CHAPTER 26

861 67 5
                                    

HAIN POV.

Kasalukuyan kaming nagbabyahe ngayon papuntang palasyo, nakalagpas na kami sa bayan ng Parsalah at palabas na rin kami dito sa bayan ng Kuarayi.

Kasama ko sa loob ng karwahe ang dalawang bata na sina Levan at Tomas.

Kasama rin namin ang Duke na tulog habang na magkabilang hita niya ang dalawang bata na natutulog din.

Nakangiti lang ako na pinagmamasdan silang tatlo na natutulog.

Maaga kami umalis sa bayan ng Serevo para maagang makarating sa palasyo, para hindi na rin kami gabihin sa daan lalo na't may dalawang bata kaming kasama.

Binuhat ko lang si Levan papasok ng karwahe nun, binuhat lang din ni Bea ang anak niya at pinatulog nalang sa karwahe.

At mukhang hindi rin maayos ang tulog ng Duke kaya hindi ko na siya hinayaan na magkabayo gaya nila Bea at ng iba pa naming kasama na knights papuntang palasyo dahil baka ano bang mangyari sa isang 'to kapag magkabayo na inaantok pa.

Pumasok naman sa isip ko ang tungkol kay Levan, paniguradong maraming tanong ang Ama ko kapag ipakilala ko sa kanila si Levan.

Hindi malayong aalamin niya pagkatao ni Levan sa oras na ipakilala ko siya sa kanila na anak ko siya.

Hindi ko ipapakilalang ampon si Levan dahil anak ko na siya, hindi ko siya kinikilalang ampon.

"Si Levan ay si Levan, walang magbabago dun." Sabi ko sa aking isipan habang nakangiting nakatingin kay Levan na tulog na tulog sa hita ni Duke Marvis.

Nagtaka naman ako ng biglang huminto ang karwahe, "Princess Hain." Tawag ni Bea sa akin sa labas ng karwahe.

Nagising naman yung tatlo dahil sa pagtawag niya sa akin.

"Mama?" Tawag sa akin ni Levan na kakagising lang.

Bumukas ang pinto ng karwahe at nakita namin si Bea, "Lagpas na po tayo sa bayan Kuarayi, Kamahalan. Mauuna na po ako sa inyo, mag-ingat po kayo." Pagbigay alam niya sa akin.

"Kasama po ba ako?" Tanong ni Tomas.

Umiling naman sa kaniya si Bea, "Sasama ka sa kanila, Tomas. Huwag kang pasaway sa Prinsesa at sa Prinsipe ka lang sumama." Bilin ni Bea sa kaniyang anak.

Tumango naman si Tomas sa kaniya.

Tumingin sa pwesto ko si Bea, "Mauuna na ako, Kamahalan. Ikaw ng bahala sa anak ko at mag-iingat po kayo." Sabi niya sa akin at pagbilin niya kay Tomas.

"Mag-iingat ka rin, Bea." Tugon ko sa kaniya, tumango siya sa akin at sinarado na ang pinto ng karwahe.

"Saan po pupunta si Tita Bea, Mama?" Tanong sa akin ni Levan at lumapit sa akin.

Binuhat ko naman siya at pinaupo sa tabi, "Babalik na ng boriyan si Tita Bea mo." Sagot ko sa kaniya.

"Bakit po?" Tanong niya.

"Dahil may pinapagawang importante si Mama sa kaniya." Sagot ko naman sa kaniya.

"Paano po si Kuya Tomas, wala po siyang Mama na kasama." Sabi niya at tumingin kay Kuya Tomas niya.

"Ayos lang ako Prinsipe Levan, makikita ko pa naman si Mama ko. Ang mahalaga, masasamahan ko po kayo sa palasyo." Nakangiting turan ni Tomas kay Levan.

"Sigurado ka Kuya?" Paninigurado ni Levan kay Tomas na nagpangiti sa akin.

"Oo naman no, kaya nga Kuya mo 'ko eh." May siglang sagot ni Tomas kay Levan.

"Huwag kang hihiwalay sa akin Kuya kapag nasa palasyo na tayo ah." Habilin ni Levan kay Tomas.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now