CHAPTER 18

942 73 2
                                    





Pagbalik si Taiya sa mansion ni Hain na nasa centro sinalubong siya ni Leary na may ngiti at niyakap pa niya ito.

"Ate Taiya kamusta? Limang araw na po ang lumipas na hindi po kita nakikita, si Ate Hain po kamusta?" Pangangamusta ni Leary sa kaniya at sa kaniyang nakakatandang Ate na si Hain.

"Ayos lang ako Kamahalan, ganun din si Prinsesa Hain." Pormal na pagsagot ni Taiya kay Leary.

"Leary nalang ang itawag mo sa akin Ate. Hindi mo naman maging pormal sa akin, hindi ka naman po iba sa amin kaya tawag mo na lamang ako sa aking pangalan." Sabi ni Leary sa kaniya at saka ito ngumiti.

"Ayos lang po ba? Hindi ba parang wala akong galang nun? Lalo na, na isa ka pong Prinsesa ng kaharian."

"Prinsesang walang halaga sa kaharian." Sarkastik na wika ni Leary.

"Hindi po totoo, malaki po ang tulong niyo sa amin." Pagsalungat si Taiya sa kaniya.

"Si Ate Hain lang." Sabi ni Leary na nagpatigil kay Taiya.

Naging tahimik naman ang paligid nila dahil hindi alam ni Taiya kung ano ang dapat niyang sabihin kay Leary.

"Kailan ba babalik si Ate?" Biglang tanong ni Leary sa kaniya.

"Hindi ko po alam dahil napaka raming inaayos sa bayan ng Serevo." Sagot ni Taiya sa kaniya.

"Kung ganun matatagalan ang pamamalagi ni Ate doon?"

"Opo,"

"Pero kung talaga na nais niyo ng makasama at makita si Prinsesa Hain, maaari niyo naman po siyang puntahan doon......sasabihan ko siya kung pupunta kayo." Sabi ni Taiya at pilit na ngumiti kay Leary.

"Patawad Prinsesa Leary, nais kong manatili si Hain sa bayan namin para maputol ang paghihirap ng mga tao sa bayan namin.....siya lang makakatulong sa amin." Sabi ni Taiya sa kaniyang isipan.

"Pagkatapos ng magaganap na selebrasyon sa palasyo pupunta kami sa bayan, sabihan mo si Ate tungkol dito." Utos sa kaniya ni Leary.

Tumango naman si Taiya sa kaniya, "Masusunod po."

"Salamat Ate Taiya, babalik ka na ba niyan doon sa bayan ng Serevo?"

"Opo, babalik na po ako dahil may pinapagawa po sa akin ang Ate mo." Sagot ni Taiya sa kaniya.

"Sige, mag-iingat ka sa inyong paglalakbay."

"Salamat, ingatan niyo rin po ang inyong nga sarili at kung may kailangan po kayo magsabi lang po kayo kila Varin." Bilin ni Taiya sa kaniya, tumango naman si Leary sa kaniya at ngumiti.

Ngumiti naman pabalik si Taiya kay Leary, "Aalis na po, paalam po." Paalam ni Taiya kay Leary at umalis na.

Pagkaalis ni Taiya sa mansion nila Hain dumating naman sa kinaroroonan ni Leary si Bree.

"Leary, dalawang araw nalang ang magaganap na selebrasyon sa palasyo. Hindi pa ba kayo magsusukat ng susuotin niyo?" Paalala ni Bree kay Leary.

"Yung tatlong batang makukulit, maayos na ba sila? Mamili tayo ngayon." Tanong ni Leary sa kaniya.

"Maayos na sila, nasa kwarto sila naglalaro." Sagot ni Bree kay Leary.

"Sabihan mo sila na aalis tayo para mamili ng susuotin." Utos ni Leary sa kaniya.

Panandaliang yumuko si Bree kay Leary at umalis na para punta ang tatlong  kambal.










HAIN POV.

"Mama, ah ka po." Sabi sa akin ni Levan habang hawak hawak niya ang isang tinapay na nakangangang nakatingin sa akin.

Binuka ko naman ang aking bibig at kumugat ng kunti sa binigay niyang tinapay.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now