CHAPTER 10-Edited

1.1K 73 2
                                    


KINABUKASAN

Kasalukuyan kami nasa harap ng mansyon ngayon dahil pupunta ang mga bata sa palasyo ngayon.

"Seraphina at Symphony,  huwag kayo pasaway doon ah at wag kayo lumayo kay Ate Leary niyo at sa bantay niyo." Habilin ko sa dalawang bata.

"Alen, Varin,  kayo ng bahala sa mga bata wala kayong ibang susundin kundi sila at pakiusap protektahan niyo sila." Pagbigay ko ng utos sa kanila.

"Masusunod, hindi mo na kailangan pakiusapan kami dahil malugod naming susundin ang utos mo Kamahalan." Sabi ni Varin,  tumango naman si Alen bilang pagsang ayon.

"At huwag kayong mag-alala dahil nandito sina, Kevin, John at Ray para maging kasama namin sa pagbabantay sa tatlong Prinsesa at ni Prinsipe Sonnet. "Dagdag nito at tinuro ang tatlo nilang kasama

Ngumiti ako sa kanila, "Aasahan ko kayo,  salamat at mag-ingat din kayo." Sabi ko sa kanila.

"Hain, handa na ang karwahe na gagamitin nila." Sabi ni Taiya.

Tumingin ako sa Triplets,  "Mag-iingat kayo at magsaya na din kayo, sulitin niyo." Nakangiting wika ko sa kanila.

"Opo Ate" sabay sabay nilang bigkas dahilan upang mapatingin sila sa isa't isa at bumongisngis sandali.

Lumapit naman ako kay Leary, "Mag-iingat ka din at kung may mangyari man na hindi maganda, huwag mong hayaang manaig ang takot Leary matuto kang lumaban." Payo ko sa kaniya.

"Masusunod Ate." Seryoso niyang usal sa akin.

"Sige umalis na kayo, mag-iingat kayong lahat." Sabi ko sa kanila.

"Opo, paalam Ate." Sabi nina Symphony at Seraphina.

"Huwag kang mag-alala Master,  Sisiguraduhin kong ligtas sila." Sabi ni Alen bago sumakay sa kaniyang kabayo, nakangiti naman akong tumango sa kaniya.

Nagsimula naman na umandar ang karwahe at umalis na, nang hindi ko sila matanaw tumingin ako kay Taiya at sa isang squad ng kawal na nasa kaniyang likuran.

"Pupunta tayo ng Serevo ngayon, maghanda na kayo at Taiya siguraduhin mong sapat ang kagamitan natin at pangangailangan." Sabi ko sa kanila at pag-uutos ko kay Taiya.

"Handa na lahat Hain, inayos ko na ang lahat para sa pagpunta natin sa Serevo." Ani 'ya at ngumiti sa akin.

"Ang Squadron ni Captain Louis ang sasama sa atin. " Dagdag niya at may isang kawal na pumantay sa kaniyang kinatatayuan, mukhan siya ang sinasabi ni Taiya na si Captain Louis.

"Medyo mahaba haba ang biyahe natin dahil dalawang bayan ang dadaanan natin bago makarating sa Serevo,  may posilibidad na may maka harap tayong bandido o rebelde." Saad ko sa kanila, seryoso naman silang nakatingin at nakikinig sa akin habang nakatindig.

"Handa ba kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Handa kami Kamahalan!" Sabay nilang bigkas.

"Mabuti, kung maayos na ang lahat umalis na tayo." Sabi ko sa kanila.

May tatlo namang karwahe na dumating at may ibang naninilbihan sa mansyon na may dala dalang kabayo..

"Doon tayo sa ikalawang karwahe, Hain." Sabi ni Taiya at tinuro ang karwahe na nasa harapan namin nasa unahan naman ang isang karwahe na sinakyan ng ilang kawal pati na sa ikatlong karwahe, sa mga kabayo naman nakasakay si Captain Louis at may kasamang siyang tatlong kawal.

Pumasok ako sa karwahe na tinuro ni Taiya at umupo na, sumunod naman si Tiaya sa 'kin. Maya maya lang ay umandar na paalis ang karwahe.

Habang bumabyahe kami nakatanaw lang ako sa labas para makita ang dinadaanan namin.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now