CHAPTER 44

787 50 6
                                    


LEARY POV.

"Mama, ang dami po palang nag-aaral dito." Tanong ni Symphony sa kinikilala naming ina.

Kasalukuyan kasi kami ngayon nagpapahinga dito sa garden dahil kanina pa kami nag-ikot ikot dito para puntahan ang bawat lugar nitong unibersidad.

"Maraming gustong matuto kaya naman maraming nag-aaral dito." Tugon ni Mama sa kaniya.

"Yung iba po pinagtitinginan tayo."

"Yun ay dahil mga Royalties tayo."

Napansin ko naman ang ibang mga mag-aaral dito na para bang abala sa dokumento na kanilang dala.

"Ano pong ginagawa nila? Bakit parang abala po sila sa kanilang dala na dokumento?" Tanong ko kay Mama Rona, ang bilis ko masanay na tawagin siyang Mama at ang gaan-gaan ng loob ko sa kanila.

"Para yan sa susunod na pasukan, kailangan nila yan para ma kumpirma na tuloy sila sa pagpasok dito sa Eve University." Sagot ni Mama sa akin.

"Kaya po pala marami tayong nakikitang estudyante dito." Sabi ko

"Nagsabay-sabay kasi ang ibang departamento kaya maraming estudyante ngayon."

Magtatanong sana ako kung pwedeng mag-ikot ako mag-isa kaso dumating si Papa na may mga kasama na may dala-dalang upuan, lamesa pati na mga pagkain.

"Pasensya na kung natagalan ako, gutom na ba kayo?" Pagpasensya niya sa amin at sabay tanong sa mga bata na may sigla ang kaniyang boses.

"Opo!" Sabay sigaw ng mga bata kay Papa.

"Sandali lang ah, ipapahanda ko muna." Tugon niya sa kanila bago harapin ang mga sinama niya.

"Paki pwesto nalang dito, dito kami kakain." Nakangiting utos ni Papa sa kanila.

Habang nag-aayos sila tinitignan ko naman yung mga estudyante na dumaan at napatingin sa amin.

Sa galaw at tingin ko palang sa kanila mukhang mataas ang kanilang kaalaman kumpara sa akin.

"Leary, anak....tara tapos na yung pinaayos ng Papa mo." Sabi ni Mama sa akin kaya napatingin ako sa kanila.

"Ma, busog pa po ako. Pwede po bang kayo na muna? Gusto ko pa pong malibot-libot dito eh."

"Sigurado ka bang hindi ka pa gutom?" Tanong ni Papa sa akin pagkalapit niya sa pwesto namin.

"Hindi pa po." Sagot ko sa kaniya.

"Sige, maglibot ka na muna." Pagpayag niya kaya napangiti ako.

"Ayaw mo ba kumain kahit kunti lang?" Tanong sa akin ni Mama.

"Hayaan mo na, gustong maglibot ng anak mo eh." Sabi ni Papa kay Mama.

"Oh sige, mag-iingat ka at huwag ka masyadong magtagal." Bilin ni Mama sa akin.

Nakangiti naman akong tumango sa kaniya, "Opo! Salamat po." Pasalamat ko sa kaniya bago umaalis para maglibot sandali.

Habang naglalakad ako ngumiti at yumuyuko ako sandali sa mga estudyanteng nakakasalubong ko, ganun din ang ginagawa nila sa akin.

May nakita akong pintuan na may lumabas na isang estudyante kaya sinubukan ko lumapit at sumilip ng kunti, nung makita ko ang loob napanganga ako sa mukhang laki ng espasyo at sa dami ng libro.

"Woah....ang laki naman, ito yata ang silid aklatan nila rito." Manghang sabi ko habang nakasilip sa loob.

"Excuse me po." Rinig kong boses mula sa likuran ko kaya gulat akong napaharap sa kaniya.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now