CHAPTER 4

1.2K 74 2
                                    

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon papunta sa isang pinaka sikat na boutique ng kaharian na naka hood at half maskara para hindi kami makilala ng sino man.

May napapatingin sa aming ibang tao ngunit sina walang bahala lang namin ito.

Pagkapasok namin Eveo Boutique shop nasa amin naman ang tingin ng mga namimili sa loob, sa madaling salitan mga nobles o may mataas na katayuan sa kaharian.

Mabilis na lumapit sa pwesto namin ang pinagkakatiwalan ni Hain na si Taiya dahil ang boutique na ito ay pagmamay-ari ni Hain.

Kilala si Hain sa buong kaharian bilang misteryosong mamayaman negosyante dahil hindi siya nagpapakita ng mukha sa publiko.

"Ms.Eve, doon po tayo sa private room. " Sabi ni Taiya ay pinangunahan niya kami tsaka niya binuksan ang pinto ng private room, agad naman kaming pumasok sa loob lahat.

Pumasok din sa loob si Taiya at sinarado ng mabuti ang pinto para walang makapasok.

Pagkatapos niyang isarado ang pinto tinanggal ko na ang hood at maskara ko, "Kamusta,  Taiya. "Pangangamusta ko sa kaniya.

"Pagbati mga na Prinsesa. " Magalang na pagbati niya sa akin.

"Maayos lang ako Eve." Sagot niya sa aking tanong.

Eve ang tawag niya sa akin dahil nagpakilala bilang Eve si Hain Taiya, kaya nung sinabi ni Hain na isa siyang Prinsesa ng kaharian gulat na gulat siya pero nasanay naman siya lalo na't maingat si Hain sa kaniyang pagkatao dahil hanggat maaari ayaw niyang may makaalam sa palasyo na may negosyo siya.

"Sobrang dalang mo lang pumunta dito, kinakailangan mo ba ng kasuotan o malaman ang sitwasyon ng negosyo mo?" Tanong niya sa akin.

Umupo na muna ako dahil medyo nangangalay na ako, tumabi sa kambal habang ang dalawa nasa kabilang upuan nakaupo.

"Kailangan ko ng bagong kasuotan, pati na aa kanila tatlo." Turo ko isa isa sa tatlo kong kapatid.

"Idamay mo na din si Bree." Dagdag ko

"Hain!" Pag-angal ni Bree

"Ms.Bree walang mapapala yang i-aangal mo kaya hayaan mo na." Pabirong sabi ni Taiya sa kaniya.

"Una ko munang sukatan ang mga bata maliit." Sabi ni Taiya at tumingin sa dalawa na tinignan ko din na nakatingin pala sa akin.

"Wag kayong mag-alala mabait yang si Taiya, taga gawa lang yan ng damit at taga sukat." May halong biro kong wika sa dalawa para ng sa ganun ay maging panatag ang dalawa.

Sinunod naman nung dalawa ang sinabi ko at lumapit na kay Taiya, sinimula naman ni Taiya na sukatan sila isa isa.

"May desenyo akong ipapagawa ako sayo, gusto kong gawan mo sila gaya ng ibibigay kong bagong desenyo ko sayo at pwede mo ring gamiting inspirasyon ang mga desenyo ko para makagawa ka ng iba, siguraduhin mong gawan mo ko dahil yun na magiging style ko." Sabi ko sa kaniya habang sinusukatan niya sila Seraphina at Symphony.

"Lagi ko namang sinisigurado na meron ka kaya wag kang mag-alala, at walang duda na magiging patok na naman sa mga nobles na nagpapasikatan kapag may bago kang labas na desenyo ng damit." Ani ya sa akin kahit abala sa pagsusukat.

"Nga pala tapos na ang pangalawang shop sa  Orias Empire. "Sabi ni Taiya na kina tingin ko sa kaniya

"Kailan magsisimula ang pagbukas dun?" Tanong ko sa kaniya.

"Eh bakit? Darating kaba?" Taas kilay nitong tanong sa akin kaya makaismid ako.

"Tinatanong ko lang naman." Sabi ko sa kaniya.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now