CHAPTER 36

820 63 4
                                    


Kasalukuyan kaming naghahanda ng aming mga sarili para sa family portrait.

"Eve." Tawag sa akin kaya napatingin ako kay Papa Kirus.

"Bakit po, papa?" Tanong ko sa sa kaniya, ang seryoso niya kasing nakatingin sa akin.

"Ikaw ang nagdesinyo ng kasuotan mo na yan?" Tanong niya sa akin kaya naman napatingin ako sandali sa suot ko bago ko siya tinignan ng nagtataka.

Ano bang problema sa suot ko? Maski si Leary ayaw nito, ang ganda ganda nga ng gown ko eh.

"Opo, Papa. Ako nga po ang nagdesinyo nito." Sagot ko sa tanong niya.

Kahit hindi naman talaga, nakuha ko lang ang mga ideya ko sa damit sa mga nakikita ko sa mall nung ako pa si Levia.

"May problema po ba?" Tanong ko sa kaniya.

Nagtataka naman ako nang napahawak siya sa kaniya noo at para bang problemado sa akin.

"Eve, anak. Hindi mo ba nakikita ang suot mo na para kang nakahubad? Kitang kita ang iyong balikat at likod." Sabi niya sa akin.

"Eh? Maganda naman po ah?"

"Hindi ka man lang ba pinagbawalan ng Duke na magsuot ng ganiyan?" Tanong niya sa akin.

"Hin–" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng may nagsuot sa akin na isang.......tuxedo?

Napatingin ako kay Duke Marvis dahil siya nagsuot sa akin ng tuxedo niya.

"Patawad, Haring Kirus. Hindi ko na nagawang pagbawalan si Hain sa kaniya suot dahil nahuhuli na kami sa selebrasyon at wala rin naman po siyang balak na magpalit pa lalo na't kumportable siya sa kaniyang suot." Paliwanag niya kay Papa habang nakayuko.

Bakit ba ang big deal sa kanila ng suot ko? Sabay balot balot kasi sila sa uri ng kasuotan nila.

Napa buntong-hininga naman si Papa, "Hays. Ikaw ng bahala sa anak ko Duke Igneo, paki bantayan baka may mangbastos sa kaniya." Bilin ni Papa kay Duke Marvis bago siya bumalik sa pwesto namin kanina.

Napatingin naman ako Duke nung ayusin niya ang tuxedo niya na sinuot pa niya mismo sa akin.

"Huwag mo na 'tong alisin." Sabi niya sa akin.

"Pero may family portrait pa." Sabi ko sa kaniya.

"Kahit na. Huwag mo pa rin ito aalis, maiintindihan naman nila kung bakit ka nakasuot ng ganiyan." Pagkontra niya sa akin.

"Kanina pa ako nagtitiis na balewalain ang mga titig sayo ng kalalakihan simula nung tayo ay dumating, kaya sana huwag mo na iyan tanggalin pa." Ma awtoridad nitong pagkakasabi sa akin kaya wala ako sa aking sarili na napatango sa kaniya.

"Mabuti, panonoorin ko kayo habang sinasagawa ang family portrait niyo." Sabi niya at iniwan akong naninigas sa aking kinatatayuan dahil sa paghalik niya sa noo ko.

"Ate Hain?"

Anong nangyayari ba't nag-iiba ang kilos ng Duke Marvis sa akin? Ito ba yung ibigsabihin niyang hayaan ko siya nung gabing nagkausap kaming dalawa.

"Ate Hain?"

Yung halik niya sa noo ko hindi yun ginagawa ng basta basta kung walang malalim na kahulugan.

'di kaya iba rin nararamdaman ng Duke Marvis?

Ramdam ko ang pamumula ko dahil sa mga iniisip ko.

"Ate Hain?!" Rinig kong sigaw ng isang bata sa pangalan ko kaya napatigil ako sa aking pag-iisip ng kung ano ano.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now