CHAPTER 32

732 57 2
                                    


"Ate Hain, yan talaga susuotin mo?" Tanong sa akin ni pagkatapos niyang makita ang suot kong gown.

Plain white color kasi yung gown na suot ko, exposed yung balikat ko at likod.

"Oo, bakit hindi ba maganda?" Tanong ko sa kaniya.

"Maganda Ate, ang kaso kitang kita naman ang balikat mo pati na yung sa likod mo at saka bakit parang may hati yang suot mo ate?" Sagot niya sa akin at napatanong siya nung napansin niya na may kakaiba sa gown ko.

Nilabas ko ng hita ko sa sinasabi niyang hati ng gown ko, napatawa nalang ako nang gulat siyang napatakip ng bibig niya sa nakita niya.

"Ate! Anong klaseng kasuotan ba yan ha?! Hindi ganiyan ang mga kasuotan natin." Gulat na ani 'ya sa akin.

"Bagong gawa 'to at bagong desinyo ng boutique."

"Pero Ate, parang nakakahiya naman magsuot ng ganiyan sa selebrasyon para kang nakahubad eh." Reklamo niya sa akin.

Ay wow ha, hindi naman siya ang nagsuot nito, ako naman.

"Pinasadya ko 'to Leary para madali lang sa akin." Sabi ko sa kaniya at pinakita ang pinakaitaas ng legs ko para makita niya ang baril.

"Gusto kong maging handa lagi dahil hindi natin alam baka may mangyari na hindi natin inaasahan lalo na't palasyo ang pupuntahan natin." Paglilinaw ko sa kaniya.

Rinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya, "Wala ba yang pangtakip sa itaas mo Ate? Yang balikat mo kitang kita baka ano pang sabihin sayo ng iba kapag makita ka nila." May pag-aalalang ani 'ya sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya.  "Akong bahala sa Ate mo." Rinig kong sabi ng Duke kaya napaharap ako sa likod ko nakakita ko siyang palapit sa amin.

Bagay na bagay sa kaniya ang suot niya na para bang isang royalty sa mga napapanood ko dati na historical anime, may nababasa ding naman ganun.

"Eh sigurado na po siya sa suot niya." Sabi ni Leary kay Duke Marvis.

Napatingin naman sa akin ang Duke at ngumiti, "Nakabihis na siya, wala na tayong magagawa at isa pa.........sobrang bumagay sa kaniya ang suot niya." Ani 'ya na nakangiti habang nakatingin sa akin.

Nagulat naman ako kaya napaiwas ako ng tingin sa kaniya kasi pakiramdam ko namumula na naman ako dahil sa kaniya.

Ano ba yan Hain, 'di ba pwedeng umakto ka nalang gaya ng dati? T _ T

Ang hirap ng ganito.

Hindi naman nakatakas sa pandinig ko ang mahinang pagtawa ni Leary, "Kung ganun Kuya Marvis, ikaw ng bahala sa Ate ko ah." Sabi niya at umalis na.

Gulat naman akong napatingin kay Leary na naglalakad papalayo, "langya, iniwan ako dito." Reklamo ko sa aking isipan.

"Hain." Tawag sa akin kaya napatingin ako sa kaniya.

"Tara na? Nasa karwahe na yung mga bata at nauna na sa atin si Leary, tayo nalang naiwan dito." Sabi niya sa akin at nilahad ang palad niya sa akin.

Napatingin naman ako sa kamay niya, 'di ko alam kung tatanggapin ko ba o hindi.....bakit kasi nahihiya ako ng ganito sa Duke na 'to? Dati namang hindi ako ganito sa kaniya eh.

"Hain." Tawag niya ulit sa akin kaya napatingin ako sa kaniya napako ang paningin ko sa kaniya ng makita ko ang magandang ngiti niya sa akin.

"Mukhang hindi ko siya matatanggihan." Ani ko sa aking isipan.

Ngumiti ako sa kaniya pabalik at binigay ang kamay ko sa kaniya, "Tara na." Aya ko at naglakad na.









LEARY POV.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now