CHAPTER 51

542 39 4
                                    




Pagkalabas namin sa palasyo ay may karwahe namang naghihintay sa amin.

Bago ako pumasok sa loob, humarap na muna ako kay Captain Yenari dahil may naiisip akong paraan para mabawasan ang pwersa ng Zalco Empire.

"May ipapagawa ako sayo Captain Yenari."

"Ano po yun, Master?" Tanong niya sa akin.

"Bumalik ka na muna sa boriyan at sabihan si Bea na kumbinsihin ang Ganhera Empire at Samune Empire na pumanig sa atin."

"Ibigsahin niyo bang sabihin ay lumipat sa atin?"

"Parang ganun na nga, ngunit nais kong magpanggap ang dalawang empire na 'yon na nasa Zalco Empire pa rin ang kanilang katapatan...ang nais ko lang mangyari ay tumalikod sila sa Zalco Empire sa oras ng digmaan kahit na hindi nila tayo suportahan sa digmaan." Paliwanag ko sa kaniya.

"Masusunod po, makakarating ito kay Head Captain Bea."

"Batid kong alam na ni Bea ang paraan na kaniyang dapat gawin, ipaalam mo rin na maaari niya ring gamitin ang koneksiyon ko sa Revilloza Empire para naman makuha niya ang loob ng dalawang empire." Huling habilin ko sa kaniya bago tuluyang pumasok sa karwahe.

Bago umandar ang karwahe nakita ko pang yumuko si Captain Yenari bago umalis, pagkaandar ng karwahe binuksan ko ang bintana na kinagulat naman ng kawal na nagbabantay sa akin.

"May kailangan po ba kayo, Master?" Tanong niya sa akin.

"Hindi tayo babalik sa bayan ng serevo, mananatili na muna ako sa mansion ko dito sa centro." Sabi ko sa kaniya.

"Sige po, Master." Ani 'ya at umalis na para sabihan ang nagpapaandar nitong karwahe kaya naman binalik ko na sa pagkakasarado ang bintana.

Habang naghihintay ako na makarating sa mansion bigla namang pumasok sa isip ko ang tungkol sa digmaan.

Ang digmaan na 'to ay hindi aayon sa pinagkakasunduan nila lalo na't nagsisimula na pala silang kumilos.

Sa pagkakaalala ko kanina, ang Algunas Empire ang nasa likod ng pagpaplano nila mukhang hindi siya patas sa usapan.

Dahil ba sa kaaway siya ng magaling kong tunay na ama?

Ano naman kaya ang atraso sa kaniya ni Ama?

Tsk! Hindi maganda ang kutob ko sa empire na 'yon.

Kailangan ko silang putulan ng galamay sa digmaan, kumilos sila ng mas maaga......kikilos din kami ng hindi nila namamalayan.
















THIRD PERSON POV.


Abalang nag-eensayo ang lahat pati na ang mga knights ni Duke Marvis, simula nung sila'y dumating upang magpakalas naging mas abala ang lahat sa pagsasanay.

"Sampung ikot pa!" Sigaw ng naatasang mag-ensayo sa mga baguhan, napatingin sa kaniya ang mga knights ni Duke Marvis.

"Grabe, nakakamatay ang pag-eensayo nila dito." Reklamo ng isang knight na kabilang sa mga knights na sinama ng Duke.

"Kaya nga, hindi ko nga alam kung kakayanin ko pa ang pagsasanay nila dito." Pagsang-ayon naman ng isa nitong kasama.

"Pero ang nakakapagtaka, yung mga nagsasanay sa mga knights ay may mga takip sa mukha tanging ilong, labi at baba lang ang nakikita sa kanila."

"Sa tingin ko sila ang may matataas na katayuan dito sa boriyan kaya siguro may maskara sila ay dahil hindi tayo knights ng boriyan, pinoprotektahan yata nila ang kanilang katauhan." Komento sa kaniya ng kaniyang kasama.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now