CHAPTER 9

1.1K 65 2
                                    




Pagkauwi ko sa bagong mansyon sinalubong kami nila Leary, Seraphina at Symphony.

"Ate." Masayang tawag sa akin ng kambal

Tinignan nila kung sino buhat buhat ko, "Nonet?" Tawag nila sa batang buhat buhat ko

"Pina, Poni." Tuwang tuwa na tawag ni Sonnet sa dalawa.

Binaba ko siya, pagkababa ay mabilis siyang lumapit sa dalawa, "Nagkita ulit tayo, laro tayo?" Masaya niyang wika sa dalawa.

Nilapitan ko naman silang tatlo, "doon kayo sa silid niyo maglaro." Sabi ko sa kaniya, agad naman silang sumang ayon sa akin at mabilis na pumaitaas papunta sa silid nila.

"Anyare sa palasyo Ate?" Tanong sa akin ni Leary kaya napatingin ako sa gawi niya.

Naalala ko naman naging kasunduan namin ng Hari para sa lupain ng Serevo.

"Gusto nila kayong makasama." Sabi ko sa kaniya

Kita ko naman ang pagyukom ng kamay niya, "Sa tingin ko gusto nilang bumawi." Ani ko habang nakatingin sa kaniya.

"Huli na sila para bumawi." Galit niyang pagkakasabi.

Lumapit ako sa kaniya at hinawaka ang balikat niya, " Pagbigyan mo sila, alam kong marami katanungan diyan sa isip mo, mas mainam kung itanong mo yan sa kanila at ilabas yang nararamdaman mo sa kanila." Malumanay kong sabi sa kaniya.

"Pero." Nag-aalangan na usal niya

"Huwag kang mag-alala kung sasaktan nila kayo,  hindi ko na hahayaan na makalapit sila sa inyo."Pagpapagaan ko ng loob niya, tumango naman siya sa akin.

"Nasaan si Bree?" Tanong ko sa kaniya.

"Nasa kusina mukhang naghahanda yata." Sagot naman niya sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya, "Kamusta itong nilipatan natin?" Tanong ko sa kaniya.

"Ang ganda Ate, mas doble pa yata ang laki nito sa South Mansion eh." Ani 'ya na may tuwa.

"Mabuti naman nagustuhan mo, kung may kailangan ka pa para sa silid mo huwag kang mahiyang lumapit sa akin." Sabi ko sa kaniya at medyo ginulo ang buhok niya.

"Ate, kakaayos ko lang buhok ko." Naka busangot na reklamo niya sa akin.

Napatawa naman ako ng mahina, "Pasensya na."

"Samahan mo yung tatlo doon, puntahan ko lang si Bree." Sabi ko sa kaniya.

"Sige Ate." Sabi niya at umakyat na sa itaas.

Pumunta ako sa kusina, pagkadating ko ay nakita ko si Bree at Taiya na abala sa pagluluto.

"Ehemm." Kunwari kong ubo para maagaw ang pansin nila.

Napatingin naman sila sa akin, "Hain." Sabay nilang tawag sa akin

Lumapit ako sa kanila, "Abala kayo sa pagluluto ah." Ani ko sa kanila.

"Syempre, bagong lipat kaya dapat maghanda." Pabirong sabi ni Bree.

Napangiti naman ako sa sinabi niya, "Tulongan ko na kayo." Sabi ko.

Napatingin naman ako kay Taiya na abala na sa paghihiwa, lumapit ako sa kaniya. "Nakausap ko na ang Hari, ipapasa ilalim niya sa pangalan ko ang buong Serevo." Ani ko sa kaniya na kinatingin niya sa akin

Paiyak siyang tumingin sa akin, "Maraming salamat Hain, pangako babawi ako."

Ngumiti ako sa kaniya, "Hindi na kailangan, naging pabaya ang palasyo kaya nararapat lang 'tong ginawa ko hindi mo kailangan bumawi." Sabi ko sa kaniya.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now