CHAPTER 52

566 35 5
                                    


"Saru, sina Diruz na ang magbabantay." Ani ng isang tagapagbantay ng tarangkahan sa labas ng boriyan.

"Ah oras na ba nila?" Tanong nito sa kaniya.

"Oo, hindi ko nga napansin, sinabihan lang nila ako na sila na daw ang magbabantay." Sagot naman niya.

"Oh sige tara, papuntahin mo muna sila dito bago tayo umalis."

"Sige, sandali lang." Umalis na ang kasama nung nagbabantay sa labas ng tarangkahan para tawagin ang papalit sa kanilang dalawa sa labas.

Maya-maya lang ay dumating na sila ngunit napansin nung isang nagbabantay na may isang mabilis na kabayong paparating, hindi niya maaninagan ang nakasakay ngunit mga ilang sandali lang ay nakilala niya ang nagpapatakbo ng kabayo.

"Buksan ang tarangkahan! Buksan ang tarangkahan!" Sigaw nito kaya nagulat naman sa kaniya ang tatlo na halos kakarating lang.

"Anong meron, Saru? Bakit mo pinapabukas ang tarangkahan?" Tanong sa kaniya ng kasama niya

"Paparating si Captain Yenari." Ani 'ya at tinuro ang lokasyon ni Captain Yenari na paparating.

Nagulat naman ang lahat ng makita nila kaya sabay-sabay silang tumabi sa isang gilid.

"Magmadali! Buksan ang tarangkahan!"

"Buksan ang tarangkahan!" Sabay nilang apat na sigaw

Ang pagbukas ng tarangkahan ay siya namang pagpasok sa loob ni Captain Yenari.

"Nakakaba!" Ani ng isang kasama nila na para bang nakahugot na ng hininga.

"Muntik na yun, buti nasabi mo kaagad Saru."

"Anong meron? Bakit nagmamadali si Captain Yenari?" Tanong naman ng isa habang nakatingin sa loob.

"Baka may inutos si Master Veo sa kaniya, 'di ba siya ang nagbabantay ngayon kay Master?" Sagot naman ng isang kasama nila.

"Kalat sa buong bayan natin na tutulong si Master Veo sa digmaan, kaya abala ang lahat."

"Bakit pa kasi tutulong si Master sa digmaan? Wala namang ginawang tama ang empire na 'to sa atin." Reklamo ng isang kaya inis naman siyang pinagsasapok ng tatlo.

"Lumulutang ba ang utak mo ha?"

"Kung hindi tutulong si Master, edi damay tayo kung sakali na matalo ang mga Hari sa digmaan."

"Haiss! Kayo na ngang dalawa diyan magbantay, tapos na oras namin.....kayo naman" Sabi ni Saru sa dalawang papalit sa kanila ng kasama niya.

"Akala mo naman wala pa silang gagawin, mag-eensayo pa kayo hoy!" Pagpaparinig sa kaniya ng isang papalit sa kanila.

Parehas namang napabagsak ng balikat ang dalawa.

"Hahahaha! Sige na doon na kayo, kami na dito." Sabi ni Diruz sa dalawang pinalitan nila at tinulak pa ang mga ito paaalis sa pwesto nila.

Pagkaalis ng dalawa pumuwesto naman ang dalawa sa dapat nilang pwestuhan.

"Diruz, sa tingin mo makakasama kaya tayo sa digmaan?" Tanong sa kaniya ng kasama niya.

"Hindi ko lang alam kung makakasama tayo, bakit? Ayaw mo ba lumaban?" Sagot at tanong niya sa kaniyang kasama.

"Anong ayaw?! Gusto ko kaya! Ang tagal-tagal ko ng nagsasanay para lumakas, gusto ko naman subukan sarili ko sa digmaan." Ani nito sa kaniya na may halong determinasyon.

"Wala akong ideya kung makakasama tayo dahil tiyak naman ako na ang mga Commander's at Captain's ang makakasama ni Master Veo, at alam mo naman kung gaano ka grabe ang mga yun kaya siguro sapat na sila sa isasabak ni Master sa darating na digmaan." Salaysay niya sa kaniyang kasama.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now