CHAPTER 47

858 52 8
                                    


HAIN POV.

Pagkapsok namin sa loob ng bahay na dati naming tinutuloyan sunod ko namang pinasok ang silid na nagsisiling opisina ko dito sa bahay na ito, ramdam ko naman ng presensya ng duke na nakasunod sa akin kaya hindi na ako nag-abala na tignan siya sa aking likuran.

Pagkapasok namin sa silid kaagad akong nagtungo sa lamesa ko sa umupo na, nakita ko namang umupo rin si Duke Marvis sa isang upuan.

Pgkaupo ko kaagad kong nilipag ang mg papel na binigay sa akin ni Taiya at mukhang may liham dahil may mga naka sobra pa na hindi na bubuksan.

"Pag-uusapan ba natin ang patungkol sa Dorpeza?" panimulang tanong sa akin ng Duke.

Balak kong itanong sa kaniya ang tungkol dun ngunit may kailangan kaming pag-usapan bukod pa dun.

Nag-utos na ako na magbabantay sa anak ko at sa mga kapatid ko kaya hindi na ako masyadong nag-aalala lalo na't nasa pangangalaga naman sila nila Ama't Ina, nakakatiyak ako na hindi nila sila pababayaan.

Unahin ko na muna ang pinaka importante sa lahat bago ang isang suliran at mga bagay na kailangan gawin.

"Hindi na muna yun ang pag-uusapan natin ngayon." sabi ko sa kaniya at pinag-bukod ko ang mga naka sobre sa mga dokumento na binigay sa akin ni Taiya.

"Mga liham? kanino nanggaling ang mga iyan?" tanong sa akin ng Duke kaya napatingin ako sa kaniya na naka kunot ang noo ngunit panandalian lamang.

May lahi rin palang pagka-chismoso ang Duke nito, wala man lang nakapag-sabi sa akin.

"Hindi ko rin alam, titignan ko palang....tulongan mo ak-" hindi natapos ang sasabihin ko ng bigla niyang kunin ang isang sobre kaya takang-taka akong nakatingin sa kaniya.

hindi naman halata na mas excited siya kumpara sa akin noh?

Para sa akin ang sobre na yun eh.

"Oh sino?" tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa kaniya na binabasa ang nilalaman ng sobre na isa nga talagang sulat.

Napataas naman ang kilay ko nung huminga ng maluwag, mukhang pabor sa kaniya ang laman ng sulat ah?

"Galing kay Princess Zahari, ang iyong pinsan." sagot niya sa tanong ko.

"Princess Zahari?" tanong ko sa aking isipan, bigla naman ko naman naalala ang alaala ni Hain kasama ang Prinsesang binanggit ni Duke.

Nagkausap sila noon ni Hain sa unibersidad na pinagawa niya dahil isa sa mga nais pumasok sa Eve University ang pinsan niya kaya nagkaroon sila ng kunting pag-uusap.

"Anong sabi niya sa liham?" sunod kong tanong sa kaniya.

"Nakikiusap siya na tulongan mo sila sa darating na digmaan, kinakailangan nila ang tulong mo para maipanalo ang digmaan at para na din sa kanilang mamamayan dahil kapag natalo sila napaka laki ng tyansa na mahihirapan ang mga mamamayan nila sa kamay ng kalabang kaharian." pagkukwento niya sa akin ng nilalaman nang sulat na galing kay Princess Zahari.

Hindi ko akalain na sa ganitong paraan nila ako idadaan para pumayag.

"Tsk! Ginamit pa talaga nila si Princess Zahari para pumayag lang ako sa kagustuhan nila." asik ko at sinandal ang aking likod sa upuan ko.

"Hindi mo ba talaga sila tutulongan? maaapektuhan din ang kaharian na ito dahil magkatabi lang ang kaharian niyo sa kaharian nila." sabi ni Duke Marvis sa akin.

Alam ko naman yun, sadyang sinusubukan ko lang sila. Gusto ko makita nila ang kapabayaan nila at kakulangan nila bilang pinuno pero ano nangyari? Hindi ko nga nababalitaan na humingi ng pasensya ang mga yun o umaminin man lang ng kapabayaan nila lalo na ang magaling kong totoong Ama.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now