CHAPTER 33

722 59 0
                                    


LEARY POV.

Pagkatapos ng pagbiyahe namin, nandito na nga kami sa palasyon.

Sabay sabay kaming lahat pumasok nasa harapan namin ang mga maliit na bata at nasa likod naman nila kaming tatlo nila Ate Hain at Duke Marvis.

Sinalubong naman kami ng butler ng Hari, "Sumunod po kayo sa akin." Sabi niya sa amin.

Napansin ko naman na para bang kami nalang ang pumapasok o parang nahuli yata kami.

Habang sinusundan namin ang butler ng Hari napansin ko naman ang mga kawal ng palasyo na nakatayo sa bawat gilid.

"Nandito na po tayo." Sabi niya pagkahinto naman sa isang malaking pinto, may mga nakabantay naman na kawal.

"i anunsyo ang pagdating nila." Utos ng butler, tumango naman ang isang kawal at binuksan nila ang pintuan.

"Ang pagdating nila Prinsesa Symphony Cutillar!" Unang sigaw ng taga anunsyo.

"Prinsesa Seraphina Cutillar!"

"Prinsipe Sonnet Cutillar!"

"Prinsipe Azanch Cutillar!"

"Prinsesa Hale Leary Cutillar!"

Napangitin naman sa gawi namin ang mga taong nauna na sa amin dumating dito.

"Kasama sa pagdating nila si Young master Tomas"

"At si Prinsesa Hain Deveo Cutillar pati na ang Duke Marvis Igneo! Kasama ang kanilang anak na si Prinsipe Levan Zair Igneo-Cutillar!"

Napangisi ako ng makita ko ang gulat na mukha ng mga tao habang nakatingin sa pagpasok naming lahat lalo na kila Ate Hain at Duke Marvis.

Nakita ko naman ang pagtayo ng Hari at Reyna pati na ang mga nakakatanda naming kapatid pagkapasok namin dito.

Bumaba ang Reyna sa kaniyang trono upang lapitan kami.

"Masaya akong dumalo kayo, akala ko hindi na kayo dadating." Sabi niya sa amin at isa isa pa niyang hinalikan sa noo ang mga bata at inayakap kami ni Ate Hain.

"Pasensya na nahuli kami, marami kasi kaming kasamang bata." Sabi ni Ate Hain sa Reyna na Ina namin.

"Ayos lang, ang mahalaga nandito kayo.....kumpleto tayo." Nakangiting tugon niya kay Ate.

"Tara, dun tayo sa lamesang hinanda namin para sa inyo." Sabi niya sa amin.

Tumango naman sa kaniya si Ate, samantalang ako walang kibo lang.

Inalalayan una siya amin naglalakad habang hawak niya sina Sonnet at Azanch habang yung ibang bata magkakahawak ang kamay habang nakasunod kami sa Reyna.

"Ituloy ang pagsasaya!" Rinig naming sigaw ng Hari kaya may narinig kaming pagtugtog ng isang musika at bumalik naman sa pagsasaya ang mga imbitadong tao.

"Upo kayo." Sabi ng Reyna sa amin, tinulongan naman ng Duke ang mga bata na makaupo sa upuan dahil may kataasan ang upuan na mahihirapan na makaupo ang mga bata.

May naglagay naman na iba't-ibang uri ng pagkain sa mesa kaya kita ko ang saya sa mga mata ng mga bata habang nakatingin sa mga pagkain lalo na sa mga matatamis na pagkain na hinanda nila.

"Kumain kayo, tiyak akong nagutom kayo sa pagpunta niyo dito." Sabi ng Reyna sa mga bata.

Napatingin naman sila kay Ate Hain na para bang nanghihingi ng permiso sa kaniya.

"Hindi niyo na ako kailangan tignan, kung gusto niyo kumain.......kumain lang kayo." Sabi ni Ate Hain sa kanila at ngumiti.

Masaya nalang tumango ang mga bata aa kaniya ay ngumiti bago nagsimula kumain.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now