CHAPTER 28

783 53 3
                                    


Pagkatapos kong ayusan si Tomas at ang anak kong si Levan.

Nagulat naman ako ng makita kong pumasok sa silid namin ang Reyna.

"Sabi niya ipapatawag niya nalang kami, bakit nandito siya ngayon?" Tanong ko sa isip ko lang.

"Handa na ba kayo?" Tanong niya sa akin.

Kakain lang naman, bakit paghandaan pa? Gaano ba ka espesyal ang mga anak niyang Prinsipe para mag-ayos pa kami ng ganito.

"Handa na po kami." Sagot ko sa kaniya.

"Tara na, nandun na sila." Sabi niya sa akin.

Bubuhatin ko sana si Levan kaso naunahan ako ni Duke Marvis na kargahin siya.

"Ako na magkarga sa kaniya." Sabi niya sa akin, mukhang good mood ang Duke ah. Ano meron?

Napatingin nalang ako kay Tomas at hinahawakan ang kamay niya bago tumingin ulit sa Reyna, "Sunod nalang kami sa 'yo." Ani ko sa Reyna.

Tumango siya sa amin at nauna ng magkalad kaya sumunod kami sa kaniya.

"Parang gusto ko nalang sa kwarto tayo kumain, Papa." Rinig kong sabi ni Levan kay Duke Marvis.

Talagang sinanay na niya tawagin ang Duke na Papa ah.

"Ngunit inaasahan na nilang sasabay tayo sa kanila." Sabi sa kaniya ng Duke.

"Pa'no po kapag inaway nila si Mama."

"Hindi mangyayari, tutulongan natin siya kapag inaway nila Mama mo." Sabi ng Duke kay Levan.

"Huwag kang mag-alala, munti kong Prinsipe. Hindi nila kakayanin si Mama at hindi nila gugustuhing kalabanin ako." Pabulong na ani ko kay Levan at ngumiti.

Ngumiti naman siya pabalik sa akin.

"Nandito na tayo." Sabi ng Reyna at binuksan ng kawal ang pinto ng dinning room kaya pumasok na kami sa pintuan kasunod ng Reyna.

Pagkapasok namin nakita namin na ang Hari at ang limang Prinsipe na nakaupo sa kanilang kaniya kaniyang upuan.

Limang Prinsipe? Sa pagkaalam ko at bae sa memorya ni Hain, Anim ang Prinsipe.

Isa isa ko namang tinignan ang mukha ng mga Prinsipe at hindi ko nakita si Sonnet, bakit wala siya dito?

"Nasa mansyon ko ba siya ngayon kaya wala siya dito?" Tanong ko sa isip

"Mauna na kayo." Sabi ng Hari sa amin at tinuro ang apat na upuan na nasa kanang.

Lumapit naman kami dun at una naming pinaupo ang dalawang bata bago kami umupo ng Duke.

Nang makaupo na kami hindi naman nakatakas sa akin ang pananuring tingin sa amin ng ilang Prinsipe na ngayon ko lang nakita.

"Naalala mo pa ba ang tatlo mo bang kapatid na lalaki, Hain?" Tanong sa akin ng Hari.

"Hindi na." Agad kong sagot sa Hari.

"A-Ah, magpakilala kayo sa kapatid ninyong babae." Utos niya sa tatlong tabi nila Exion at Easton

"Ako si Arzen Cutillar, 20 years old. Pakilala nung isa sa amin."

"Tsk, ako naman si Aidreniel Cutillar,  19 years old." Pakilala nung sumunod, hindi ko gusto ang ugali nitong isa.

"Niel umayos ka." Saway ni Easton sa kaniya.

"Ayos lang." Sabi ko kay Easton.

"Ako naman po si Azanch Cutillar Ate Hain,  7 years old na po ako." Magalang na pakilala sa akin ng huli.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now