CHAPTER 6

1.1K 78 2
                                    



KINABUKASAN

maaga akong nagising kaya agang akong nag-ayos ng sarili at nagluto na agad ng agahan naming lahat.

Nang matapoa na ako magluto nilagay ko na sa lamesa ang mga pagkain sakto naman ang pagpasok ng tatlo.

"Magandang umaga Ate Ain." Bati sa akin ni Seraphina.

"Magandang umaga din Ate Hain." Bati naman sa akin ni Symphony.

"Magandang umaga din sa inyong dalawa." Balik kong bati sa kanila, napatingin naman ako kay Leary na nasa pagkain na pala ang atensiyon.

"Magandang umaga din Leary. "Bati ko sa kaniya kaya napatingin siya sa akin.

"Ah, magandang umaga Ate." Bati niya.

"Upo na kayo at kumain na." Sabi ko sa kanila, umupo naman sila at isa isa na kumuha ng pagkain.

"Ate nga pala bakit abala si Ate Bree sa pag-aayos ng gamit?" Tanong ni Leary habang kumakain.

"Lilipat na tayo." Sagot ko sa kaniya, nakita ko naman na natigilan siya kaya ngumiti ako sa kaniya.

"Tulongan niyo si Bree na mailagay ang mga gamit na kailangan sa karwahe para makalipat na kayo sa pinagawa kong mansion, hindi niyo ako makakasama paglipat dahil may gagawin pa ako pero susunod ako." Sabi ko sa kanila.

"Lilipat?"Tanong naman ni Seraphina.

"Hindi na po tayo dito titira?" Tanong ni Symphony

"Oo, may pinapagawa kasi si Ate at doon na tayo titira para malayo na tayo dito, wala ng mananakit sa inyo malaya na kayong gumalaw at gawin ang gusto niyo." Sagot ko sa kaniya.

"Talaga po?" Sabay nilang tanong sa akin

"Oo kaya bilisan niyo na diyan para tulongan niyo na si Ate Bree na magligpit para makaalis na kayo dito." Sabi ko sa kanila na agad nilang kinatango, tumingin naman ako kay Leary na naging emosyonal na nakatingin sa akin.

"Sa oras na nandun na kayo, pwede na kayong maglaro kahit pa maingay kayo sa mansyon na yun ayos lang basta masaya kayo, walang sasaway sa inyo basta ipangako niyo lang na hindi kayo masasaktan ah?" Sabi ko sa kanila at pinaalahanan.

"Pangako Ate." Sabay nilang tatlo na sabi sa akin na nagpangiti sa akin ng husto.

"Leary pupunta ako palasyo at kausapin ang Hari, panigurado ako na nakaalis na kayo dito dahil may pupuntahan pa ako bago magtungo sa Hari." Sabi ko sa kaniya.

"Bakit Ate?" Tanong niya.

"May sasabihin lang ako na hindi maaaring idaan sa liham." Sagot ko sa kaniya.

"Wag kang mag-aalala may mga bantay kayo sa paglilipat para makasigurado ako sa kaligtasan niyo. "Dugtong, hindi siya nagsalita pa at sinang ayunan ang sinabi ko sa kaniya.

Pagkatapos naming kumain niligpit ko na ang pinagkainan namin at ang tatlo naman ay mabilis na nangtungo kay Bree para tulongan siya.

Kinuha ko naman ang  cloak ko at maskara tsaka ako nangtungo sa kuwadra ng kabayo para kumuha ng isang kabayo.

Pagkakuha ko ng kabayo, sinuot ko na ang  cloak ko at maskara sabay sampa sa kabayo at pinatakbo dito.

Dumaan ako sa harap ng mansyon kaya nakita ako ni Bree at ng ibang bantay.

"Maayos na ba ang lahat Bree?" Tanong ko kay Bree.

"Nailagay ko na lahat sa karwahe, hinihintay ko nalang na bumaba ang tatlong Prinsesa. "Sagot niya sa akin.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now