CHAPTER 50

577 45 2
                                    


HAIN POV.

Matapos ang ilang araw na paghihintay ko sa muling pagpupulong ng mga hari, ngayon ay narito ako naglalakad patungo sa silid na pagpupulongan nila.

Sa paglalakad ko hindi ko naman inaasahan na makakasalubong ko ang dalawang nakakatanda kong kapatid, sina Prinsipe Exion at Prinsipe Easton.

"Ito na yata ang silid na pagpupulongan niyo, Master." Bulong ni Captain Yenari sa akin.

Bago ko ituon ang paningin ko muli sa dalawang Prinsipe na nakasalubong namin tinignan ko naman ang pintuan na sinasabi ni Yenari, at talaga nga yata na nandito na kami kaya pala nakasalubong namin ang dalawang 'to.

"Hain." Tawag sa akin ni Prinsipe Easton kaya naman napatingin na ako sa kanila, nakita ko namang nakangiti sa akin si Prinsipe Easton pati na si Prinsipe Exion.

"Pagbati s—" Babatiin sana sila ng butler ng Hari na ama namin ngunit pinigilan siya ni Prinsipe Exion kaya hindi natapos ang kaniyang sasabihin.

"Masaya kaming nagbago ang isip mo, Princess Hain." Pormal na pagkakasabi sa akin ni Prinsipe Exion.

"Wala akong magagawa, sakop pa rin ng kaharian na ito ang bayan na pinamumunuan ko ngayon." Normal lang na sagot ko sa kaniya, walang kahit anong emosyon na pinapakita sa kanila.

Hindi naman sa wala akong magagawa, talagang pinili ko ang tulongan sila dahil kaharian pa rin namin 'to at may mga tao ako na dapat kong pangalagaan lalo na't kinikilala nila akong pinuno nila.

Pinasok ko ang ganitong kabigat na responsibilidad kaya naman dapat lang na panindigan ko 'to.

Pinili ko 'to kaya hindi ako magsasawang piliin o gawin ang nararapat.

"Lubos kaming nagpapasalamat sa'yo." Sabi ni Prinsipe Easton sa akin pero hindi ko na pinansin, naglakad nalang ako palapit sa pintuan upang pumasok na sa loob.

Bago ako pumasok tumingin na muna ako sa dalawa, "Patunayan niyo sa akin ang pagiging Prinsipe niyo." Sabi ko sa kanila at tuloyan na ngang pumasok sa loob.

Naubutan namin sa loob ang mga hari na kakampi ng tunay na ama namin at mukhang kasama pa nila ang mga anak nila.

Napunta naman sa amin ang atensiyon nilang lahat na siyang inaasahan ko dahil kami nalang pala ang nahuhuli dahil kita ko ang tatlong upuan na bakante pa.

Hinanap ng mga mata ko si Prinsesa Zahari dahil tiyak ako na kasama siya pagpupulong na ito, nang makita ko na ang pwesto niya lumapit ako doon at tinignan ang isang lalaki na katabi niya.

"Maaari ka bang lumipat ng pwesto, Prinsipe?" Naiwang patanong ang huli kong salita dahil hindi ko alam ang pangalan nitong lalaki na katabi ni Princess Zahari.

Pansin ko ang pagkabigla ng iba dahil sa ginawa ko pero sinawalang bahala ko na lamang iyon.

"Wala ka talagang respeto! Alam mong may nakaupo tapos papalipatin mo lang." Pasigaw na sambit ni Prinsipe Aidreniel.

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

Napatigil nalang ang tingin ko sa kaniya nung marinig ko ang pag-usog ng upuan, nakita kong tumayo ang lalaki na kinausap ko.

"Prinsipe Athicus El Cadiente, ang aking pangalan." Sabi niya sa akin na may magalang na tinig.

"Nice name." Hindi ko namalayang komento sa kaniyang pangalan, dahil sa sinabi ko naging mas tahimik ang buong silid.

"Ehem!" Pagbasag ng isang boses sa katahimikan walang iba kundi si Prinsesa Zahari, kaya umayos naman ang lahat.

"Mas mainam kung umupo ka na, Princess Hain." Alok ni Princess Zahari sa akin, agad ko namang sinunod ang kaniyang sinabi at sunod namang umupo si Prinsipe Athicus.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now