CHAPTER 37

755 48 0
                                    


"A-Alis na sila?" Utal pa niyang tanong sa Duke.

"Opo, Kamahalan." Sagot ni Duke Marvis.

Napatingin kami sa kaniya nung nagmamadali siyang umalis, anong problema niya?

"Ate, puntahan natin sila Papa." Sabi sa akin ni Leary kaya tumango ako sa kaniya.

"Tara na." Nakasunod lang ako kay Leary naglalakad pabalik sa dati naming pwesto kanina.

Pagkarating namin naabutan namin ang Reyna at si Papa na nag-uusap.

"Hindi ba maaaring bukas na lamang kayo umalis?" Naabutan naming tanong ng Reyna kila Papa.

"Hindi maaari, may mga gagawin ako na kailangan kong tapusin." Sagot ni Papa sa kaniya.

"N-Ngunit yung mga anak, k-kasama niyo." Malungkot niyang usal at tinignan pa ang mga kapatid ko.

"Kasama namin sila dahil gusto nilang sumama sa amin." Sabi ni Papa.

"Hindi maa–" Hindi natapos ang sasabihin ng Reyna nang bigla na lamang pumunta sa harapan niya si Azanch.

"Hayaan niyo nalang po kami. maski ako hindi ko gusto dito, lahat kami nais sumama sa kanila." Nagpipigil na sambit ni Azanch, naglakas loob siyang humarap sa Reyna para lang sa kagustuhan nila na sumama kay Papa pabalik sa Revilloza.

"Pero anak ito ang tahanan niyo, dapat dito lang kayo."

"Hindi! Ito nga po ang tahanan namin pero naghihirap naman po kami sa mga taong nakapaligid sa amin, lagi akong kinukumpara kila kuya dahil mahina ako! Hindi ko magawa ng maayos ang aking aralin ko kung ano ano na natatanggap kong masasakit na salita sa kanila!" Sumbat ni Azanch at umiiyak ng nakatingin sa Reyna.

Lalapitan ko sana siya pero mabilis akong naunahan ni Leary na lapitan si Azanch at yakapin.

"Bakit hindi niyo nalang kami hayaan?! Talaga bang papahirapan niyo kami dito hanggang sa mamatay kami ha?!" Galit na tanong ni Leary sa Reyna.

Napatingin naman ako sa paligid, wala na palang mga tao bale kami nalang pala ang natira dito.

"Hindi namin gustong tumira sa tahanang sinasabi niyo!" Sigaw ni Leary kaya napatingin ako ulit sa kanila.

Kita ko naman ang gulat at takot sa mukha ng Reyna, hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin.

"Wala kang galang! Reyna ang sinisigawan mo, matuto kang lumugar.....walang kwentang Prinsesa!" Sigaw ni Prinsipe Aidreniel Cutillar na nagpainit ng ulo ko kaya mabilis kong hinugot ang baril ko na nasa hita ko lang.

"Wala ka talagang ka dala dala noh?" Walang emosyon kong tanong sa kaniya.

"Hain!"

"Ate!"

"Anak!"

"Eve!"

Rinig kong pagtawag nila sa akin dahil sa pagtutok ko ng baril sa walang kwentang Prinsipe na 'to.

Takot naman siyang napaatras ng makita niyang tinutukan ko siyang baril kaya dahan dahan akong lumapit sa kaniya.

"Ang lakas ng loob mong maglabas ng basurang salita diyan sa mabulok mong bibig." Sabi ko sa kaniya habang nakatutok ang baril ko sa kaniya.

"Hain, ibaba mo ang sandata mo." Utos ng tunay na ama ko sa akin.

"Ibaba? Bakit? Ito bang anak niyo nag-iisip bago sabihin ang mga salitang yun sa kapatid ko ha?!" Sigaw kong tanong sa kaniya.

Talagang ginagalit nila ako, at pinapaliit ang pasensya ko sa kanila.

"Ang talas ng bibig mo pero kung titignan ikaw ngayon takot na takot harapin ako, nasaan ang tapang mo Prinsipe Aidreniel Cutillar?" Nakangisi kong tanong sa kaniya.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now