CHAPTER 38

734 49 0
                                    


THIRD PERSON POV.

Pagkapasok ng karwahe sa loob ng gate nang mansyon ni Hain, huminto ang nagpapaandar ng karwahe at pinabuksan sila.

"Nand–" hindi tapos ang sasabihin nito ng makita niyang binabalaan siya ng Duke na huwag maingay, inayos na lamang niya ang pagkakabukas ng pinto para maayos makalabas ang Duke na karga karga si Hain.

Pagkababa ni Duke sa karwahe maraming maids na nasilaban para salubongin sila, walang sinuman ang nagtangkang magsalita nang makita nilang tulog na tulog ang Prinsesang pinagsisilbihan nilang lahat.

Lumapit si Bree sa Duke, "Ipasok niyo nalang po siya sa kaniyang silid." Pabulong na sabi ni Bree sa Duke.

Tumango naman sa kaniya ang Duke kaya pinangunahan na Bree ang paglalakad para ituro sa Duke ang silid ni Hain.

Pagkarating nila sa itaas at sa kwarto ni Hain, pinagbuksan ni Bree ng pinto ang Duke para makapasok sila sa loob ng silid ni Hain.

Pagkapasok sa loob ng Duke sa silid ni Hain, kaagad niyang hiniga ito sa kaniyang higaan at hinalikan sa noo.

"Salamat sa paghatid sa kaniya ng ligtas, Duke." Pasalamat ni Bree sa Duke.

"Hindi mo kailangan magpasalamat sa akin dahil kusa ko siyang ginusto na ihatid." Sabi ng Duke kay Bree.

"Oo nga pala, may dumating po dito na hinahanap ka......kanina pa po siya naghihintay sayo." Sabi ni Bree sa Duke.

"Sino?" Tanong ng Duke pero na kay Hain ang kaniyang atensiyon dahil inaayos nito ang buhok ni Hain na nakasagabal sa mukha niya at kinumutan na rin.

"Siya daw po si Gavin, ang tapat niyong butler." Sagot ni Bree sa kaniya.

Napatingin naman ang Duke kay Bree, "Nasaan siya?"

"Nasa baba po, hindi niyo po yata siya napansin kanina pagkapasok niyo."

Bago lumabas ang Duke sa silid ni Hain, hinalikan niya muna ulit si Hain sa noo.

Bumaba ang Duke para makita ang butler niyang si Gavin, pagkababa niya nakita niya ito kaagad na nakaupo lang sa upuan.

Napatayo si butler Gavin nang makita niya si Duke Marvis, "Your Grace, masaya akong makita kayong ligtas." Sabi niya sa Duke.

Sininyasan naman siya ng Duke na umupo kaya umupo siya ay umupo rin ang Duke.

"Wala sana ako ngayon kung hindi ako niligtas ng Prinsesa." Sabi naman ng Duke sa kaniyang butler.

"Kung ganun tama nga ang sinabi ni Haring Kirus sa amin na tinutuloyan nga kayo ng Prinsesa." Sabi sa kaniya ng kaniyang butler.

Napangiti nalang lamang ang Duke sa kaniyang narinig, "Tama ka."

"Kamusta ang Dukedom?" Tanong ng Duke.

"Maayos na, Your Grace. Inayos na lahat ni Haring Kirus." Sagot ng kaniyang butler.

"Si Marko?"

"Nasa sariling kulongan ng Dukedom, maraming nagbabantay sa kaniya doon para matiyak na hindi siya makakatakas."

Tumayo ang Duke at tumingin sa kaniyang butler, "Balik na tayo, gusto kong makita si Marko." Sabi ng Duke at nauna ng lumabas.

"Hindi ka ba muna magpapahinga? Kakagaling niyo lang sa selebrasyon, maaari namang ipabukas mo nalang ang pakikipagkita mo sa kaniya." Sabi ng kaniyang Butler habang nakasunod sa kaniya ito.

"Hindi, nais kong makabalik kaagad dito bukas ng umaga." Sabi ng Duke kay Butler Gavin at pumasok na sa loob ng karwahe, sumunod naman sa kaniya si Butler Gavin.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now