CHAPTER 34

774 56 2
                                    




THIRD PERSON POV.

"H-Haring Kirus Nacario?" Gulat na bigkas ng Hari dahil sa pagdating ng taong hindi nila inaasahang dumating.

Panandalian namang tumingin ang si Haring Kirus sa paligi, "Huling huli na pala kami, paumanhin napakalayo kasi ng aming nilakbay patungo rito." Sabi nito sa Ama nila Hain.

"A-Ayos lang"

Bago tumugon ang ama ni Hain yumuko na muna ito kay Haring Kirus bilang paggalang, "Pagbati, isang karalangan na nakadalo ang Hari ng pinaka makapangyarihan na kaharian sa lahat." Paggalang nito Hari, nakisama narin ang Reyna at Prinsesa samantalang gulong gulo naman ang mga bata sa nangyayari pati na si Princess Hale.

"Isang karangalan din na makatanggap ng imbitasyon mula sa inyo, binigyan niyo ako ng pagkatataong makita ang importanteng tao." Saad ng Haring Kirus sa ama nila Hain.

"Sino po ba ang taong yan, Mahal na Hari? Tila napaka mahalaga niya dahil kayo pa mismo ang personal na pumunta upang makita siya." Tanong ni Prinsipe Arzen Cutillar sa kaniya.

Napatingin naman ang Haring Kirus sa gawi ni Hain, "Si Princess Hain, kay tagal na niyang hindi bumibisita sa aming kaharian kaya pati ang aking asawa sabik na makita siya." Nakangiting sagot ng Hari sa Prinsipe.

Hindi naman makapaniwalang napatingin ang lahat kay Princess Hain.

"K-Kilala mo pala ang aming anak Haring Kirus?" Nautal pang tanong ng ama ni Hain.

"Oo naman, si Hain ay kinikilala ko na ring anak.....isang mahabang kwento kung paano namin siya nakilala ngunit labis labis ang aking pasasalamat dahil pinagtagpo ang aming landas." Sagot ng Hari sa kaniya na hindi pa rin naaalis ang ngiti sa kaniyang labi.

"Ang pagdating ng Reyna kasama ang dalawang Prinsesa ng kahariang Revilloza." Sigaw ng taga anunsyo ng dumadating na panauhin.

"Ohh nandito na pala ang aking asawa at ang dalawa kong munting Prinsesa." Sabi ng Hari habang nakatingin sa asawa't anak niya na pumasok at patungo na sa kanilang pwesto.

Gulat naman ang makikita sa mukha ng dalawa Prinsesa ng makita nila si Princess Hain.

"Ate Dev!" Sigaw ng dalawang Prinsesa at patakbong lumapit kay Hain.

Masaya namang sinalubong ni Hain ang dalawang Prinsesa ni Haring Kirus.

"Sa wakas na kita ka namin muli Ate Dev, bakit hindi ka na po bumibisita sa kaharian." Masaya nitong usal ngunit nagtatampo naman ang ekpresyon ng isang Prinsesa na nakatingin kay Hain.

"Kaya nga Ate Dev, alam mo po bang lagi ka po namin hinihintay na dumating." Nagtatampo ring saad ng isang Prinsesa.

Hinawakan naman pareho ni Hain ang pisnge ng dalawang Prinsesa.

"Rena at Kira, pasensya na kung hindi nakakabisiti si Ate Dev, naparami kasing ginagawa si Ate Dev dito kaya hindi ko nagagawang makadalaw sa inyo." Sabi ni Hain sa dalawa gamit ang malambing nitong boses.

"Kailan po matatapos?" Tanong ng isa kay Hain.

"Kapag maayos at tapos na ang siguro pero susubukan kong bumisita kapag wala masyadong ginagawa." Nakangiting sagot ni Hain.

"Pwede po ba na dito nalang kami ni Rena?" Tanong ng isang Prinsesa na tinawag ni Hain na Kira.

"Rena, Kira. Kung dito kayo baka makaabal pa kayo sa Ate Dev niyo sa kaniyang ginagawa." Sabi ng Reyna sa dalawa niyang anak, naging malungkot naman ang dalawang Prinsesa sa sinabi ng kanilang ina sa kanila.

Umayos ng tayo si Hain at nakangiting tumingin sa Reyna, "Kamusta po, M-Reyna Rona?" Nautal pang tanong ni Hain sa Reyna.

Niyakap siya ng Reyna, "Ikaw ang dapat kung tanongin niyan, kamusta ka dito Dev? At ayos lang kung tawagin mo 'kong Mama Rona dito." Sabi ng Reyna sa kaniya habang magkayakap silang dalawa.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now