CHAPTER 41

695 47 0
                                    


"Salamat sa paghatid." Pagpapasalamat ko sa kanila.

"Walang anuman. Uwi na muna kami para kumuha ng ilang kagamitan, babalik din kami kaagad dito." Sabi ng Duke sa akin, siya lang nasa labas ng karwahe samantalang nasa loob naman si Marko naghihintay.

"Hintayin ko nalang kayo." Sabi ko sa kaniya.

Papasok na sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko, hindi ko inaasahan ang paghalik niya sa likod ng palad ko.

"Babalik ako." Ani 'ya na nakangiting pagkatapos niya halikan ang kamay ko.

Ramdam ko naman pag-iinit ng mukha ko at nakatangang nakapatulala sa kaniya kaya hindi ko na namalayan na pabalik na siya sa karwahe nila.

"Hain." Tawag sa akin na nagpabalik sa aking sarili.

Napatingin naman ako kay Bree na tumawag sa akin, "Nakaalis na." Mapang-asar niyang sabi sa akin.

Namumula naman akong napaiwas sa kaniya ng tingin at pumasok na sa loob ng mansyon, ramdam ko naman ang pagsunod niya sa likuran ko.

"Bree, iiwan ko muna sa pangangalaga mo ang pangalawang lupaing sakahan dito sa centro." Sabi ko sa kaniya habang paakyat kami sa itaas.

"Babantayan ba ang kanilang lupain?" Tanong niya sa akin.

"Oo, sasama sa amin ang mga taga roon pabalik ng Serevo." Sagot ko sa kaniya.

"Sige, mag-uutos ako ng mga magbabantay dun." Sabi niya.

Bago ako pumasok sa loob ng silid ko humarap na muna ako sa kaniya, "Kapag dumating na sila Varin at Alen, sabihin mo na sumunod sila ng Serevo...kahit silang dalawa, iwan na nila ang iba dito para madagdagan ang magbabantay." Bilin ko sa kaniya.

"Masusunod, makakarating sa kanila ang utos mo." Ani 'ya.

"Salamat......iwan mo na ako, hindi mo na ako kailangang tulongan hindi naman ako masyadong magdadala ng gamit." Sabi ko sa kaniya at ngumiti.

Tumango naman siya sa akin at umalis na kaya tuloyan na akong pumasok sa loob ng silid ko at sinarado ang pinto.

Una kong pinuntahan ang lamesa kung saan nakalagay ang mga dokumento ni Hain, mga plano niya na gusto niyang gawin at matupad.

Nilagay ko lahat sa mala vintage attache case na nandito, sinama ko na rin ang dokumento sa lupain na binigay sa akin.

Hindi ko alam kung tama ba na binili ko lupa nila, kasi kasalukuyan palang sinasaayos ang Serevo. Mahirap at matagal magpatubo ng pananim para makapagsimula ulit.

Pero sila na mismo may gustong ibenta sa akin ang lupain nila ang kaso nakakapanghinayang.

Kung mabili ko naman ang lupain nila, magagawa ko ang isa sa mga plano ni Hain......yun ay magpatayo ng unibersidad o akademya sa centro na pwede sa lahat.

May napatayo na si Hain sa Revilloza pero ang pinaka plano niya ay magpatayo dito sa kaharian dahil gusto niya na nag-aaral din ang mga taong hindi kabilang sa noble family o kaya sa mga mayayaman na pamilya.

Malaking pagkakataon sa akin na magawa ang plano na 'to kapag mabili ko ang lupain na yun ang kaso bumabagbag sa isipan ko ang kabuhayan nila.

Kailangan makausap ko sila ng mabuti tungkol dito.

Sunod ko namang nilagay sa attache case ang mga design's na ginawa ko at dating gawa ni Hain na nakatambak, nilagay ko na rin ang Empire Law book ng kaharian.

Hindi na ako magdadala ng kasuotan dahil may masusuot naman ako dun at pwede naman na magpakuha nalang ako sa boutique.

Nang maayos ko na lahat ng dadalhin ko, umupo na muna ako at sinandal ang sarili ko sa upuan.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now