CHAPTER 62

546 45 5
                                    



Habang nagkakaroon ng madugong labanan sa labas ng tarangkahan sa Eligarco Empire, nagsisimula narin dumanak ang dugo sa bawat lupain kung saan nagkukuta ang bawat kalaban nila Princess Hain dahil sa ilang knights na palihim na pumuslit at nagpanggap.

"Sumugod na kayo! Yun na ang hudyat para sumugod sa kuta ng kalaban na malapit sa atin!" Sigaw ng isa sa Captain ng boriyan na si Captain Penelope.

"Magmadali kayo! Hindi pwedeng pabayaan ang tatlong knights na nasa kuta ng kalaban!" Dugtong nito kaya naman mabilis kumilos ang mga knights ng boriyan na kasama nila.

"Pangunahan ko sila, Captain." Sabi ni Commander Anaris sa kaniya, tumango naman si Captain Penelope bilang pagpayag sa gusto nito.

Bago pa man umalis si Commander Anaris hinawakan na muna ni Captain Penelope ang balikat nito, "Mag-iingat kayo, Anaris." Ani 'ya sa kaniya.

Bago magpasya si Commander Anaris na tumuloy sa paglusob sa kuta ng kalaban hinarap niya muna ang medyo nagtataka na knights nila Princess Zahari, " Sumama kayo sa akin, tara na!" Sigaw ni Commander Anaris sa kanila, at mabilis naman ang mga ito na sumunod sa kaniya.

Ang tanging knights na lamang na natira ay ang mga knights na naatasang magbantay sa Prinsipe, Prinsesa pati na ang ibang sasama sa kanila at ang magbabantay sa kanilang kuta

"Teka lulusob?" Naguguluhang tanong ni Princess Zahari.

"Ang paputok na naganap sa itaas ay isang tanda namin na gagawin ang plano, Princess." Sagot ni Captain Penelope sa Prinsesa.

"Bakit nandito pa tayo? Hindi ba natin sila tutulongan?"

"Susunod tayo sa kanila."

"Kung ganun, tara na sumunod na tayo sa kanila." Pagmamadali ni Princess Zahari at aalis na sana siya ngunit.

"Huwag ka masyadong padalos dalos, Princess Zahari." Mariing wika ni Captain Penelope upang pigilan si Princess Zahari.

"Anong gusto mo?! Maghintay lang dito?" Medyo pasigaw pa na tanong ni Princess Zahari kay Captain Penelope.

"Zahari, hayaan natin si Captain Penelope na magdesisyon." Sabi ni Prinsipe Arzen sa Prinsesa.

"Hindi ba't sinabi ko na susunod tayo sa kanila? Wag kang magmadali kung ito ang kauna-unahang sabak mo sa ganitong labanan. Kung hindi lang kayo binilin sa akin, kasama sana ako ni Commander Anaris na sumunod sa kuta ng kalaban pero nandito ako ngayon iniisip ang kaligtasan ng Prinsipe lalong lalo na ang kaligtasan mo dahil batid kong wala kang karanasan sa ganitong bagay." Mahabang wika ni Captain Penelope dahilan upang makaramdam si Princess Zahari ng hiya sa ginawa niya.

"Captain." Tawag ng isang knight ng boriyan na naiwan para samahan si Captain Penelope.

Humarap naman sa kaniya si Captain Penelope at nakita nito ang mga kabayo at kagamitan na kailangan nito, kasama rin ng knight ang ilang knights ng boriyan na naiwan.

"Ito na po ang lahat ng pinakuha niyo, at naka handa narin po ang mga knights na p-protekta at sasama po sa inyo sa paglusob." Sabi nito kay Captain Penelope.

"Ibigay niyo ang mga sandata na yan sa Prinsesa at Prinsipe." Utos ni Captain Penelope sa kaniya, ginawa naman niya kaagad ang inutos sa kaniya at tinutulongan din siya ng mga kasama niya.

"Ito po ang espada at baril mo, Captain." Pag-abot ng isang pang knight sa gamit ni Captain Penelope.

Kinuha niya ito sa inayos na at saka siya sumakay sa kabayong pinahanda niya.

Nakita ni Captain Penelope na tapos na ang Prinsesa at Prinsipe, "Sumakay na kayo sa kabayo niyo." Utos niya sa kanila.

Sinunod naman ng dalawa ng utos ni Captain Penelope sa kanila.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now