CHAPTER 24

853 67 6
                                    

HAIN POV.

habang abala ako sa pagguhit ng mga bagong sandata na ipapagawa ko, narinig ko ang pagbukas nung pinto ng silid ko.

"Hain." Tawag sa akin, kilala ko na kung sino tumawag sa akin dahil kilalang kilala ko na ang boses niya, si Taiya.

Napatingin ako sa gawi niya, "Anong ginagawa mo dito? Diba binilin ko kanina na magpahinga na muna kayo." Sabi ko sa kaniya.

"Nakapag-pahinga na ako kaya pumunta na ako dito." Tugon niya sa akin.

"Dala ko nga pala ang invitation mo para sa darating na selebrasyon sa palasyo." Sabi niya at binigay sa akin ang invitation card.

"Sila Leary, tiyak ako na meron din silang ganito." Sabi ko habang nakatingin sa invitation card na binigay niya sa akin.

"Tama ka, inaasikaso sila ni Bree." Sabi niya.

"Kailan 'to magaganap?" Tanong ko sa kaniya.

"Dalawang araw nalang." Sagot niya na kinatingin ko kaagad sa kaniya.

"Huh? May dalawang araw lang ako para maghanda?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo, pasensya na ngayon ko lang nasabi at nabigay."

"Ayos lang, may ginagawa ka naman kasi kaya ayos lang. Makakadalo pa naman kami dun, may dalawang araw pa." Sabi ko sa kaniya.

"Hindi niyo na kailangan problemahin ng Prinsipe ang inyong susuotin, marami ng nakahandan sa boutique na pagpipiliin niyo nalang dalawa." Sabi niya sa akin na kinatuwa ko naman.

"Maasahan ka talaga, Taiya." Puri ko sa kaniya sa aking isipan.

"Maraming salamat." Pasalamat ko sa kaniya.

"Walang anuman, Hain."

"Hain." Banggit niya sa pangalan ko.

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya.

"Tungkol nga pala dun sa ginawa ni Linus, ako na humihingi ng paumahin para sa kaniya." Sabi niya sa akin at yumuko.

"Umayos ka Taiya, ayos lang sa akin." Sabi ko sa kaniya na nakangiti.

"Pero yung ginawa n–"

"Wala yun sa akin, 'di mo kailangan problemahin pa yun." Pagputol ko sa kaniyang sinasabi.

"Maraming salamat, Hain." Pasalamat niya sa akin.

"Tutal nandito ka na, gusto ko hawakan mo ang pagpapatakbo ng bagong negosyo natin." Sabi ko sa kaniya at nilabas ko ang makapal na sketch design ko para sa mga dyamante.

"Bagong negosyo?" Takang tanong niya.

Inabot ko sa kaniya ang mga sketch na ginawa ko, " Oo, diamond's accessories and jewelry." Sagot ko sa kaniya.

"Ha? Saan naman tayo kukuha ng dyamante? Mahal kapag bibili tayo." Sabi niya sa akin.

Hindi ba sinabi ni Linus sa kaniya? 'di bale na nga lang hays.

"May pagkukunan tayo, hindi na natin kailangan bumili o gumastos sa pagbili ng dyamante." Sagot ko sa tanong niya.

"Saan naman?" Tanong niya.

"Sa inambandona niyong lupain na kasalukuyang inaasikaso at pinapatayuan ng bahay na gagamitin ko dun." Sabi ko sa kaniya.

"Maiiwan sa pangangalaga ko ang lupain na yun at dun tayo kukuha ng dyamante, Taiya." Paliwanag ko sa kaniya kahit na maikli lang.

Hindi naman siya naniniwala na nakatingin sa akin, "bakit ganiyan ka makatingin sa akin?" Tanong ko sa kaniya.

"Paanong may dyamante sa lupain na yun, Hain? Wala naman kaming nababalitaan na may dyamante doon." Tanong niya rin sa akin.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now