CHAPTER 59

587 39 5
                                    

HAIN POV.

Akala ko ang makakaharap ko ngayon ay Emperor ng Algunas Empire o kaya Emperor ng Zalco Empire.

Pero hindi ko naman lubos akalain na makakaharap ko 'tong Captain kuno ng Algunas Empire knights.

"Talaga bang knight ka ha? Parang mas payat ka pang tignan sa mga knights na kasama ko." Ani 'ya sa akin, ang tinutukoy niyang knights na kasama niya ay ang mga nasa likuran niya.

"Baka naman kahit lamok ay hindi mo magawang patayin." Pang-iinsulto niya sa akin.

Pigil na pigil naman ako sa loob ko ng inis sa kaniya, simula nung malaman niyang pamangkin at ako ang magiging Captain ng hukbo namin ay ng iinsulto na siya.

"Emperor Gregory, sigurado ka bang ito ang mamumuno sa knights mo?" Tanong niya pa kay Emperor Gregory habang nakaturo ang isang daliri niya sa akin.

"Sigurado ako, Captain Satun." Sagot naman sa kaniya ni Emperor Gregory.

"Baka naman ito pa ang magagaling dahilan para mamatay ang mga knights mo sa paglusob namin, Emperor Gregory." Ani 'ya na kinatigil ko.

"Captain Satun, hindi na maganda ang lumalabas diyan sa iyong bibig! Hindi mo pa nga nakikilala ang pamangkin ko ay hinuhusgahan mo na!" Galit na usal ni Emperor sa Captain Satun kuno na kaharap namin.

Parang wala lang sa kaniya ang sinabi ni Emperor Gregory.

"Nakakalimutan mo yatang maharlika ang kaharap mo, matuto kang gumalang." Dugtong ni Emperor Gregory.

"Maharlika? Maharlikang sunod sunuran sa ibang empire? Maharlikang hinayaang maging alipin ang kaniyang mamamayan?" Mga tanong na sinambit niya sa Emperor.

Pansin ko ang pag-alma ni Emperor Gregory kaya hindi na ako nagdalawang isip na bunutin ang aking espada at itutok kay Captain Satun.

"Ang talas ng dila mo, hanggang saan kaya aabot yan? Maglaban tayo." Panghahamon ko sa kaniya.

Mukhang hindi niya naman inaasahan ang ginawa ko kaya pansin ko ang pagkagulat niya.

"HAHAHAHAHAHA" Malakas na tawag niya, dahil sa ginawa mas lalong naging blanko ang ekspresyon ko.

Akala ba niya nagbibiro ako? Masyado niya akong minamaliit dahil hindi ako nakapasa sa standards niya.

Ha! Sige tawa lang, tignan lang natin kung makakatawa ka pagkatapos ng lahat.

"Hahahaha, ng hahamon ang mukhang mula naman kaya sa akin." Pagmamalaki niya sa mga kasama niya.

Hindi naman kumibo ang mga ito sa kaniya at parang mas nahihiya ang mga ito sa pinaggagawa niya.

Napatigil nalang siya sa kakatawa niya na nanatili parin ako sa posisyon ko at blankong nakatingin sa kaniya.

"Pagbibigyan kita, bata." Sabi niya at binunot ang kaniyang espada.

"Pero hindi ko na kasalanan kung mapapatay kita." Sabi niya pa at sinulyapan saglit ang Emperor Gregory.

"Captain Satun, hayaan nalang siya maging Captain nila at sumama sa atin. Ang mahalaga lang naman ay dumami ang bilang ng mga knights na kasama." Pagpipigil ng isang knight sa kaniya pero sinamaan niya lang ito ng tingin dahilan para matakot at mapaatras ito.

Ang arogante niya talaga, hindi marunong rumespeto sa iba!

"Manahimik ka!" Sigaw niya sa knight kaya lumayo ito at tumingin pa siya sa akin na may sa mukha.

"Hindi ako tumatanggap ng mga mahihina." Pagtutukoy niya sa akin kasi sa akin naman siya nakatingin.

Umayos ako ng tayo at binaba na muna ng kaunti ang espadang gamit ko, "Salita ka ng salita, bakit hindi ka nalang sumagod para matapos na!" Panghahamon ko sa kaniya.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now