CHAPTER 31

896 72 9
                                    


HAIN POV.

Pagkapasok ko sa dinning room nakahinga ako ng maluwag dahil wala si Duke Marvis.

"Mama?" Rinig kong tawag sa akin ni Levan kaya napatingin ako sa kaniya, nagulat ako ng makita kong buhat buhat siya ng Duke.

"L-Levan." Utal na tawag ko sa anak ko at pilit na ngumiti.

Bakit kasama siya ng Duke?

"Magandang umaga, Hain." Bati sa akin ni Duke Marvis.

Wow ha, wala ng Princess ang tawag niya sa akin.

Napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya at tumingin nalang kay Levan, "M-Magandang umaga." Bati ko rin sa kaniya.

"Mama? Bakit namumula ka po?" Tanong sa akin ni Levan kaya wala akong magawa kundi ang yumuko nalang.

"H-Hahahaha, mainit." Palusot ko sa kaniya

"Ate Hain?" Tawag sa akin kaya napatingin ako sa pinanggalingan nun.

Nakita ang tatlong kambal na kakapasok lang dito sa dining room.

"Ate Hain! Ikaw nga!" Tuwang tuwang tawag ni Symphony sa akin at mabilis na lumapit sa akin.

Napangiti naman ako at pumantay sa kanila, "Ako nga, kamusta ang mga kapatid ko?" Tanong ko sa kanila na nakangiti.

Bigla namang yumakap si Symphony at Seraphina sa akin, "Ang tagal mo po umuwi Ate, akala ko po hindi ka na babalik." Malungkot na sambit ni Symphony sa akin.

"Ako hindi babalik? Hindi ko gagawin yun dahil mahal ko kayo." Sabi ko sa kaniya at yumakap sa kanila pabalik.

"Isama mo kami Ate kapag aalis ka ulit." Sabi ni Seraphina.

"Ako rin sama!" Malakas na usal ni Sonnet at yumakap na rin sa akin kaya napatawa ako habang yakap silang tatlo.

"Ayos lang ba sumama kayo sa akin kahit malayo ang pupuntahan ko?" Tanong ko sa kanila.

Kumalas na muna sila sa pagkakayap sa akin, "Oo naman po." Sagot nilang tatlo.

"Kahit saan pa yan Ate, sasama kami. Diba Pina, Nonet?" Sabi niya sa akin sabay tanong sa dalawa.

"Opo, sasama kami." Pagsang-ayon ng dalawa kay Symphony.

"Sige, sumama na kayo sa akin kapag aalis ako." Sabi ko sa kanila.

"Talaga po?" Tanong nila sa akin.

Tumango ako sa kanila na nakangiti, "Oo naman, masaya akong isama kayo sa akin." Sabi ko sa kanila.

"Ate?" Tawag sa akin ni Azanch na kakapasok lang kasama ni Tomas.

"Sino po sila?" Tanong ni Seraphina sa akin.

"Kuya Zan?" Patanong na tawag ni Sonnet kay Azanch.

"Sonnet, ikaw pala." Nakangiting bigkas ni Azanch ng makilala niya si Sonnet.

"Kuya Zan." Masayang tawag ni Sonnet kay Azanch at lumapit sa kaniya.

"Dito ka na rin Kuya?" Tanong ni Azanch sa kaniya.

Napatingin naman si Azanch sa akin kaya ngumiti ako sa kaniya at lumapit sa kanila, "Dito na kayo kung gusto niyo, sasama kayo sa akin kung gusto niyo hindi ko kayo pipilitin. Bukas ang mansyon na 'to para sa inyong dalawa." Sabi ko sa kanila at sandaling pinagkukurot ang mga pisnge nila, nakakagigil.

Ang kyoot nila tignan, iba talaga kapag may batang kasama. Nakakawala ng stress at problema.

"Para makilala niyo ang isa't-isa, bakit 'di muna kayo magpakilala sa isa't-isa para naman malaman niyo ang pangalan ng bawat isa." Sabi ko sa kanila, binaba naman ni Duke Marvis si Levan.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now