CHAPTER 57

572 41 6
                                    



Habang naghihintay si Princess Hain maggabi para magawa ang binabalak niyang pumasok ng palihim sa palasyo ng emperor sa Ganhera Empire.

Nanatili na muna siya sa bahay nila Albert na naiwan, inayusan niya ang kaniyang sarili na para bang binabalutan na ang kaniyang buong katawan maliban sa kaniyang mga mata.

Bago niya maisipang kumilos at lumabas, tinignan niya kung gabi na ba at kung hindi na masyadong maingay ang paligid.

Nung makita niyang madilim na madilim na at sunod sunod ng nagpapatayan ng ilaw ang mga kalapit na bahay, pa simpleng umalis si Princess Hain na walang nakakapansin.

Pagkarating niya sa hindi kalayuan sa gate papasok ng palasyo kaya minabuti niya muna na magtago dahil nakita niya ang isang lalaki na papaalis.

"Hoy! Wag ka nga tulog ng tulog pagka nahuli ka ng Captain natin, ikaw ng bahala sa sarili mo hindi na kita tutulongan pa." Papaala nito sa isa pang knight na tila walang sapat na tulog dahil inaantok ito.

"Oo na, umalis ka na ako ng bahala rito." Tugon nito sa lalaking pinaalahanan siya kahit pa inaantok pa siya.

Umalis naman ang lalaki ang naiwan naman ang isa na inaantok habang nagbabantay, humanap ng tyempo si Princess Hain na makapasok hanggang sa napansin niyang nakatulog ito.

Mabilis ngunit maingat ang naging kilos ni Princess Hain sa ginagawa niyang pagpasok sa loob, nakalimutan yatang isarado ng mabuti nung umalis na knight kanina kaya hindi na naging mahirap pa kay Princess Hain na pumasok.

Naging matagumpay ang pagpasok ni Princess Hain ng walang problema, pagpasok niya sa loob hindi na siya nagsayang pa ng oras at nagtuloy tuloy ng pumasok sa loob sa ilalim ng dilim para walang makakita sa kaniya.

Sinuri ni Princess Hain ang bawat bintana o silid na makikita niya dahil maliwanag pa sa loob ng palasyo, pagkalipas ng ilang minutong paghahanap niya sa silid na ginagamit ng emperor ay nakita niya ito sa isang veranda habang may iniinom.

Napansin din ni Princess Hain ang isang malaking puno na malapit doon kaya naman umakyat siya sa pinaka taas at tumalon sa harap ng emperor kasabay ng paglabas ng kaniyang baril na dala.

Aakmang sisigaw sana ang emperor ngunit mabilis namang umaksyon si Princess Hain, tinakpan niya ang bibig nito sa itinutok sa noo nito ang baril.

"Huwag kang maingay, Emperor Gregory. 'wag na 'wag kang lilikha ng ingay kung gusto mo pang makita ang sikat ng araw bukas." Pananakot ni Princess Hain sa Emperor ng Ganhera Empire.

Sunod-sunod naman ang naging tango ng Emperor sa kaniya kaya dahan-dahan namang tinanggal ni Princess Hain ang kaniyang kamay at ang pagkatutok ng baril niya sa Emperor.

Pinapakalma naman ni Emperor Gregory ang sarili niya mula sa takot bago umupo ng maayos sa upuan niya.

"A-Anong k-kailangan mo?" Nanginginig na nauutal na tanong ni Emperor Gregory kay Princess Hain.

"May mga gusto ako na dapat mong sundin Emperor Gregory kung ayaw mong makalaban ang Revilloza Empire." Sabi ni Princess Hain bago hinubad ang takip niya sa mukha at sa kaniyang ulo.

"Ako si Princess Hain o mas kilala ng lahat na Princess Eve. Kilala mo naman siguro ako, Emperor?" Pakilala at tanong ni Princess Hain sa Emperor habang matalas ang tingin nito sa kaniya.

"Pa'no ikaw ang ma impluwensiyang, Prinsesa? Hindi ganiyan ang kaniy—" Hindi natapos ni Emperor Gregory mga sasabihin niya na may napagtanto siya.

"Nagpapanggap ka ba na ibang tao?" Gulat ngunit bakas parin ang takot sa kalooban ni Emperor Gregory habang kinakausap ang Prinsesa.

I CAN LEAD (Ongoing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora