Athicus kaya sinamaan niya ito ng tingin at sabay iwas naman ng tingin si Prinsipe Alistair sa kaniyang nakakatandang kapatid.

"Para kang bata." Sabi ni Prinsipe Athicus sa kaniyang kapatid.

"Tama ka, kasi I'm your younger brother." Medyo pabida pang pabiro na sambit ni Prinsipe Alistair sa kaniyang kuya.

"19 ka na at hindi na ikaw ang pinaka bata ko niyan na kapatid kapag nanganak na si Ina." Ani ni Prinsipe Athicus kay Prinsipe Alistair at iniwan itong mag-isa sa tent para magpahangin saglit sa labas.

"Hindi talaga marunong makisama si Kuya." Pailing iling na wika ni Prinsipe Alistair habang pinapanood ang nakakatandang niyang kapatid na papaalis.





Samantala, sa kabilang banda naman kung saan sama-sama ang knights na kasama ni Princess Hain mula sa Ganhera Empire.

Magkakasama sila dahil hindi sapat ang tent ng camp na pinuntahan nila kaya nasa labas silang lahat na nakaupo pa libot sa apoy na ginawa ni Princess Hain.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now