CHAPTER 39

686 53 8
                                    


K I N A B U K A S A N

HAIN POV.

"Hain, dumating ang Duke." Ulat ni Bree sa akin.

Uminom na muna ako ng kunting tsaa bago tumingin sa kaniya, "Papuntahin mo nalang siya dito." Sabi ko sa kaniya at bumalik na ako sa ginagawa ko sa pagd-desinyo ng damit.

Napangiti akong naramdaman ang hangin dito sa garden, kasalukuyan kasi akong nandito para ma relax ako sa ginagawa ko.

Buti nalang nagpatayo ng Gazebo si Hain, perfect na perfect na pahingahan kapag pagod.

Maya maya lang ay nakarinig ako ng mga yapak ng paa patungo rito.

"Nandito na po sila."

Napatingin naman ako sa gawi nila, nakita ko ang Duke na may kasama na nasa kaniyang likod.

"Salamat Bree, maaari ka ng bumalik sa loob." Sabi ko sa kaniya, yumuko na muna sa akin saglit bago umalis.

"Magandang umaga sa 'yo, Duke." Bati ko sa kaniya.

Ngumiti siya habang palapit sa umupong kaharap ko, "Magandang umaga rin sa 'yo, Hain." Balik niyang bati sa akin.

Napatingin naman ako sa kasama niya na umupo sa tabi niya, napansin ko na magkamukha sila at parang mas kahawig niya ang anak ko.

"Sino ang kasama mo?" Tanong ko sa kaniya, kinuha ko ang baso ng tsaa ko at uminom na muna.

"Siya si Marko, ang kapatid ko." Sagot niya sa akin, nailunok ko kaagad ang tsaa dahil sa sinabi niya.

"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.

Binalik ko na muna ang baso ng tsaa ko sa lamesa at tumingin sa kaniya, "Okay na kayong dalawa?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

"Haha, parang ganun na nga."

Tumingin ako sa kapatid niya na nakayuko at tila kinakabahan, "Napaka bait mo naman, Duke." Sabi ko habang na nasa kapatid niya parin ang aking tingin.

Kung titignan parang kabaliktaran siya ng Duke.

"Ayaw kong mabawasan na naman kami." Sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya.

"Bakit mo siya kasama ngayon?" Tanong ko sa kaniya.

"Gusto ko sanang hingin ang tulong mo." Nag-aalalangan pa niyang sabi sa akin.

"Tulong para sa kaniya?" Tanong ko at tinuro ang kapatid niya.

Napatingin naman ang kapatid niya sa amin.

"Oo, sa tingin ko makakatulong naman siya sa inyo."

"Saan?" Tanong ko.

"May talento siya gaya ng sayo sa pagdedesinyo ng damit at mga alahas o ano pang palamuti na nakikita sa panlabas ng mga kababaihan." Ani 'ya at tumingin sa kaniyang kapatid.

"Makakatulong siya kay Taiya." Dugtong niya.

"Totoo ba ang kaniyang sinabi?" Tanong ko sa kapatid niya.

Gulat naman siyang napatingin sa akin na kinakabahan pa, "T-Totoo." Utal pang sagot niya sa akin.

Hindi ko akalain na makakakita ako ng lalaki na parang babae kung mahiya o kumilos.

"Oh sige, sumama sa akin pabalik ng Serevo magiging katuwang ka ni Taiya." Sabi ko sa kaniya, naging masigla naman ang kaniyang mukha.

Binigay ko sa kaniya ang mga papel na pinaguhigan ko pati na yung wala pang nakasulat, "Maaari ka ng magbigay ng sarili mong desinyo." Sabi ko sa kaniya.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now