CHAPTER 15

1.1K 79 6
                                    

LEARY POV.

Kasalukuyan akong nagsasanay ngayon kasama ang pinagkakatiwalaan ni Ate Hain na kawal na si Kuya Varin at Kuya Alen.

"K-Kamahalan, sigurado po ba kayo dito sa gusto niyo? Baka masaktan ka po namin." Nag-aalalang sabi sa akin ni Kuya Varin dahil gusto kong sukatin ang kaalaman ko kahit na espadang kahoy pa lang ang gagamitin namin.

"Kuya, Kahoy lang po ito 'wag kayong mag-alala sa akin, nais ko pong matuto pa." Determinado wika ko sa kaniya.

"Ngunit Kamahalan bata pa kayo, maaari naman na iba na lang ang inyong gawin, delikado po ang ganito sa inyo."

"Kuya, wala po akong paki kung bata pa ako para sa ganito. Nais ko lang na habang bata pa ako ay sinasanay ko na ang aking sarili upang matunayan ko na kayang makipag sabayan ng babae sa lalaki, na kayang pantayan ng babae ang lalaki." Seryoso ko ng usal sa kaniya, kita ko ang panandaliang pagkabila niya sa aking sinabi ngunit sinawalang bahala ko na lamang yun.

Bago ako magpatuloy sa aking sasabihin sinugod ko siya, "Gusto kong patunayan sa mga magulang namin na ang batang binasura nila noon ay may maibubuga. Ipapakita ko sa kanila ang kakayahan ng batang tinapon nila!" Sigaw ko at sunod sunod na sumugod sa kaniya samantalang siya ay puro iwas at sinasalubong ang aking atake.

Napaatras ako dahil sa lakas ng pag-atake pabalik sa akin ni Kuya Varin.

"Galit ka sa inyo mga magulang, Kamahalan?" Tanong niya sa akin kaya napatingin ako sa kaniya.

Napahigpit naman ang hawak ko sa espadang kahoy, "Oo." Sagot ko sa kaniya.

"Hindi ba nakakasama sayo 'yan? Kung puro galit ang nasa inyong puso, hindi ka ba niyan dadalhin sa maling landas? Maaaring magiging dahilan upang malayo ka sa mga taong nagpapahalaga sayo, Kamahalan." Ani 'ya na nagbigay sa akin palaisipan.

Nasaang landas ba ako? Tama pa ba ako?

"Pag-isipan mo ng mabuti Kamahalan, ngunit handa pa rin kaming turuan ka sa abot ng aming makakaya upang maging isang mahusay na mandirigma ka balang araw." Dagdag niya na nagbigay sa akin ng hiwaga.

Maging isang mahusay na mandirigma? Bakit hindi ko yun naisip? Hahaha dahil sa sakit na karanasan punong puno ng galit ang aking puso dahilan upang mas nanaisin ko pang may mapatunayan sa aming mga magulang na sinantabi kami.

Maging mahusay na mandirigma.

"Talaga po bang tuturuan niyo ako?" Tanong ko sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin at tumango, "Kinagagalak kong maging isang guro niyo, Kamahalan." Ani 'ya.

"Kung ganun, asahan niyo ang aking buong kooperasyon, Kuya Varin."

Maging mandirigma, maging mahusay na mandirigma. Let's take that path Hale Leary Cutillar.








THIRD PERSON POV.

Habang sa kabilang banda naman kung saan nakarating na si Hain sa abandonadong lupain ng Severo.

Wala siyang napansin nang sila ay bumababa ng karwahe habang karga karga niya ang batang Prinsipe sa kaniyang bisig.

"Tara na, pumasok na tayo sa loob." Utos ni Hain sa kaniyang mga kasama.

Mabilis namang kumilos ang bagong kasama ni Hain na naging kaliwang kamay niya, pinangunahan niya ang paglalakad papasok kasama ang lalaking nagngangalang Linus.

Habang naglalakad sila nakarinig sila ng pagkaluskos ng dahon at mga yapak ng isang tao.

Binigay ni Hain si Levan kay Captain Louis, "Ikaw na muna ang magbuhat sa kaniya, maging alisto kayo." Mahinang utos ni Hain kay Captain Louis, tumango naman sa kaniya si Captain Louis.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now