CHAPTER 30

804 54 1
                                    

Pupunta na sana ako sa itaas para matulog na pero nakita ko ang Duke.

"Oh, bakit bumalik ka pa dito?" Tanong ko sa kaniya.

"Gusto sana kita makausap, ayos lang ba?" Tanong niya sa akin.

"Oo naman." Sagot ko sa kaniya.

Uupo sana siya pero pinigilan ko, "Sa labas nalang tayo mag-usap habang naglalakad lakad para magpahangin." Sabi ko sa kaniya.

Tumango siya sa akin at hindi ko inaasahan ang magandang ngiti niya sa akin.

Good mood yata siya?

"Tara na." Aya niya sa akin na nasa pintuan na pala, kaagad naman akong sumunod sa kaniya.

"Anong pag-uusap natin?" Tanong ko sa kaniya pagkalabas namin at pinangunahan ko ang paglalakad patungo sa garden ko dito sa mansyon.

"Siguro ka bang papakasalan mo 'ko para kay Levan?" Tanong niya sa akin.

Oh, hindi ko akalain na siya ang unang makikipag-usap sa akin tungkol dito.

"Para sa anak kong si Levan. Oo, sigurado akong pakasalan ka." Sagot ko sa kaniya habang nasa likod ko siya at pinapakiramdaman ko ang paligid at nang simoy ng hangin.

"Paano kung hindi ko kayo tratuhin ng tama?" Tanong niya na nagpangiti sa akin.

"Hindi yan sasabihin ng taong ireresponsable, Marvis." Sabi ko sa kaniya na hindi binanggit ang posisyon nila bilang Duke.

"Papakasalan mo talaga ako kahit hindi mo 'ko gusto o mahal man lang, para sa anak mo." Sabi niya na kinatingin ko sa kaniya.

"Hindi kita papakasalan para lang kay Levan, pinakasalan kita dahil alam kong ligtas kami kapag kasama ka namin at hindi lang yun. Ramdam kong mabuti kang tao, hindi ako nagkakamali sa pagkilatis ko sa isang tao." Sabi ko at ngumiti sa kaniya.

Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya at natingin lang siya sa akin.

"Kung inaalala mo na pinakasalan kita kahit hindi ko alam kung gusto kita, huwag kang mag-alala hayaan mo 'kong mahulog sayo." Dugtong kong sabi sa kaniya at kasabay ng paghangin ng malakas ngumiti ako sa kaniya.

Nahiwagaan naman ako nung ngumiti siya sa akin pabalik, "Hayaan mo rin sana akong gawin ang nais ko para sayo." Ani 'ya sa akin, nagtaka naman ako nung unti unti siyang lumapit sa akin kaya 'di na ako gumalaw pa sa kinatatayuan ko.

Naramdaman ko nalang ang pagdampi ng labi niya sa loob dagdag pa ang lakas ng hangin na siyang naging mas romantiko para sa akin sabayan pa ng magandang ilaw na nagmula sa buwan.

"Hihintayin ko ang tamang araw kung saan maaari kong hingin ang kamay mo sa pagpapakasal.......hihintayin kong tumuntong ka sa tamang edad ng pagpapakasal." Ani 'ya sa akin pagkatapos niya akong halikan sa noo.

Natameme namang akong nakatingin sa kaniya.

"Maghihintay ka?" Wala sa sariling kong tanong habang tulalang nakatingin sa kaniya.

Mas gumwapo siya sa paningin ko dahil sa liwanag ng buwan, mas kita ko ang pagkinang niya.

Bigla ko namang naramdaman ang paglakas ng tibok ng puso ko, may sakit na ba ako?

"Hindi naman matagal ang isang taon, mabilis lang yun." Sabi niya sa akin habang nakangiti.

"Maaari ka namang maghanap ng iba." Sabi ko sa kaniya pero parang may ano akong nararamdaman, lungkot?

"Malabong mangyari yun." Sabi niya habang nakatanaw sa kalangitan.

"Malabong malabo." Pag-uulit niya nakangiti pa rin at saka tumingin sa akin.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now