CHAPTER 54

541 40 4
                                    

Pagkalipas ng dalawang araw na paglalakbay, nakarating na sina Princess Hain at Captain Yenari sa Ganhera Empire.

Kasalukuyan silang nakapila sa mga taong pumipila para mapasok sa loob ng Ganhera.

"Master, hindi ba tayo nito mahihirapan pumasok sa loob? Tinitignan nila ng mabuti isa-isa ang bawat tao na papasok." Bulong ni Captain Yenari sa Prinsesa.

Pinagmamasda naman ng mabuti ni Princess Hain ang ginagawa ng mga knights na nagsusuri sa mga tao bago payagan ang mga ito na pumasok sa Ganhera Empire.

"Grabe talaga ang Zalco Empire no? Halos wala na tayong natitira para sa atin, palagi nalang binibigay sa kanila ang mga inaani natin at kakaunti lang din ang kinikita sa mga paninda natin doon dahil gusto nila lagi na mababa ang presyo." Rinig nila Captain Yenari at Prinsesa Hain ang reklamo ng nasa unahan nila.

"Tama ka, parang nagiging alipin na nga nila tayo." Pagsang-ayon naman ng kasama nito.

"Sa loob ng anim na taong pagkokontrol sa atin ng Zalco Empire, mas lalo tayong naghihirap. Hindi pa ba sapat ang anim na taon na yun para mabayaran ang utang natin sa kanila?"

"Kung wala lang akong pamilya iniintindi, baka naisipan ko ng lumipat sa ibang empire at tumakas dito......ang hirap naman kasi maglakbay na walang-wala."

"Anong empire naman nais mong lipatan?" Tanong ng kasamahan nito.

"Sa Revilloza Empire, tumanggap naman sila kahit hindi taga doon basta sumunod lang ng tama sa batas nila." Sagot naman niya sa kaniyang kasama.

"Kung doon tayo, baka lumago na pagtitinda natin at umangat sa buhay kahit kunti."

Dahil sa pag-uusap ng tatlong tao na nasa harapan nila Princess Hain, nakaisip siya ng paraan kung ano ang gagawin niya.

"Nakikipagpalitan ba ng mga bagay o mga pagkain ang Zalco at Ganhera?" Tanong ni Princess Hain kay Captain Yenari.

"Hindi po palitan ang gaganap, ang mga bagay o mga pagkain na dinadala ng mga mamamayan ng Ganhera Empire sa Zalco Empire ay isa lamang paraan para unti-unting makabayad sa kanilang utang." Sagot ni Captain Yenari sa tanong ni Princess Hain sa kaniya.

"Kasama rin ba dun ang pagtitinda nila Zalco?" Sunod na tanong ni Princess Hain kay Captain Yenari.

"Opo, dahil mahigpit na pinagbibilin mismo ng Emperor ng Zalco Empire na sa Zalco Empire lang sila maaaring magbenta ng kanilang nais ibenta, hindi sila maaaring pumunta ng ibang empire upang magbenta dahil kapag ginagawa nila yun isang malaking kaparusahan ang matatanggap nila."

Naging blanko naman ang ekspresyon ni Princess Hain ng marinig niya ang "malaking kaparusahan."

"Anong klaseng parusa?"

Nagdadalawang isip pa na sumagot si Captain Yenari dahil alam niyang magagalit si Princess Hain.

"Habang buhay na pagkakakulong o kamatayan, M-Master.......d-depende pa sa tingin nila kung gaano kabigat ang ginawang kasalanan." Nautal pang sagot ni Captain Yenari.

Napayukom naman ang kamay si Princess Hain sa galit dahil sa kaniyang narinig na sagot ni Captain Yenari.

"Mga walang kwenta!" Madiing wika ni Princess Hain ngunit mahina lang sapat na sila lang dalawa ni Captain Yenari ang nakakarinig.

Nilahad ni Princess Hain ang kaniyang kamay sa harap ni Captain Yenari.

"Kiro, bigyan mo 'ko ng limangput limang pilak." Panghihingi ni Princess Hain ng salapi sa kaniyang kasama na kapitan at tinawag na niya sa pangalan na gagamitin nila habang nagpapanggap na ibang tao.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now