CHAPTER 17

998 78 5
                                    


HALE LEARY POV.

Kasalukuyang akong naglalakad ngayon patungo sa pinagsasanayan namin ngunit nakita ko si Bree na papalapit sa akin.

"Young lady Leary, may sulat na dumating mula sa palasyo." Magalang na pagkakasabi niya sa akin.

Inabot niya sa akin sulat kaya kinuha ko ito, pagkakuha ko sa liham kaagad ko itong binuklat at binasa.

Ang nilalaman ng liham ay isang imbitasyon sa pagdating ng dalawang Prinsipe sa pagbabalik ng mga ito mula sa akademya, isasabay na rin ang kaarawan ng ikawala sa bunsong Prinsipe.

Ikawala? Ibig bang sabihin ay ang naunang bunso bago si Sonnet?

"Sino ang dalawang Prinsipe na darating?" Tanong ko bago humarap kay Bree at ibalik sa kaniya ang sulat.

"Ang Ikatlong Prinsipe na si Arzen Cutillar at ang Ikaapat na Prinsipe na si Aidreniel Cutillar, dahil sa angking galing na kanilang pinamalas sa loob ng akademya kaagad nilang natapos ng mas maaga ang pamamalagi nila sa akademya." Sagot sa akin, na may karagdagang impormasyon.

Mas maagang natapos, natural lang yun dahil isa silang maharlika.

Isang Prinsipe na tinitingala ng lahat.

"Ang Ikalimang Prinsipe naman na si Azanch Cutillar ang may kaarawan na isasabay sa selebrasyon ng dalawang Prinsipe." Dagdag ni Bree.

"Salamat........ngunit wala akong pakialam sa kanila."

Aalis na sana ako ngunit nagsalita muli si Bree, "Inaasahan ng inyong Ama ang pagdalo niyo sa nasabing selebrasyon."

Manhid ba sila?

Kahit na pinaramdam ko sa kanila na hindi na namin sila kailangan, patuloy pa rin sa pagpupumilit.

Wala namang magbabago, may isip na ako.

Hindi ko na sila kailangan pa, kung hindi lang para sa dalawang bata baka hindi ko na sila papansinin pa.

"Magpadala ka nalang ng liham sa kanila, iparating mo na darating kami." Utos ko sa kaniya.

"Masusunod."

"May balita ba kay Ate? Limang araw na lumipas simula nang siya ay umalis, hindi pa siya nagkakabalik." Tanong ko sa kaniya patungkol kay Ate.

Ang tagal na niya doon, hindi pa ba niya natapos tapos ang kaniyang ginagawa?

"Dumaan dito si Taiya kanina, sinabi niya na babalik siya upang sabihan tayo tungkol kay Hain." Sagot niya sa akin.

"Ganun ba........ sabihan mo ako kapag dumating siya." Bilin ko sa kaniya.

"Sige po, Mahal na Prinsesa."

"Leary nalang Bree, ang tagal na nating nagkakasama ngunit napaka pormal mo sa akin."

"Hindi tamang tawagin kita sa iyong pangalan lamang, Kamahalan." Nakayuko wika niya sa akin.

"Ngunit kay Ate ay tinatawag mo lamang siya sa kaniyang pangalan." Kunting asar ko sa kaniya.

Palihim akong natawa nang makita kong natigilan siya sa akin sinabi.

"Gaya ni Ate, nais kong tawagin mo lang ako sa aking 'ngalan kapag tayo tayo lang." Sabi ko sa kaniya.

"Masusunod po."

"Sige, pupunta na ako sa pagsasanayan namin ikaw ng bahala sa tatlong makukukit na bata." Pabirong usal ko sa kaniya at nagpatuloy na sa aking paglalakad.

Nang medyo nakalayo layo na ako kay Bree, rinig ko ang boses ng tatlong batang tila naghahabulan.

"Hindi niyo ako kayang abutan hahaha."

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now