CHAPTER 55

497 38 3
                                    


HAIN POV.

Pagkapasok namin sa tahanan ng tatlong lalaki na tumulong sa amin kanina, napansin ko na isang ordinaryong bahay ang mayroon sila.

"Upo na muna kayo, pasensya na kayo sa bahay namin ito lang ang kinaya namin." Sabi sa amin ng lalaking tumulong sa amin kanina sa labas ng Ganhera Empire.

Tinuro naman sa amin ng isang lalaki ang isang pwesto kung saan ang lamesa at upuan.

"Tinapay, prutas at inumin lang maialok namin sa inyo, wala kaming mamahalin na pagkain na nandito." Sabi niya sa amin at nilapag ang pagkain.

"Ayos lang po, sapat na ito sa amin. Salamat." Pasalamat ko sa kaniya.

"Ako nga pala si Albert, nakalimutan ko magpakilala kanina." Pakilala niya sa kaniyang sarili sa amin.

"Yung dalawang kasama ko kanina, sina Alex at Samuel, kapatid ko sila." Pakilala niya rin sa amin sa dalawang niyang kasama.

Magkakapatid pala sila kaya pala nakikitaan ko sila na magkamukha.

"Ako naman po si Gab at ito naman po si Kiro." Pakilala ko sa aming sarili sa kaniya.

Maya-maya lang ay dumating ang dalawa na may dala-dalang baso at nilapag ito sa lamesa, kumuha sila ng upuan at umupo kasabay namin habang yung isa ay parang may kukunin yata.

"Anong pinunta niyo dito?" Tanong sa amin ng isa niyang kapatid.

"Ah! ako pala ako si Alex." Banggit nito sa kaniyang pangalan.

"Kakausapin namin ang Emperor niyo dito." Sagot ko sa kaniya na kinagulat niya.

"Hindi basta-basta ang gagawin mo!" Gulat na sabi niya sa akin.

"Alam ko naman po yun, may plano na po kami kung papaano namin kakausapin ang emperor niyo rito." Sabi ko sa kaniya.

"Sumagi naman ba sa isip niyo na maaaring hindi kayo palalagpasin ng emperor namin kung sakali na pumalpak kayo?" Tanong sa amin nung Albert.

"Sumagi na po sa aking isipan ang ganun kaya naman talagang umiisip ako talaga ako ng plano." Sagot ko sa naman sa kaniya.

"Teka....parang." Rinig naming sabi nung isa habang may hawak hawak na isang dyaryo, tumingin siya sa akin at tumingin muli sa kaniya sa kaniyang hawak.

Nakailang beses pang palipat-lipat ang kaniyang tingin sa akin at sa hawak niya na pinagtataka ko ng husto.

"Ano ba yan, Samuel? Kanina ka pa palipat-lipat ng tingin sa bisita natin at diyan sa binabasa mo. Ano ba yan?" Reklamo ni Alex sa kanilang kapatid kaya tumayo ito at inagaw sa kamay ang dyaryo na hawak ni Samuel.

Nung makita ni Alex ang tinitignan ni Samuel sa dyaryo napatingin din siya sa akin.

"Kamukha mo ang Prinsesa ng Revilloza Empire." Sabi nito habang nakatingin sa akin.

"Ha? Ano bang pinagsasabi mo Alex? Patingin nga." Pag-agaw naman ni Albert sa dyaryo.

"Kamukha niya nga." Sabi ni Samuel habang nakatingin pa sa akin.

Gulat namang napatingin sa akin si Albert, "Ikaw ba si Princess Eve?" Tanong niya sa akin.

May kumakalat yata na dyaryo na may mukha ko pa talaga, pa'no na 'to

Napabuntong-hininga na muna ako bago ko sila harapin tatlo, "Ako nga." Sagot ko na kinasinghap nilang tatlo sa gulat.

"Pa-Pa'no? Medyo may kalayuan ang hitsura mo dito pero kung susuriin ng maayos at titigan ng mabuti magkamukha talaga." Tanong sa akin ni Alex.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now