CHAPTER 40

826 66 7
                                    



"Nandito na po tayo, Kamahalan." Rinig ko pagkahinto namin kaya bumaba na ako kaagad, mas nauna pa akong bumaba kila Duke at Marko.

Bumungad naman sa aking ang mala hacienda na gate.

"Ito na ba ang pinagsasakahan nila?" Tanong ko, parang pang hacienda ang vibes nito.

"Ito na nga." Sagot sa akin ng Duke.

"Parang mansyon lang." Sabi ko.

"Plano ito ng Hari, para mapagsama sama ang mga lupain ng mga nagsasaka hinati niya ito sa dalawa kaya may dalawang sakahan ang centro." Paliwanag ng Duke sa akin.

"Bakit pa hinati kung pinagsama sama naman pala niya?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya.

"Iba yung lugar nung isang sakahan kesa dito. magkakalapit lang naman ang lupain nila kaya naisip ng Hari na pagsamahin para maging isang buong lupain ng sakahan na pwede rin nilang gawan ng tirahan dahil sa kanila naman ang lupa." Paglilinaw ng Duke sa akin.

"Ganun din sa una?" Tanong ko.

"Oo ganun din ang planong ginawa." Sagot niya sa tanong ko.

"Maganda naman ang ganitong plano pero mahirap dahil kapag naibenta ang isang lupain maaaring mapipilitan yung iba sakadahilanang sama sama ang kanilang lupang pinagsasakahan." Seryosong pagkakasabi ko.

"Hindi yun pumasok sa isip ko." Sabi ni Marko kaya napatahimik kami at napatingin sa kaniya.

Humarap nalang ulit ako sa gate, "Pasok na tayo." Aya ko at naglakad na palapit sa gate.

Kami na nagtulak ng gate dahil walang tao para pagbuksan kami, habang papasok kami sa loob ka pansin pansin ang katahimikan.

"Parang walang tao dito." Sabi ni Marko na patingin tingin sa paligid.

Napahinto naman ako nang may nakita akong batang tumatakbo, "Tulong po! Tulongan niyo po kami!" Umiiyak na nanghihingi ng tulong

Lumapit siya sa akin at umiiyak na humawak sa dress na suot ko, "Pakiusap tulongan niyo po kami."

Binuhat ko siya para makausap ng maayos, "Anong nangyayari?" Tanong ko sa kaniya.

"Yung baron po, sinasaktan niya po ang mga pamilya namin." Umiiyak paring sabi niya sa akin.

Nabigla naman ako sa sinabi niya kaya mabilis ko siyang pinasa kay Duke.

Kaagad akong tumakbo at sinundan ko lang yun daan para makarating ako dun agad.

"Hain!" Tawag nila sa akin pero hindi na ako nag-abala pa na lingonin sila.

Huli na ako, mukhang mas maaga na nagpunta ang baron dito.

"Ibigay niyo sa akin ang dokumento ng lupain niyo!" Rinig kong sigaw ng baron kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo para makalapit sa kanila.

Nang makita ko na sila sa malapit nakikita kong sinasaktan ng mga kasamang kawal ni baron ang mga lalaking magsasaka.

"Nasaan ang dokumento?!" Sigaw sa kanila ng baron.

"Hindi namin ibibigay sayo! Nakuha na nga naming masolusyunan kung paano namin ibebenta ang aming ani at magkapera. Hindi kami makakapayag na ibigay sayo ang kabuhayang pagmamay-ari namin!" Sigaw ng isang lalaki na naglakas loob na sumalungat sa baron.

Naalarma naman ako nung tutukan siya ng espada nang isang kawal na kasama ng baron, "Ador!" Nag-aalalang sigaw ng iba sa kaniya.

"At sino naman yang mababang uri ang bibili ng mga paninda niyo ha?!" Galit na tanong niya sa kaniya.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now