CHAPTER 61

546 49 6
                                    


Lahat ng hukbo na mayroon ang Algunas Empire kasama ang hukbo ng Zalco Empire ay handang-handa na para sa gagawin nilang paglusob.

Kasama sa mga nagunguna sa unahan ang mga kasamang knights ni Princess Hain dahil pinili sila sa tatlong pinili na manguna sa paglusob.

"Isang kahibangan talaga na manguna ang Captain mula sa Ganhera Empire, Satun." Reklamo ng isang Captain din na kasama ni Captain Satun habang nasa harapan nila ang hari ng Algunas Empire.

"Hindi isang kahibangan ang ideya ko na ilagay sila sa harapan kundi isang taktika na pangpain sa kalaban natin at pangprotekta narin sa ating Hari." Tugon ni Captain Satun.

"Hindi ba't tungkulin natin ang protektahan ang Hari? Kaya nga dapat tayo ang nasa pwesto nila ngayon."

"Nasaan ba ang utak mo ha?!"

"Mas maprotektahan natin ang Hari kung nasa likuran niya tayo at nasa harapan ang mahihina." Singhal ni Captain Satun sa kaniya dahilan upang patingin sa kanila ang Hari ng Algunas Empire.

"Manahimik kayo, hindi ito ang araw para magtalo kayong dalawa." Suway nito sa kanila kaya naman napatigil at umayos ang dalawa.

"Hindi ko sasang-ayunan ang ideya ni Captain Satun kung hindi ko ito nagustuhan, nararapat lang na nasa harap ang mahihina upang pangpain sa kalaban." Ani naman ng Hari ng Algunas Empire habang nakangisi at may pananabik na ekspresyon.

Dahil sa sinabi niya hindi na muli pang nagtalo ang dalawa at binigyan na lamang ni Captain Satun ng isang ngiting mapagmataas sa isang Captain na kausap niya, palihim namang nagtitimpi sa inis ang isang Captain dahil sa sinabi sa kaniya ni Captain Satun.

Malakas ang kumpyansa ni Haring Arturo na sila ang mananalo sa biglaang paglusob nila dahil sa pagkakaalam niya ay hindi pa masyadong kumikilos ang Eligarco Empire.

Maya-maya lang ay huminto ang lahat dahil nakikita na nila ang malaking tarangkahan ng Eligarco Empire ngunit labis ang pagtataka nila dahil may mga kawal na nakabantay sa labas.

"Akala ko ba hindi ba wala masyadong bantay sa tarangkahan nila?" May halos pagkainis na tanong niya kay Captain Satun.

"Kunti lang sila Mahal na Hari, hindi tayo mahihirapan sa pagsugod sa kanila dahil meron namang mga knights natin na nasa harapan." Wika ni Captain Satun sa Hari habang nakatingin pa sa pwesto nila Princess Hain.

Napangiti naman ang Hari ng Algunas Empire sa sinabi sa kaniya ni Captain Satun.

"Su—" Hindi pa man natatapos ang gagawing pag-utos ni Haring Arturo ng biglang tinaas ni Princess Hain ang kaniyang espada pati na ang mga kawal na kasama niya at nagsimula ng pinatakbo ng mabilis ang kaniyang kabayo kasama ang iilan lang na kawal galing sa Ganhera Empire.

Lahat ay nagtataka ngunit kalaunan ay napalitan ng pagkagulat dahil sa ginawang pagpapaputok sa itaas ng mga taga boriyan.

Paputok na isang malaking hudyat na sisimulan na ang ginawang plano ni Princess Hain.





PRINCESS HAIN POV.

Pagkatapos naming makalayo sa mga hukbo ng Algunas Empire habang nakataas ang aming espada, nung medyo malapit na kami sa tarangkahan ng Eligarco Empire nagsimula na magpaputok sa itaas, sunod-sunod ang paputok dahil sinundan ito ng ibang knights ng boriyan na nilagay sa iba't ibang lupain.

"Dumaretso kayo sa loob, wag kayong mag-alala walang mangyayari sa inyong masama." Utos ko sa kanila, tumango naman sa akin Nul pati na ang iba, mas pinabilis pa nila ang pagtakbo sa kabayo nilang sakay papasok sa loob ng Eligarco Empire.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now