CHAPTER 25

818 66 0
                                    

THIRD PERSON POV.

Nabunggo ang isang misteryosong tao sa likod ng kasama niya dahil sa biglaang paghinto nito sa paglalakad, "Ano ba?! Bakit naman bigla bigla ka nalang huminto sa paglalakad." Reklamo nito sa kaniyang kasama.

"Tignan mo ng mabuti ang dadaanan natin, maski dito may mga taong nagbabantay at may ginagawang parang pader." Sabi sa kaniya ng kasama niya habang tinignan niya ang daan na tatahakin sana nila.

Nakita niya ang ilang mga kawal na nagbabantay at tumutulong, mayroong ding mga tao na abala sa kanilang ginagawa.

"Pati rin dito ginagawa nila yung katulad ng sa harapan, saan tayo daan nito kung may bantay din dito?" Tanong niya sa kaniyang kasama.

"Bumalik na muna tayo at sabihan ang walang kwentang butler na yun tungkol dito, kulang kulang talaga ang impormasyon na binibigay niya sa atin." Inis na sagot sa kaniya.

"Bakit 'di nalang tayo pwersahang pumasok?" Tanong niya habang nakatingin sa direksyon na kanilang sana dadaanan.

"Aray!" Daig niya ng batukan siya ng kasama niya.

"Hindi mo ba nakikilala ang mga bantay na yan?" Inis na tanong sa kaniya.

"Hindi, bakit? Sino ba sila?" Walang ka ideya ideyang tanong niya.

"Wala ka talagang utak! Mga mahuhusay na kawal yan na mula sa boriyan, mahirap kalabanin ang mga yan dahil sa kanilang mga sandata at galing sa pakikipaglaban." Naiiritang sagot sa kaniya ng kasama niya.

"Edi kunin nalang natin ang sandata nila, huwag na natin kalabanin."

"Baliw ka ba? Nasaan ba utak mo ha? Kapag kinalaban natin ang mga yan, paniguradong hindi tayo tatantanan ng pinuno nila. Mas delikado ang isang yun kesa sa kanila!" Iritadong paliwanag ng kasama niya sa kaniya.

"Bakit pa natin tinanggap ang trabaho na 'to kung hindi naman pala natin sila kakayanin."

"Dahil wala 'to sa impormasyon na binigay sa atin! Hindi nakalagay dun na malapit ang Prinsesa sa mga tao na mula sa bayan ng boriyan!" Pasigaw na sabi sa kaniya.

"Sayang naman."

"Bahala ka diyan! kung gusto mo ng mamatay ng maaga, ikaw nalang gumawa ng trabaho na 'to." Ani ng kasama niya at nagsisimula ng maglakad paalis.

"S-Sandali l-lang! Ayaw ko na rin."

"Psh! Wala talagang utak."






Sa kabilang banda naman ay palihim na pumasok si Hain sa silid ni Bea na naka cloak at maskara para walang makakilala sa kaniya.

Nagulat naman si Bea ng makita siya, mabilis namang hinubad ni Hain ang maskara at cloak na suot niya para hindi masyadong matakot si Bea sa biglaang paglitaw niya.

"Hain, tinakot mo naman ako." Sabi ni Bea at nakahinga na ng maluwag.

"Pasensya na." Pagpasensya ni Hain kay Bea.

"Iba talaga ang kakayahan mo Hain, kahit na kampanti na ako sa sarili kong kakayahan hindi ko maiwasan na matakot o mabigla lalo na't hindi ko magawang pakiramdam ang presensya mo." Puri ni Bea sa kakayahan ni Hain.

"Pero mukhang mas gumaling ka ngayon, dati nararamdaman ko pa kunti kapag pahilim kang pumapasok sa silid ko." Sabi ni Bea kay Hain.

Napangiti naman si Hain sa kaniya, "Yun ay dahil hindi na ako si Hain ngayon." Sabi ni Hain sa kaniyang isipan lamang.

"Yun ay dahil mas hinahasa ko pa ng husto ang kakayahan ko, Bea." Sabi ni Hain.

"Mabuti."

"May kailangan ka ba? Hindi ka papasok sa silid ko ng ganitong oras na kalagitnaan ng gabi kung wala kang kailangan sa akin." Tanong ni Bea kay Hain at saka may kung ano siyang tinimpla at binigay kay Hain.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now