CHAPTER 43

838 66 11
                                    



Pagkarating namin dito sa lupain ng mga magsasaka, naabutan namin ang mga karwaheng nakapila pati ang mga kawal na nakabantay at ilang mga pinaglalagyan ng kanilang kagamitan.

Kung titignan mukhang nakahanda na ang lahat dito.

Lumapit sa pwesto namin si Marko nang makita niya kami, "nakaayos na lahat, nagdagdag ako ng paglalagyan ng mga bagahe at kagamitan nila." Sabi niya sa amin.

"Salamat Marko, makakasabay na sila sa atin pabalik ng Serevo." Pasalamat ko sa kaniya.

"Wala yun, pambawi ko na rin ito." Sabi niya sa akin at ngumiti na rin.

"Nandito ka na pala, Iha." Sabi ni Lola pagkalapit niya sa pwesto namin.

"Opo, handa na po ba kayo?" Tanong ko na nakangiti.

"Oo naman, handang handa na kami." Sagot sa akin ni Lola.

Yayain ko na sana sila umalis kaso may biglang dumating na kawal.

"Wala na pong karwahe na marerentahan." Magalang na ulat niya at tumingin kay Marko.

"Para saan ang karwahe? Akala ko ba handa na ang lahat?" Takang tanong ko sa kanila.

"Kulang pa kasi ng isang karwahe para sa ibang bata." Sagot ni Marko sa akin.

"Yung karwahe nalang namin ang gamitin nila." Sabi ko kay Marko.

Tumingin naman ako kay Duke Marvis, "Magkabayo nalang tayong dalawa, para may magamit sila." Sabi ko sa kaniya.

"Sige, wala namang kaso sa akin na magkabayo nalang." Pagpayag niya kaya tumingin ako ulit kay Marko.

"Okay na, ipagamit mo sa kanila ang karwaheng ginamit namin." Sabi ko sa kaniya.

"Sigurado ka ba, Iha? Hindi ba delikado sayo ang magkabayo?" Tanong sa akin ni Lola

Ngumiti ako kay Lola at umiling sandali, "Marunong po ako, huwag po kayong mag-alala sa akin." Sabi ko sa kaniya.

"Mag-iingat kayo ah." Bilin niya sa akin.

"Opo, salamat po." Pasalamat ko sa kaniya bago siya umalis para pumasok na sa karwaheng sasakyan nila.

"Bigyan ng kabayo ang Duke at Prinsesa." Utos ni Marko sa kawal kanina.

"Opo!" Tugon nito kay Marko at umalis na kaagad.

"Sabihan ko lang yung mga batang walang marentaha kaya sakakay nalang sila sa karwaheng dala niyo." Sabi niya sa akin.

Tumango nalang ako sa kaniya bilang tugon.

"Okay lang ba sayo na magkabayo ka mag-isa? Pwede namang isakay nilang kita sa kabayong gagamitin ko." Tanong ng Duke sa akin.

"Okay lang, marunong ako mangabayo Duke." Sagot ko sa kaniya.

"Gusto ko lang makasigurado baka ano pang mangyari sayo." Ani 'ya sa akin

Napangiti naman ako sa sinabi niya, may ganitong side pala ang Duke. Ang kalmado ng boses niya at halatang may pag-aalala.

"Kaya kong makipagsabayan sayo Duke, kung gusto mo magpalibasan pa tayo sa pagtatakbo eh." Natutuwa kong sabi sa kaniya.

"Hindi, mas gugustuhin ko pa na mabagal ang takbo natin kesa sa mabilis baka ma disgrasya ka pa." Ani 'ya

Ngumiti nalang ako at pasimple simpleng tumingin sa isang direksyon dahil hindi ko na talaga napipigilan ang sarili ko na mamula.

Iba ang tama ng mga salita ng Duke sa akin lalo na ang boses niya na napaka ganda sa pandinig.

Kung iisipin para akong baliw na hindi ko maunawaan kung bakit.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now