CHAPTER 5

1.2K 80 0
                                    

Pagkarating namin sa South Mansion isa isa naming binaba lahat ng mga pinamili namin at nagtulong tulong kami na ilagay ang mga prutas na binili namin sa kusina.

Pagkatapos naming ilagay lahat sa kusina lahat, pinagtulongan naman namin dalhin lahat ng kasuotan nila sa guest room muna para masukat at makapili sila ng gusto nila.

Nang matapos na naming hakutin lahat, mabilis nilang binuksan ang bawat kahon ng gamit.

"ang ganda."Manghang wika ni Seraphina sa isang pink dress na nabuksan niya sa isang kahon.

"Ito rin Sym, ang ganda." Sabi naman ni Seraphina habang pinapakita kay Symphony ang isang red dress.

Napatingin naman si Seraphina sa akin, "Amin po ba ito?" Tanong niya sa akin.

"Oo, binili ko yan para sa inyo, nagustuhan niyo ba?" Balik ko namang tanong sa kaniya.

Masaya naman silang dalawa na tumango sa akin, napatingin naman ako kay Leary na masayang iniikot ikot ang dress na red.

"Hain, ipangkuha ko kayo ng maiinom." Sabi ni Bree, tumango nalang ako sa kaniya bilang tugon dahil masaya akong pinapanood ang tatlo na masayang namimili ng kasuotan nila.

"Pagbati,  Prinsipe Easton. " Rinig kong sambit ni Bree kaya mabilis akong tumingin sa kinaroroonan niya.

Napatayo ako ng makita kong nandito sa loob ng guest room si Easton.

Ano na naman ba kailangan niya? Tsk panira ng araw eh.

"Saan kayo galing? Pumunta ba kayo ng pamilihan?" Tanong niya habang naglalakad palapit sa kambal.

Nagtataka naman na nakatingin sa kaniya ang dalawa habang komportableng nakaupo.

Magsasalita sana ako ng unahan ako ni Symphony,  "Binili po kami ni Ate Hain ng maraming damit, ito po oh" Sabi ni Symphony sa kaniya at pinakita pa ang pink dress na hawak niya.

Nakita kong lumapit si Leary sa kaniya, "Anong ginagawa mo dito?" Inis niyang tanong kay Easton

"Galing ako dito kanina, hindi ko kayo nakita kaya nag-alala ako." Sabi ni Easton sa kaniya.

"Nag-alala? Hindi namin kailangan ng pag-aalala mo, umalis ka nalang." Pasigaw na sabi sa kaniya ni Leary kaya napalapit ako sa pwesto niya dahil naguguluhan na ang kambal sa nangyari baka matakot pa kapag ipakita ni Leary ang galit niya kay Easton.

"Prinsipe Easton,  mawalang galang na maaari bang umalis kana? Hindi magandang makita ng kambal na nagtatalo kayo." Malumanay kong usal kay Easton.

"Gusto ko lang naman bumawi sa inyo." Malungkot niyang pagkakasabi sa amin.

"Sana naman hayaan niyo ako." Dugtong niya.

"Hindi namin kailangan ang pagbawi mo dahil binigay na ni Ate Dev ang lahat ng kailangan amin.  kalinga, pagmamahal, pag-aalaga at mga materyal na bagay, hindi ka namin kailangan...hindi namin kayo kailangan! Kaya namin kahit wala kayo! Umalis kana!" Galit na sigaw ni Leary kina gulat na kina takot naman nung dalawa kaya nilapitan ko sila at niyakap.

"Pakiusap Prinsipe Easton, umalis kana." Seryoso kong sabi sa kaniya, napadako naman ang tingin sa kambal na takot na niyakap ko kaya dahan dahan siyang lumabas ng guest room.

Nang makita naming nakaalis na siya ng guest room, pinatahan ko ang kambal. "Shhhss, patawad hindi na napigilan ng Ate Leary niyo ang galit niya." Pagtatahan ko sa dalawa.

"Tinawag niyo po siyang Prinsipe,  Ibigsabihin kuya po natin siya?" Tanong ni Symphony sa akin, tumango naman ako sa kaniya.

"Wag niyo siyang tawaging kuya, ang kagaya niya hindi nararapat na kilalaning kuya." Sabat naman ni Leary.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now