CHAPTER 3

1.3K 80 3
                                    

KINABUKASAN

kasalukuyan akong tumatakbo ngayon pa ikot ng mansyon, naka sampung ikot palang ako ramdam ko na kaagad ang pagod, siguro dahil hindi masyadong na exercise ang katawan na ito.

Hingal na hingal akong huminto sa harap ng mansyon, inabutan naman ako ni Bree ng panyo pangpunas kaya kinuha ito at pinunasan ang pawis kong mukha.

"Hahh"

"Tulog pa rin ba si Leary?" Tanong ko kay Bree.

"Gising na po, kasalukuyan po siyang nasa dining room kumakain ng agahan na iyong hinanda Hain." Sabi ni Bree pero may panggalang pa rin sa kaniyang tono.

"Mabuti" maaga ako nagising kanina kaya naghanda ako ng pang agahan namin at para hindi sayang ang oras nag-exercise ako para sanayin ang katawang ito ng hindi madaling mapagod.

Nang maramdaman ko na kaya ko na ulit na tumakbo tumingin ako kay Bree, "Tatakbo ulit ako." Paalam ko sa kaniya.

Hindi ko na hinintay ang magiging respond niya pero, "Hain, magpahinga ka naman!" Rinig ko naman ang malakas niyang sigaw sa akin.

Napatawa nalang ako sa kaniya dahil hindi naman niya ako mapipigilan, hanggat may oras dapat hindi ko sinasayang dahil hindi ko pa alam kung ano ang magiging takbo ng buhay ko dito sa mundong ito. Kailangan ko maging malakas kahit na nanatili pa rin sa akin ang mga alaala ni Hain hindi pa rin magiging sapat sa akin ang kaalaman niya kung kulang naman ako sa pisikal na lakas at kakayahan.

Patuloy umaandar ang oras kaya hindi ko dapat sayangin ang bawat minuto, oras kung may improvement naman kahit kunti.

Hindi ko na namalayan kung nakailang ikot na ako hanggang sa tumatakbo na si Leary palapit sa direksyon ko kaya dahan dahan akong huminto sa harap niya.

"Oh Leary, tapos ka na bang kainin ang agahan mo?" Tanong ko sa kaniya pero nagtataka naman ako ng sinusuri niya ang katawan ko.

Nakasuot ako ng medyo maluwag na plain white pulo at naka high waist pantaloon and ordinary shoes na medyo may kataas ng kunti ang tela dahil ito lang ang ordinary na meron sila dito.

"Ate, sabi ni Ate Bree kanina ka pa daw paikot ikot na tumatakbo sa buong South Mansion. "May pagka seryosong usal ni Leary sa akin.

"Oh bakit naman? Anong problema dun?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi mo naman gawain yan eh." Sagot naman niya sa akin.

Ngumiti naman ako sa kaniya, "Gusto kong maging malakas, Leary." Sabi ko sa kaniya.

"Para saan naman Ate? May naging kaaway ka ba kahapon kaya gusto mo na maging malakas ngayon?" Takang tanong niya naman sa akin.

"Wala." Sagot ko sa kaniya.

"Wala naman pala eh, bakit gust-"

"Dahil walang magtatagol at poprotekta sa atin Leary, hindi natin maaasahan sila Ama, Ina o maging ang mga nakakatanda nating kapatid." Pagputol ko sa kaniyang sasabihin.

"Darating dito sa South Mansion ang dalawa nating kapatid na kapwa ring gaya natin na sinantabi ng ating magulang, mas mahalaga sa kanila ang mga lalaki nilang anak kesa sa ating mga babae nilang anak. Para masigurado ko na magiging maayos at ligtas kayong tatlo kailangan kong magiging malakas." Dugtong ko, batid kong malalim ang iisipin ni Leary sa sinabi ko kaya hindi na ako nagtataka na wala siya sa kaniyang sarili ngayon sa harap ko.

"Pero minamaliit lang tayong mga kababaihan." Mahina niyang usal ngunit dinig ko pa rin

"Ehh ano naman? Hanggang may dahilan ako para maging malakas at patuloy na gugustuhing lumakas isasantabi ko ang mapang kutyang tingin ng lahat at pagpatuloy, eka nga ng iba daig pa ng matiyagang tao ang mga taong nakakaangat sa buhay." Nakangiting sabi ko sa kaniya at hinawakan ang ulo niya at saka ko dahan dahang hinimas ito.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now