CHAPTER 21

864 61 4
                                    

K I N A B U K A S A N

"Kamahalan." Tawag sa akin bi Sieya pagkapasok niya sa loob ng bahay.

Kasalukuyan kasi kaming nag-aalmusal ni Levan ngayon.

Nang makita niyang kumakain kami mabilis siyang tumalikod na pinagtaka ko.

Bakit tumalikod siya?

"Patawad, Kamahalan. Nagambala ko ang pagsasalo niyo ng Prinsipe." Panghihingi nito ng tawad sa akin.

"Ayos lang." Sabi ko sa kaniya pero nanatili pa rin siyang nakatalikod sa amin.

"Bakit ka nakatalikod?" Tanong ko sa kaniya, tinignan ko si Levan at inabutan pa ng makakain dahil nauubos na ang pagkain niya sa plato niya.

"Salamat, Mama." Nakangiting ani 'ya sa akin at sumubo ng pagkain.

"Isang kabastusan po na pumasok ako habang kumakain po kayo, Kamahalan. Patawad po sa aking ginawa." Sagot ni Sieya sa aking katanungan.

Isang kabastusan? Para sa akin hindi naman bastos yun.

Pinagmamasdan ko ng mabuti si Sieya at napansin ko ang kamay niya na kayukom at nanginginig.

Nanlaki ang mata ko na may isang ideya na pumasok sa isip ko.

Naranasan ba ni Sieya na magpalupitan? Kaya ba ganiyan siya kung kumilos?

Ang pormal na pakikitungo at pakikipag-usap niya sa akin ay perpektong perpekto na tila ba hasang hasa ang kaniyang kilos.

"Sieya." Tawag ko sa kaniya, hinding maganda ang ganito.

"Ano yun, Kamahalan?" Tanong niya, "Nais niyo po bang umalis nalang po?" Sunod niyang tanong sa akin kahit wala pa akong nasasagot sa una niyang tanong.

"Humarap ka." Utos ko sa kaniya, dahan dahan naman siyang humarap habang nakayuko.

"Sabayan mo kami." Sabi ko sa kaniya dahilan upang gulat na napatingin siya sa akin.

"P-Po?" Gulat na sabi niya.

Ngumiti ako sa kaniya at tinuro ang upuan na katabi ni Levan, "Sabayan mo kami, umupo ka sa tabi ng anak ko." Sabi ko sa kaniya.

"P-Pwede p-po b-ba?" Utal na tanong niya sa akin.

Magsasalita sana ako ngunit, "H-Huwag na po, Kamahalan. Aalis nalang po ako, maraming salamat po." Medyo nataranta pang sabi niya.

"Sundin mo ang sinabi ko, sabayan mo kami." Sabi ko sa kaniya na gamit ang seryoso kong boses.

Kita ko ang mabilisan pag-angat ng kaniyang balikat sa gulat, kaagad niyang sinunod ang sinabi ko at dahan dahan na umupo sa tabing upuan ni Levan.

"Kumain ka na." Alok ko sa kaniya, "Pasensya na kung nagulat o natakot man kita, hindi ka kasi susunod kapag hindi ako maging seryoso." Sabi ko sa kaniya at ngumiti.

Napatulala naman siyang napatingin sa akin, "Ito kainin mo." Sabi ko at inabot sa kaniya ang lalagyanan ng tinapay, plato at isang baso ng gatas.

"Ubusin mo yan." Sabi ko pagkatapos kong inabot sa kaniya ang mga yun.

"Kain ka po ng marami Ate Sieya, para po may lakas ka po." Masiglang wika ni Levan kay Sieya.

"A-Ate?"

"Mas matanda ka po sa akin e, hahaha. Kaya Ate Sieya po ang itatawag ko sayo." Sagot ni Levan kay Sieya at nagpatuloy na sa kaniyang kinakain.

"Kumain ka lang hanggang sa mabusog ka." Sabi ko kay Sieya at nagpatuloy na sa aking kinakain.

"M-Maraming s-salamat." Utal utal niyang sabi

Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan ko silang kumakain dalawa.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now